After eating in that fancy restaurant, we decided to go home. Dahil pagod ako sa trabaho ay hindi na ako ginulo ni Cyrus at umalis na lang ng apartment ko pagkatapos niya akong maihatid at magpaalam. Naiiling akong humiga sa kama pagkatapos maligo at magbihis ng pantulog. Kinuha ko ang cellphone nang tumunog ‘yon at nakita ang text ni Cyrus. Hindi ko pa nireregister ang numero niya pero alam kong siya ‘yon. Binuksan ko ‘yon at binasa.
From: Unknown Number
Just got home.Pakialam ko naman kung nakauwi na siya? Kailangan pa ba niya akong iinform? Magrereply pa lang sana ako ng pabalang nang magtext ulit siya.
From: Unknown Number
#groupmessage
#feelingsiyalangtinextNapasinghap ako sa huli niyang sinabi. Napakakapal naman ng pagmumukha ng lalaking ‘to!
Hindi ko na lang siya nireplyan dahil wala rin naman palang kwenta kausap ang lalaking ito. Naisipan ko na lang na itext si Sherwin kahit alam ko namang hindi siya magrereply sa akin.
To: Sherwin
Hi, hon! Hope you’re doing okay. Kailan pala ang uwi mo? Can we talk when you go home?Para akong lutang na ewan habang nagtatype at naghihintay ng reply niya pero mukhang wala na naman akong aasahan gaya nitong mga nakaraan. Tumingin na lang ako sa ceiling habang hinihintay ang sariling makatulog na habang naghihintay sa repy niya. Inisip ko kung paano ko sisimulan ang pag-uusap namin o kung saan ko man sisimulan ang pag-uusapan namin. Should I go straight to the main topic or not? Or should I at least tell him first if he have any idea about what we will talk about?
Sa totoo lang hindi ko alam. Hindi ko na naman alam ang gagawin ko. Hindi ko na naman alam kung ano ang tama at mali. Basta lang ay gusto ko nang matapos ito dahil alam kong habang tumatagal ay mas nagiging komplikado ang lahat. Mas nagiging mahirap magdesisyon habang tumatagal na ganito kaming dalawa ni Sherwin. Desidido naman na ako dahil ayaw kong manatili siya sa isang one-sided love. Mas magi-guilty lang ako no’n. I don’t want to look like a cheater too because Cyrus keeps on bugging me also while he’s not around. And my heart and mind is not in a haywire because of them.
Habang nag-iisip ako ay biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text na naman. Mabilis kong kinuha ‘yon, expecting that it was Sherwin. But my hearts skips a beat when I saw Cyrus’ name. Bigla akong napabuntong hininga habang binubuksan ang text message niya.
From: Unknown Number
Hey, still alive?Kumunot ang noo ko sa text niya pero bago ko pa siya mamura ay may panibago na naman siyang text.
From: Unknown Number
I mean, still awake?Marahas akong humugot ng malalim na hininga bago nagtipa ng reply sa kaniya.
To: Unknown Number
Kung wala kang mapagtripan at nagsasayang ka lang ng load mo, manahimik ka na lang o matulog.To: Unknown Number
Or p’wede ka ring maghanap ng babaeng maikakama mo para matigilan mo na akong bwisit ka.From: Unknown Number
Sungit mo naman sa ‘kin.To: Unknown Number
Tantanan mo ‘ko nang hindi kita sungitan.From: Unknown Number
Nope. I can’t do that, though.To: Unknown Number
Tigilan mo na ‘ko. Matutulog na ‘ko!From: Unknown Number
Alright, then. Goodnight, babe :)He even put a smiley face! What the hell is wrong with that guy? May saltik ‘ata. Nasobrahan ba siya sa trabaho?
Imbes na mag-isip pa ng kung ano-ano ay pinilit ko na lang ang sarili kong matulog dahil may trabaho pa ako bukas. Sa day off ko ay matutulog talaga ako maghapon. Ipapahinga ko muna ang sarili ko sa araw na ‘yon at sana ay walang manggulong asungot na ang pangalan ay Cyrus.
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 2: Jian Cyrus Salazar
Romance𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. | 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 | Date Published: March 27, 2022 Date Finished: January 1, 2023 ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮𝐞𝐀𝐲𝐞