"May iba ka ba dapat na ka-lunch meeting na hindi dumating kaya mo 'ko inaaya ngayon?" tanong ko pagkaupo niya sa kabisera ng lamesa.
Nagsalubong agad ang mga kilay niya. "What are you talking about?" he asked, confused. "I prepered this, mainly for you. Ano ba 'yang iniisip mo?" inirapan ko siya para itago ang biglang kilig na naramdaman.
Hindi ko naitago ang gulat na nararamdaman nang lagyan niya ng kanin ang plato ko. Halos mapugto ang hininga ko sa ginagawa niya. What is his problem, by the way? Anong nangyari sa kaniya at may ganito na siyang 'sweet gestures' sa akin?
"Which one do you want?" tanong niya, tinutukoy ang ulam.
"Ako na," saad ko at ako na ang kumuha ng ulam para sa akin.
Gusto ko rin sana siyang paglagyan ng kanin sa plato niya o ulam para naman makabawi sa ginagawa niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Why would I do that, anyway?
I saw him smile in my peripheral vision when I started eating lunch. Hindi na ako umangal dahil libre na anamn ito. Masarap talaga ang pagkain lalo na kapag libre. Tahimik na lang akong kumain, gano'n rin naman siya at hindi na nakipagtalo sa akin.
"Eat more," aniya nang makitang hindi na ako kumakain dahil tapos na.
Napanguso ako sa sinabi niya. "Busog na 'ko," nakangusong sambit ko.
Kumunot ang noo niya habang nakatingin ng masama sa aking pinggan. "Busog na? E, ang konti nga ng una kong inilagay diyan. Paano ka mabubusog no'n?" salubong ang kilay na tanong niya.
Siya naman ang sinamaan ko ng tingin dahil sa sinabi niya. "Anong kaonti ang sinasabi mo? Napakarami na nga no'ng nilagay mo, e! Konti pa 'yon para sa 'yo? Anong akala mo sa tiyan ko? Drum? Kasya kahit tatlong kaldero ng kanin?" singhal ko sa kaniya na ikinabusangot niya.
"It's just that, you're too thin at your age. It was like, you were deprived of foods for years." napanganga ako sa kapangitan ng sinabi niya.
Mabilis ko sa kaniyang inihagis ang table napkin na nasa tabi ng plato ko na agad niyang iniwasan sabay tawa.
"Anong sobrang payat?! Hindi ako gano'n kapayat! Nakikita mo ba katawan ko? Malaman naman ako, ah!" galit ko siyang tinapunan ng tingin, at kung nakakamatay lang ang masamang tingin ay baka kanina pa siya riyan nakabulagta.
"Yeah, I can see your body clearly. Nakita ko na nang malapitan at nahalikan... every inch of it." he said seductively. His eyes held desire for a moment.
Inirapan ko siya kahit ramdam ko na ang pag-iinit ng pisngi ko at ang pamumula no'n. Umiwas ako ng tingin at ikinunot ang noo para magmukha pa rin akong galit sa kaniya. Hindi ko pinahalata masyado ang epekto niya sa akin bago tumikhim. Dinaan ko sa pag-inom ng tubig ang pamumula ng pisngi ko.
"Napakabastos talaga ng bibig mo," sabay irap ko at lapag sa baso.
He chuckled lightly before sipping on his water. "Sa 'yo lang ako bastos." he then winked at me.
I mock him and look away again.
"By the way, did you had a good sleep last night?" tanong niyang bigla, binago ang usapan.
Tumango ako bago nagsalita. "Pero may damuhong nanggugulo no'n, siyempre." the side of his lips tugged up for a smirk then his lips formed an 'o' sexily.
"Ohh... so you dream about me?" halos mabulunan ako sa sariling laway dahil sa sinabi niya pero agad ko 'yong binawi at huminga nang malalim bago siya nilingon at nginitian nang nakakaloko.
"Nope. You're not the one who invaded my mind last night in my dream." I smirked more when I saw his eyes held fury. His face darkened even more while clenching his jaw tightly.
![](https://img.wattpad.com/cover/305865087-288-k989677.jpg)
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 2: Jian Cyrus Salazar
Romance𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. | 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 | Date Published: March 27, 2022 Date Finished: January 1, 2023 ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮𝐞𝐀𝐲𝐞