"Anak," napatingin ako sa pinto ng kuwarto ko at nakita si Papa na pumasok doon. He's smiling but ut didn't reach his eyes.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Cyrus at nang ma-discharged ako sa hospital ay kinompronta ko si Papa tungkol sa mga sinabi ni Cyrus. He didn't deny anything. Kaya nagsasabi talaga ng totoo si Cyrus.
Nang makauwi kami rito sa bahay ay hindi na ulit nagpakita si Cyrus. Tinupad nga niya ang pangako niya at hindi niya ako pakikialaman sa buhay ko ngayon. I felt empty but I know it's for my own good so I can live with it. I live my whole life without him so I'm just resuming it this time.
"Nagpadala ng bulaklak si Cyrus, nasa baba." Napataas ang isang kilay ko at biglang kumalabog ang aking puso sa narinig. Napailing si Papa, "sabi ko sa batang 'yon ay hayaan ka muna pero ang tigas ng ulo. Hindi naman daw siya magpapakita pero gusto lang niyang magbigay ng bulaklak. Monthsary niyo raw dapat ngayon," kumunot ang noo niya at sinipat ako.
Nag-init ang aking pisngi dahil doon.
"Uh . . . d-dalhin mo na lang po rito, Pa." I smiled shyly at him.
"Sige, kukunin ko lang sa baba."
Kahit nanunuri pa rin ang tingin niya sa akin ay nagpatuloy pa rin siya sa paglabas ng kuwarto ko. Napabuga ako ng malalim na buntong hininga bago tumingin muli sa labas ng bintana.
Lumipas pa ang mga araw na halos puro gano'n lang ang cycle ng buhay ko. Tatambay sa labas para magpahangin o magpaaraw. Minsan ay magwawalis sa bakuran kapag walang ginagawa. Tapos tutulong kay Tita Maribel na magluto o gumawa ng gawaing bahay. Kailangan ko rin daw kumilos para bumalik sa dating panunumbalik ang katawan ko. Minsan ay sumasama rin ako kay Tita Maribel sa palengke para naman daw mabawasan ang social anxiety ko.
I'm getting used to it every time I do things unusual. I asked my personal doctor if when I can work since I'm getting okay each passing day. Ang sabi niya ay palipasin ko muna raw ang tatlong buwan upang masiguradong kaya ko nang makihalubilo at magtrabaho.
I waited for that time to come. I wanted to have a normal and simple life alone again. But I should be cautious now for what my decisions may be. In life, I learned that I shouldn't be always reckless, don't be so trusty, don't be always soft because in the end, you'll be the one to suffer and cry your hearts out.
Si Cyrus ay nagpatuloy sa pagsustento sa mga gamot ko pati vitamins. Nahihiya na nga si Papa pero nagpupumilit pa rin ang lalaki. Ayaw talaga magpatalo. Pero kahit gano'n ay tinupad pa rin niyang hindi siya magpapakita sa akin. Hindi ko lang alam kung narito pa siya sa Iloilo o wala na at nagpapadala na lang ng perang pambili ng gamot ko.
"It's fine not to take your meds, Miss Gaila. You're fully recovered so I suggest to slowly have a communication with others to fight your social anxiety. Congratulations." anang doktor ko na nagpangiti sa akin nang malapad.
"Talaga po, Doc? Marami pong salamat!" sambit ko sa sobrang tuwa sabay yakap kay Papa na siyang kasama ko ngayon pumunta rito.
Kaya naman pareho kaming nakangiti nang umuwi at masayang ibinalita 'yon kina Misha at Tita Maribel. Gusto ko rin sanang sabihan si Cyrus kaso wala akong cellphone upang maipahatid 'yon sa kaniya kaya naman hinayaan ko na lang at saka na lamang sasabihin sa kaniya kapag nagpadala ulit siya ng pambili ng gamot ko.
Isang buwan pa ang lumipas ay nakakahalubilo naman na ako sa iba pang tao, hindi lang sa palengke o sa mga kapitbahay namin.
Nagdesisyon akong bumalik ng Manila upang magtrabaho roon. Hindi ko alam kung saang company muli ko magtatrabaho, basta ay maganda ang sahod ay ayos na ako roon.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, anak?" tanong ni Papa sa akin habang pinagmamasdan akong mag-impake ng gamit ko.
Kaunti lang ang mga gamit kong narito noon, nadagdagan lang dahil binilhan ako ni Tita Maribel at Papa ng mga bagong damit at ang iba ay regalo nila sa akin. Nakausap ko na rin noong nakaraang araw ang landlady ng dati kong apartment at sabi niya ay available pa rin ang unit ko. Sabi niya ay p'wede raw akong bumalik doon kahit anong araw o oras ko gusto. Hindi ko alam kung bakit sa loob ng isang taon ay walang umupa roon. O baka . . . hindi kaya'y binili ni Cyrus? I sighed with the thought. The power of Cyrus Salazar.
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 2: Jian Cyrus Salazar
Любовные романы𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. | 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 | Date Published: March 27, 2022 Date Finished: January 1, 2023 ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮𝐞𝐀𝐲𝐞