"Pinlano namin lahat ni Kendra ang paninira sa inyo ni Cyrus . . ."
Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Para akong nabingi nang marinig 'yon.
"A-Ano'ng sinabi mo?" tanong ko sa mahinang boses.
"I-I'm sorry, Mio. H-Hindi gano'n ang plano namin . . . Maniwala ka, wala sa plano ang makipag-away sa 'yo si Kendra para malaglag ang bata." Nanginig ang boses niya habang pilit na nagmamakaawa ang kaniyang tingin ang boses.
I stiffened at what I heard.
"You . . . you set it all up?! For what, Sherwin?! Huh?! Nawala ang buhay ng anak ko nang dahil sa inyo! Tapos hihingi ka lang ng tawad nang gano'n-gano'n lang?!"
Hindi ko na naiwasan ang mapasigaw sa kaniya. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang saktan gaya ng naranasan ko noon o mas higit pa!
"Pinagkatiwalaan kita, Sherwin! Bakit nagawa mong . . . tang *na!"
"S-Si Kendra ang l-lumapit sa akin. I was madly in love with you that's why I accepted her proposal! S-Sabi niya sa akin tutulungan niya akong maibalik ka sa akin, that's why I agreed with her. She helped me with things I should do. Even that night I talked to you, that was our plan. We planned to set you up, para hiwalayan ka ni Cyrus. We planned everything. Maging ang paninira ni Kendra kay Cyrus, pinlano namin 'yon, because I was desperate to take you back to me! Mahal na mahal kita kaya hindi ko matanggap na kay Cyrus ka lang mapupunta. Na mas pinili mo siya kaysa sa akin e, hindi mo naman siya lubusang kilala—"
I slapped him hard, making him stopped his sentence.
"Itinuring kitang kaibigan, Sherwin . . . Akala ko . . . A-Akala ko ayos na tayo. Akala ko nagkaintindihan na tayo pero bakit? Bakit nagawa mo 'yon?!"
Tumulo ang luha niya habang umiiling siya sa akin.
"I was about to tell you. I was about to stopped Kendra. Pero hindi ko nagawa dahil pinagbantaan ako ni Kendra. Na mas masisira ang tingin mo sa akin kung sakaling sabihin ko. That she will . . . she will also set me up. Hindi ko alam kung paano niya ako nauto at natakot nang gano'n. H-Hindi ko alam . . ."
Marahas na tumulo ang luha ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Halos hindi na ako makahinga pero pinilit kong makinig sa mga paliwanag niya. Gusto kong malinawan. Gusto kong malaman lahat ng rason niya.
"She tried to seduced Cyrus, but failed. Desperada na siyang makuha si Cyrus sa 'yo. She wants him . . . and his wealth. And everything Cyrus have in life. She wants it all. I don't want to tolerate her pero lahat ng sinasabi niya ay nakakahikayat, she's like a businesswoman, ready and expert in negotiating. I will help her make you and Cyrus apart in return of having you in my life. Gusto ko 'yon, oo. Dahil mahal na mahal kita, hindi ko siya tinanggihan. We've been friends and all while planning that thing to you. Lahat ng mga videos and pictures ay planado. To make Cyrus believe that you are cheating with me. Desperado na rin ako, Mio. M-Mahal na mahal kita, e. I-Ikaw 'yong babaeng gusto kong iharap sa altar pero ano'ng ginawa mo? Ano'ng nangyari? Wala. Dahil lang sa nakita mo ulit 'yong lalaking 'yon, nawala lahat ng plano natin sa buhay. Nawala ka sa buhay ko. At hindi ko 'yon matanggap. Hinding-hindi . . ."
Pareho na kaming umiiyak ngayon. Naninikip ang dibdib ko habang nakapikit ang mga mata, pilit na pinipigilan ang sakit na nararamdaman kahit alam ko namang hindi mawawala ang sakit na 'yon. Panay ang hagulgol ko, gano'n din siya habang pinapakalma ang sarili. Nagmulat ako at nakita ang lahat ng pagsisisi at pagod ni Sherwin sa mga mata niya.
"I didn't know what's Kendra's thinking. I didn't know she was planning evilly, if I had known, I confessed immediately and stopped what we agreed with. Hindi ko alam na binibilog lang niya ako . . . dahil alam niya, na kahit ano ang gawin ko, hindi na kita makukuhang muli. She knew it all along. At ako naman itong si tanga, naniwala sa mga sinabi niya."
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 2: Jian Cyrus Salazar
Romance𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. | 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 | Date Published: March 27, 2022 Date Finished: January 1, 2023 ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮𝐞𝐀𝐲𝐞