KABANATA 49

1.4K 23 1
                                    

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung sasang-ayon ba ako agad o hindi? Bawat segundong lumilipas ay mas lalong bumibigat ang dibdib ko at mas lalo akong naluluha. Naiisip ko ang nangyari sa nakaraan naming lahat.

Dugo. . .

Ang baby ko. . .

Ang relasyon namin ni Cyrus na nasayang lang. . .

Ang lahat.

Pati ang relasyon naming pamilya. Naglaho na dahil sa isang trahedyang nangyari. Ang pagkawala ng anak ko ay nagdulot ng matinding lukot sa sa samahan naming pamilya.

We were once one. We were once have a happy and contented family. But because of Kendra's griddiness, everything fell off. Everything vanished just like that. No one can make it back to us.

Maging ako ay hindi na alam kung paano iyon ibabalik kahit pa ano'ng pagdadasal at pagpapatawad ang gawin ko. Wala akong kakayahang ibalik 'yon ngayon.

"Alam naming. . . masakit para sa 'yo na makita kaming narito sa harap mo. Pero maniwala, anak, wala kaming intensyong masama na makaksakit sa 'yo. Gusto ka lang namin kausapn." ani Tito habang may pagsusumamo sa mga matang nakatingin sa akin.

"Nasabi na rin sa amin ng Papa mo lahat ng nangyari at humihingi kami ng tawad sa lahat ng nangyari sa 'yo."

And on behalf of their daughter, they are willing to crawl to say their apologies to me. Bakit? Nasaan si Kendra at hindi siya makahingi ng tawad sa akin nang harapan? Not that I want to see her face again. But as a grown up woman, she should show up and face me to ask for my forgiveness.

"P-Pasok po kayo. . ." I said breathily as I open my door widely for them.

Kahit na kinakabahan at nanlalamig ako ay nagawa ko pang pumunta sa kusina para kuhaan sila ng maiinom. Dahil may timplado nang juice ay iyon ang kinuha ko habang ako naman ay kumuha lang ng isang basong tubig para sa akin.

Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kusina at dinala ang inumin sa kanila. They smile at me awkwardly but I didn't smiled back at them. I kept my stern look and sat down. Tumikhim ako at tiningnan silang dalawa.

These are the persons who made me grow. These are the persons who molded my talents and believe in me. These are the persons who helped me in life when I was still a child. That's why I can't help but miss them so much. Dahil kahit ano'ng sakit ng mga nangyari, hindi ako makapagtanim ng galit sa kanila. Dahil si Kendra naman ang may gawa ng lahat. She's whom despise me so much in life. I didn't do anything to offend her but she envy so much. That caused us to be in this situation.

"Kumusta ka na, Mio?" Tita asked while smiling at me.

"Ayos naman na po ako. Pagkatapos po ng mga medication ay napayagan na rin akong magtrabahong muli." sagot habang may maliit na ngiti sa labi. "I had postpartum disease because of. . . what happened. Muntik ko nang. . . mapatay ang sarili ko dahil sa mga halusinasyon ko. I feel like everyone around me are all after me, that they're also going to kill me like what happened to my unborn child. I. . . am always afraid . . . Uneasy of eveything." Pinigilan kong bumagsak ang nagbabadya kong luha bago tumingin sa kanila sa mga mata nila.

Nagpunas ng luha si Tita, "pasensya na sa mga nangyari, Mio. Kahit kami. . . hindi namin akalaing gano'n ang mangyayari. Hindi namin alam na gano'n katindi ang alitan ninyo ni Kendra. Hindi rin namin alam na buntis ka. Nalaman na lang namin noong. . . may dugong umagos sa binti mo at noong nasa hospital ka na." Humagulgol siya kaya naman hinagod ni Tito ang kaniyang likod ako naman ay napakagat sa pang-ibabang labi, nagpipigil ng luha.

Naninikip ang dibdib ko sa sobrang pagpipigil kong lumuha kaya naman binuksan ko ang aking bibig upang humugot ng malalim na hininga. Tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag at nakita kong si Cyrus ang tumatawag. Hindi ko 'yon sinagot at hinayaan lamang na matapos 'yon. Namatay ang tawag kasunod ng isang mensahe mula sa kaniya.

Luscious Man Series 2: Jian Cyrus SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon