KABANATA 58

1.4K 21 1
                                    

"Thank you so much po, Ma'am." I said politely.

Umiling siya, "please, call me Mommy or Tita, Tita Dindy. H'wag ma'am or whatsoever, please. I feel like you don't want me to be your mom." madramang aniya na ikinatawa ng mga lalaki.

"Sige po, Tita."

"And when you two got married, you will call me mommy." she excitedly said. Beaming to us.

"Mom, you're scaring Ate." anang kapatid ni Cyrus.

"By the way, he's Carl." Pakilala ni Cyrus sa kapatid.

"Hi, I'm Hermione. You can call me, Mio." I smiled as I shake his hand.

"And that's my father, Carlos Salazar." Turo niya sa kaniyang Daddy.

I shook his hand. And afterwards they decided to get inside.

Nang pumasok na kami sa loob ng mansyon nila ay namangha ako sa ganda no'n. It screams so much elegance and power. It was mesmerizing to look at. Masasabi mong hindi pinababayaan ang bawat muwebles, kahit pa ang sahig na marmol, ang mga paintings na paniguradong mahal ang pagkakabili, at ang mga naggagandahang chandelier na titingalain mong talaga.

Para itong palasyo sa ganda.

Habang papalapit kami sa engrandeng dinning area, panay ang tawag at utos ni Mrs. Salazar — I mean, Tita Dindy. I look at Cyrus whose busy talking to his Dad, and his brother is just on his phone . . . typing seriously.

Hawak ni Cyrus ang kamay ko habang naglalakad kami papasok sa dinning area. Bumaling sa akin si Tita Dindy at agad na ngumiti sa akin.

“Halina kayo, masasarap ang mga pinaluto ko. Cyrus said you don’t have any specific type of food and don’t have any allergies naman kaya ako na lang ang nag-isip ng mga ulam panghapunan.” Tita Dindy said excitedly.

I smiled, “maraming salamat po.”

Nagsimula na kaming kumain ng hapunan. Hindi maubos ang kwento ni Tita Dindy na naunawaan ko naman dahil ngayon pa lang kami nagkita. Bawat kwento niya ay nakadirekta ang tingin niya sa akin.

"Alam mo ba na hindi naman namin pinipilit ang dalawang ito na i-pursue ang business course nila. Cyrus took bith Architecture and Business Management when he was in College," proud na kwento ni Tita Dindy.

Tumingin ako kay Cyrus na nakatingin lang din sa Mommy niya na masayang nagsasalita at nakatingin sa akin ng may ngiti sa labi.

"We never pressure them. Pero nitong mga nakaraang taon lang I really pressure Cyrus for having a serious relationship. Kasi naman! He's almost 30 years old yet he's still playing with girls. I don't like it since I'm a woman, pero may sarili siyang pag-iisip. Mabuti nga itong si Carl at mukhang mabait naman sa mga babae." ani Tita Dindy sabay baling sa bunsong anak na abala sa pagkain. Napailing na lang si Carl. "Don't tell me you're also a playboy kaya ka naiiling diyan," may banta sa boses ni Tita na agad dinepensahan ni Carl ang sarili.

"Mom, I'm not. I'm not like Kuya Cyrus. Baka sinapak pa ako niyan," anito na tinawanan ni Cyrus at ni Tito Carlos.

"I just don't want you to be like someday, Carl. I don't want you to have the same fate as me." matamang sambit ni Cyrus sa kapatid.

Ngumisi si Carl at tumingin sa akin, "baka may kapatid ka riyan, Ate Mio, pakilala mo sa akin." Kumunot ang noo ko kasabay ng pagtalim ng tingin ni Cyrus sa kapatid.

"Carl," Cyrus called his brother with warn in his voice.

"Uh, mayroon akong kapatid. She's my half sister, she's a grade 12 student now."

"Still a minor," sagot ni Carl sabay tango.

"Yes, she is. Kaya tigilan mo 'yang binabalak mo." si Cyrus sa seryosong boses.

Luscious Man Series 2: Jian Cyrus SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon