KABANATA 1

4.3K 44 1
                                    

Everything seems to be fine in my life not until I met a guy whose name is Jian Cyrus Salazar. One of the heartthrob in Architecture Department. Well, in the whole campus to be exact.

It still feels so surreal. The day when I first met him. I was a freshman and he's in third year in college, and damn boy, he's into Architecture!

"Mio! Bumalik ka rito!" Sigaw ng kaibigan kong si Sandy pero hindi ko siya nilingon habang tumatakbo palayo sa kanila at hinahabol niya 'ko.

"Ayoko!" Paano ba naman kasi, pinipilit nila akong sumama sa kanila sa isang bar. Magce-celebrate daw sila ng birthday niya. Bakit kailangang sa bar pa? P'wede namang sa bahay na lang nila, mas kumportable pa ako.

"Mio naman! Please!" Sigaw pa niya sa namimilit na boses.

Karamihan sa nakakasalubong ko ay umiiwas at ang iba naman ay iniiwasan ko para lang hindi ko sila masanggi. Ang iba siguro ay nawiwirduhan sa pagtakbo namin dahil naghahabulan kami. Wala naman akong pakialam dahil hindi ko naman sila kilala. Mawirduhan kayo hangga't gusto niyo.

Lumiko ako sa daang papunta sa soccer field para hindi gaanong matao. Nilingon ko si Sandy at nakitang medyo natabunan siya ng mga nagsisilabasang estudyante sa Finance Department. Natatawa ako habang tumatakbo at nakatingin sa nagigitgit nang kaibigan nang bigla akong mabunggo sa isang mala-bakal na katawan.

Sa lakas ng impact ko doon ay muntikan pa akong matumba pero mabilis akong nahawakan sa braso at beywang ng nabangga ko.

"Ahh!" Tili ko habang nakapikit. Akala ko ay pareho kaming matutumba pero masiyado siyang malakas at malaki para mahatak ko.

"Hey," a manly but soothing voice filled my ears as I slowly open my eyes and saw a handsome man right in front of my face. . . just inches away. "Careful, lady." His voice. . . damn!

I smell his minty breath that shook my whole being. I blinked twice and just stared at his handsome face and look straight to his brooding eyes.

Inayos niya ako ng tayo pero nakatulala pa rin ako sa kaniyang mukha at parang sinasaulo ang bawat anggulo niyon.

"Dude, anong nangyari?" Napatingin siya sa dalawang lalaki na papalapit sa p'westo namin.

They're both goddamn handsome. But I was just mesmerized by this guy's perfect face, in front of me. He has this brooding eyes, proud pointed nose, kissable thin lips, he has thick brows and curl thick eye lashes that made me think twice if he really is a man. Because. . . mine is just enough and just curl, but his. . . is kind of different and beautiful. But his feature is very manly! Unlike the other guys I have met!

"I was just bumped into her. No big deal." He look at me again but I was out of words. I couldn't even utter a single word!

"Oh, freshman." The guy in the left said while nodding slowly. He smiled at me warmly.

"S-Sorry," hindi ko alam pero 'yon lang ang lumabas sa bibig ko habang pinagmamasdan ang tatlong nagga-gwapuhang lalaki sa harapan ko.

Para akong pinagpala ng panginoon habang pinagmamasdan  ang tatlong ito sa aking harapan. Ngumingiti sila kapag nagtatama ang mga mata namin pero ang nasa gitna, na aking nabangga, ay hindi ko man lang makitaan ng kung anong emosyon sa mga mata.

"It’s fine.” He smiled a bit that stunned me. "H’wag ka na lang siguro tumakbo sa susunod kapag maraming tao." I nodded obediently at him.

I saw his expression changed into amazement. He gracefully comb his hair using his fingers that made him even more hotter than ever.

"Tara na‚ Cyrus! Naghihintay sa atin si Axton. Baka biglang topakin ’yon at hindi pumasok sa susunod na klase." Naiiling na sambit ng isang lalaking nasa kaliwa niya. G’wapo rin ’yon at napakaputi. His disheveled hair suits his facial expression.

Luscious Man Series 2: Jian Cyrus SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon