“For me?” hindi pa rin ako makapaniwala na bibigyan niya ako ng ganito.
“Yeah. Actually may isa pa akong regalo sa ‘yo but I forgot it on my cabinet.” parang nahihiya pa siyang sabihin sa akin ‘yon.
Pero ang atensyon ko ay nakatuon lang sa maliit na box na hawak niya ngayon. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at naabutan ko siyang nakatingin lang rin sa akin at mukhang naghihintay na tanggapin ko ang ibinibigay niyang kwintas.
“Miss, tanggapin mo na. Baka bigla na lang magwala ‘yan dahil sa pag-reject mo.” kay Axton naman ako napatingin na may mapang-asar na ngisi sa labi. Ingunuso niya ang lalaking nasa harap ko a naghihintay sa akin.
Huminga na lang ako nang malalim. “Akin na,” kukunin ko na sana nang ilayo niya ‘yon bigla sa akin.
“Isusuot ko sa ‘yo,” kumunot ang noo ko sa sinabi niya kahit na abot-abot na ang tahip ng puso ko.
“Fine,” kinuha niya ‘yon mula sa kahon at pumwesto sa likod ko para isuot sa akin ang necklace na binili niya.
Agad kong hinawakan ang pendant at hindi na naitago ang ngiti sa labi.
“I want you to wear this every day.” I look up at him and nodded.
“Yes, I will.” I definitely will.
Tumikhim ang lalaking kanina pa nag-aabang kay Cyrus na matapos kaya napatingin kami sa kaniya. Ngayon lang ako tinamaan ng hiya nang maalalang narito pa nga pala ang kaibigan ni Cyrus. Tiim labi akong bumaling muli kay Cyrus na ibinalik na rin pala ang tingin sa akin.
“Uh… bababa na ‘ko. Kailangan ko na rin magtrabaho.” tumango siya bago ako hinalikan sa noo.
“Punta ka rito mamayang tanghali,” tumango na lang din ako at nagpaalam nang aalis na. Gano’n na rin sa kaibigan niya na tinanguan lang ng lalaki.
Lumabas na ako ro’n na may ngiti sa labi. Pumasok ako sa elevator para makapasok na sa opisina. Pagkarating ko ro’n ay agad akong sinalubong ng sampal ni Trinity sa aking pisngi na ikinagulat ko at ikinasinghap ng mga tao sa paligid.
“Anong problema mo?!” sigaw ko sa kaniya at malakas din siyang sinampal.
“Mio!” sigaw ni Jarah at agad na tumabi sa akin. “Ayos ka lang?” tanong niya pero hindi ko sinagot dahil nakatuon ang nanlilisik kong mga mata sa babaeng bumungad ng sampal sa akin.
“You! You are my problem here, Hermione!” sigaw niya sa akin at dinuro-duro pa ako habang pinipigilan siya nina Jerson na sumugod sa akin. “Nagsumbong ka? Huh?! You told our boss that I was the one did those shits to you?!” noong una ay naguguluhan pa ako pero ngayong biglang may ala-alang sumagi sa isipan ko ay biglang umapaw ang galit ko.
I mockingly chuckled, “hindi ako nagsumbong, for your fvcking information, Trinity. Hindi likas sa akin ang sumbungera. Siguro ay karma mo na ‘yan. Bakit ano bang nangyayari at ganiyan ka kagalit sa akin?” my voice are firm but I’m shaking in anger inside of me.
“You b*tch! How dare you talk to me like that?! Oo at ginawa ko ‘yon para turuan ka ng leksyon! Dahil tang *na ang pabibo mo! Mula sa HR pati sa Finance department ikaw ang bukang bibig dahil pabibo ka! Ano? Nilalandi mo ba ang mga lalaking managers para paboran ka sa mga gawain dito?! Huh?! You sl*t!”
Napahilot ako sa sentido ko at napakagat sa pang-ibabang labi. Saan ba ‘to kumukuha ng source niya sa mga sinasbabi niya ngayon? Wala namang katotohanan.
“At balita ko, pati ang CEO ay nilalandi mo. Ang galing mo talagang babae ka. Ano, para umangat ang posisyon mo? P*kpok!” isang malakas na lagapak ng sampal ang tumama sa magkabilang pisngi ni Trinity nang matapos niya ang sinasabi.
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 2: Jian Cyrus Salazar
Romance𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. | 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 | Date Published: March 27, 2022 Date Finished: January 1, 2023 ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮𝐞𝐀𝐲𝐞