"Cyrus . . ." nanigas ang katawan ko at hindi agad nakagalaw. Basta ay naibuka ko lamang ang bibig upang bigkasin ang kaniyang pangalan na miss na miss ko na.
Nang magsalubong ang mga mata namin ay agad tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Agad akong nahabag habang pinagmamasdan siyang lumuluha sa harapan ko. His eyes were weak and begging as he look at me longingly.
"Hermione . . ." bulong niya bago nanginig ang boses niya. "I'm sorry," aniya kasabay ng pagluhod niya sa harapan ko habang umiiyak.
Hindi ko na rin napigilan ang pagbagsak ng luha ko habang pinagmamasdan siyang nakaluhod sa harapan ko at umiiyak. Humagulgol siya bago hinawakan ang aking kamay. Ang isa kong kamay ay itinakip ko sa aking bibig upang pigilan ang aking paghikbi.
"B-Balik ka na sa akin . . . please . . ."
He looks so worn out. His face looks like he's not having a good sleep every night.
"H-Hindi ko na kaya na wala ka, please . . . b-bumalik ka na sa 'kin. Mahal na mahal kita, Hermione." His voice broke as he beg to me.
I flinched a little before letting out a sob, "C-Cyrus . . ."
Uttering his name put a trigger on my mind. I feel like . . . there'ssomething will happen again after this. No . . . that cannot be . . . Hindi na maaring may mangyaring masama sa akin. Hindi ko na kaya . . .
"Please . . . balik ka na sa akin . . . m-mahal na mahal kita . . ."
Halos mawasak na naman ako sa hitsura niya. Sa pagmamakaawa niya. Sa pag-iyak niya. At sa pagsasalita niya.
"I promise . . . n-nagbago na ako . . . pe-pero ikaw pa rin ang m-mahal ko . . ."
"C-Cyrus . . . tumayo ka na riyan . . ." hindi ko na mapigilan ang paghikbi ko habang pinagmamasdan siyang nakayuko at nakaluhod sa harap ko, umiiyak ay wasak.
"N-Nababaliw na ako sa kakaisip sa 'yo, babe . . . P-Palagi kitang hinahanap araw-araw. Ikaw pa-palagi ang nasa isip ko. Iniisip ko kung k-kumusta ka na, k-kung ayos ka lang ba, o kung n-nakakakain ka ba nang maayos—"
"At ngayon mo pa naisipang puntahan ako rito, Cyrus? N-Nakaka-recover na a-ako sa lahat ng dinulot ninyong sakit sa 'kin. G-Gumagaling pa lang ako . . ." sinampal ko siya pero hindi siya natinag doon.
Nanatili siyang nakaluhod at umiiyak. Mabuti na lamang at gabi na at nasa isang subdivision kami kaya hindi gano'n ka-eskandalo ang nangyayari sa amin.
"Alam mo ba ang hirap ko?! Cyrus isang taon! Tang *na! Isang taon akong nagdusa, nagluksa sa nawala nating anak, nabaliw dahil sa pagkawala niya! Tapos ngayon magpapakita ka sa akin na parang wala lang nangyari at gusto mong bumalik sa 'yo?!" pinaghahampas ko ang balikat niya at puro sampal ang tinamo niya pero hindi siya kailan man nagalit o nag-react, basta ay umiiyak lang siya habang nakaluhod. "Kayo . . . kayo ang dahilan kung bakit nawala ako . . . m-minahal kita . . . m-mahal na mahal kita, Cyrus, pero ano? Puro sakit . . . puro luha . . . puro na lang gano'n! Nagmakaawa ako sa 'yo, nagpaliwanag, pero ano'ng ginawa mo? Mas inuna mo ang sarili mong nararamdaman kaysa ang makinig at maniwala sa akin! Girlfriend mo 'ko pero naniwala ka sa pinsan ko! Noong ikaw ang may pagkakamali, pinatawad kita, binigyan kita ng pagkakataon pero noong ako na ang nasa sitwasyon na naranasan mo . . . hindi mo man lang ako pinakinggan . . . parang wala lang sa 'yo na umiiyak ako sa harap mo, umaasang paniniwalaan at pagkakatiwalaan mo!"
Ang hinanakit ko ay ibinuhos ko. Kahit na ngayon pa lang ako nakaka-recover, pinilit kong ilabas ito. Hindi ko nailabas o nasabi sa doktor ko 'to, at ngayong narito si Cyrus ay gustong-gusto kong ilabas 'to at saktan siya gamit ang mga salita ko. I want him to feel how I felt when I begged him to listen to my explanation and trust me. I want him to feel my wrath but it also hurts me. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 2: Jian Cyrus Salazar
Romance𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. | 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 | Date Published: March 27, 2022 Date Finished: January 1, 2023 ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮𝐞𝐀𝐲𝐞