“Kendra...” bulong ko nang makita kung sino ang babaeng nakatayo ilang metro lamang ang layo sa akin.
It’s been years since I last saw her. Noong umalis ako sa puder nina Tito at Tita ay hindi niya ako pinapansin. Hindi ko rin alam kung bakit hindi niya ako binubully o nagsasalita man lang ng kung ano sa akin. She was just there, sitting on the couch and doing her usual things in her phone, not minding us as I leave their house. Kapag naman bumibisita ako kina Tita noon ay wala rin siya dahil abala palagi sa trabaho o kaya ay nasa labas kasama ang mga barkada niya.
Kaya ngayon ko lang ulit talaga siya nakita ng personal pagkatapos ng mahabang panahon. Kasama niya ang Head ng HR Department na may sinasabi rin sa mga kasama nila at mukhang may pinag-uusapan silang kung ano. Bakit siya nandito?
“Kendra,” ulit kong tawag sa kaniya nang ilang dipa na lang ang layo namin sa isa’t-isa.
“Hi, cousin!” bati niya nang makita ako malapit sa kaniya.
“B-bakit ka narito?” tanong ko sa nagtatakang boses.
“I’m here to work,” tumango ako sa sinabi niya at ngumiti kahit alam kong pilit.
She’s here to work. She’s changed a lot. Her voluptuous body were nowhere to be find now. She’s not fit and sexy. Idagdag pa ang ganda ng kaniyang balat ngayon na halatang may ginagamit na produkto para mas lalong pumuti. But her aura seems like before. Still sassy and strong.
“Miss Gaila, we’re talking. Mamaya na kayo mag-usap ni Miss Torres.” anang Head ng HR Department.
“Sige ho. Pasensya na,” ngumiti ako bago nagpaalam kay Kendra na pupunta na sa cubicle ko.
Habang papalapit ako sa cubicle ko ay nakita ko na ang tingin ni Jarah sa akin sa naniningkit na mga mata. Tila may gustong sabihin pero hindi lang masabi ngayon dahil wala pa ako sa mesa ko.
“Bakit?” tanong ko sa kaniya nang makitang nakatitig pa rin siya sa akin.
“Your cousin,” aniya na may pinapahiwatig.
Umiling na lang ako dahil wala naman akong magagawa kung narito si Kendra at dito magtatrabaho, e. Hindi ko naman pag-aari ang kompanyang ito. Umupo ako at inayos ang gamit sa gilid ko bago tumingin kay Jarah na nakatingin pa rin kay Kendra sa hindi kalayuan.
“Hindi ba sinabi mo sa amin noon na may gusto rin ‘yan kay Cyrus?” Nakatingin pa rin siya kay Kendra sabay baling sa akin.
“Oo. Hindi ko alam kung nagbago na ba o hindi pa rin. Hayaan mo na. Nandito lang siguro siya para magtrabaho.”
She snorted at me, looking a bit disappointed with my word. I just smiled at her and shook my head, not wanting to argue with her.
“Malay mo iba ang trabahuin niyan dito. Mahirap na. Bantayan mo ‘yang si Cyrus at baka maagaw pa ng pinsan mo.” sambit niya habang nakatingin sa akin nang mariin.
Napanguso ako at hindi na lang ‘yon pinansin. Kailangan ko nang magsimula sa trabaho. Hindi naman makakatulong sa trabaho ko ang pag-iisip ng ibang bagay, lalo na ang tungkol sa bagay na ‘to.
Pero hindi ko namalayang hindi na pala ako nakakapag-focus sa ginagawa ko dahil bumabagabag sa akin ang isiping ‘yon. I know my cousin very well. Hindi ko alam kung nagbago na ang nararamdaman niya kay Cyrus o hindi pa pero na kay Cyrus naman siguro ‘yon kung magpapadala siya sa tukso, hindi ba?
It’s just that . . . he’s still free and single so he can do whatever he wants. Hindi ko naman hawak ang isip niya. P’wede ko ba siyang pagbawalan sa paglapit sa ibang babae? P’wede ko ba siyang hawakan nang mahigpit para hindi siya makawala sa akin kahit wala kaming relasyon?
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 2: Jian Cyrus Salazar
Romance𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. | 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 | Date Published: March 27, 2022 Date Finished: January 1, 2023 ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮𝐞𝐀𝐲𝐞