KABANATA 18

1.8K 24 1
                                    

“Titingnan ko pa, Pa. Kung makakapunta ako. Alam mo namang magdadalawang buwan pa lang ako rito sa trabaho ko. Mahirap makakuha ng leave dahil bago pa lang ako. Pero susubukan ko po sa May or June kung makakapagpaalam ako sa Head.” napahilot ako sa sentido ko habang naririnig ang pagbuntong hininga ni Papa.

Hindi pa kami gaanong ayos ni Papa dahil sa nakaraan namin. Tanggap ko naman nang may bago na siyang pamilya ngayon at hindi na siya babalik sa akin. Hindi ko na maibabalik ang pamilya namin dahil kahit anong gawin ko… wala na rin naman na si Mama kaya wala nang pag-asang mabuo naming muli ang pamilya ko.

Kapag bumibisita ako sa Iloilo, isang beses o dalawang beses sa isang taon, ay ang kapatid ko lang ang madalas kong kausap. Bata pa siya at ngayon siguro ay nasa thirteen years old pa lang siya. Grabe… ang tagal na rin ng samahan nila… samantalang ako… nevermind. Magiging masaya na lang ako para sa kapatid ko.

“O siya, sige. Sabihan mo na lang ako kung sakaling makapagbakasyon ka sa May or June.” tumango ako kahit hindi naman niya ako kita rito.

Mabigat ang loob ko nang magsimula akong magtrabaho. Kahit natapos na ako ro’n ay sinimulan kong muli ‘yon. Nagtatagis ang bagang ko habang nagsisimula at mariin ang pagtatype sa keyboard dahil sa galit. Basta ang alam ko ay isinave ko ‘yon, kaya paanong biglang nawala ‘yon nang gano’n lang? Saglit lang naman akong nawala. Sana hindi na lang ako nagtagal doon kanina nang sa gano’n ay hindi nawala ang files ko. Tang *na lang talaga.

Humugot muli ako ng malalim na buntong hininga bago nag-focus sa ginagawang files. Inabot na naman ako ng alas otso at hindi ko pa tapos lahat ng gagawin ko. Napasapo ako noo ko nang makaramdam ng sakit ng ulo dahil sa kakatig sa screen ng PC. Napailing ako at isinandal ang likod sa backrest ng swivel chair ko bago iniinat ang aking mga braso para nang sa gano’n ay magising ang diwa ko dahil medyo inaantok na ako sa pagod.

Napanguso ako nang mapagtantong wala na pala akong kasama sa hilera namin. Kahit si Jarah ay nagpaalam na rin sa akin kaninang uuwi na siya dahil hinihintay siya ng mga anak at wala ang asawa niya. Siguro ay nakadestino sa ibang lugar ngayon.

“Anong oras ba kita matatapos kahit dalawang files lang muna,” nakangusong sambit ko.

Naiirita akong bumalik sa pagkakatitig sa monitor at inayos ang buhok. Mamaya ay lalagyan ko ng panibagong password ito nang sa gano’n ay wala nang mangialam. Mahirap na, baka may sumabotahe na naman sa akin.

Naagaw ng atensyon ko ang pagtunog ng cellphone ko para sa isang tawag. Sa isiping si Papa ‘yon na nangungulit ng pagpunta ko sa kanila sa summer ay agad ko ‘yong kinuha. Pero agad ring napasimangot nang makita ang pangalan ni Cyrus doon.

Kumunot ang noo ko kung bakit tumatawag na naman siya? Saka ko lang naalala ang sinabi niya sa akin kanina, tinanguan ko ‘yon, ibig sabihin ay pumayag ako!

Huminga muna ako nang malalim bago ko ‘yon sinagot.

“Hello,” I answere in a stern voice.

I heard him sigh when he heard my voice.

“Were you done yet? I saw your friend, Jarah. She said you’re still there and doing your files. Hindi ka pa ba tapos?” he asked in a menacing voice.

I pouted a bit. “Hindi pa nga, e. Sorry, are you still waiting? Hindi pa naman ‘to kailangan. Tinatapos ko lang kahit dalawang folder, sayang oras.”

“Leave it. Bumaba ka na rito. Don’t make me pissed, ibabalibag ko ‘yang ginagawa mo diyan kapag ako ang umakyat.” napasinghap ako sa bayolenteng pagkakasabi niya.

“Pero—“

“Wala nang pero-pero, Hermione. Your health is more important than that files.” rinig ko ang galit sa kaniyang boses at ang pagpipigil niya rito.

Luscious Man Series 2: Jian Cyrus SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon