"Are you sure you want to meet my mother?" he asked, doubting my decision.
Napanguso ako, "ilang linggo na rin siyang naghihintay na pumunta ako sa mansyon niyo at makilala ko sila, Cyrus. Ayaw ko naman silang paghintayin ng sobrang tagal."
He sighed and walk towards me.
"Okay, I'll tell her we'll go there tomorrow night." aniya na nagpangiti sa akin.
Tumango ako, "thank you."
Hinagkan niya ang aking noo at niyakap ako bago kumalas para tawagan niya ang kaniyang mommy. Nakatingin lang ako sa kaniya habang kausap niya sa veranda ang mommy niya.
Kabado ako pero hindi naman takot. I once met her mother, but not formally. And we did not talk that time. So this will be the first time I will meet them, more so his father and brother.
"Mom, don't prepare too much," rinig kong sabi ni Cyrus habang kausap ang kaniyang mommy.
Napanguso ako habang nakukuryoso sa usapan nila.
"A simple dinner will do. My girl won't like it if it's too much. Just enough food for us will do, Mom." Napangiti ako sa sinabi niya.
He really knows me. Pero hindi kaya magalit ang Mommy niya dahil parang ang arte ko naman?
"Yeah . . ." his voice muffled when I went inside the kitchen to prepare our dinner.
After I finished preparing our meal, he went inside the kitchen to help me. I smiled at him and he responded with a tight hug.
"How's your talk with your mom?" I asked lightly.
"Fine. Nakumbinsi ko rin siya na simpleng dinner lang ihanda dahil baka mabigla ka." He kissed my temple.
Ngumuso ako, "did she asked anything?"
"Hindi ko pa sinasabing engaged na tayo. Maybe when we get there, I'll tell her. Para hindi rin siya mabigla." He giggled. "She'll overreact about that. At mabuti nang hindi pa niya alam dahil baka talagang maghanda iyon ng bongga. I don't want to pressure you."
"I'll tell Jarah and Sandy, too. Pero hindi muna bukas, I'll wait for our friend, Sandy, to get here in the Philippines first. Para sabay ko sa kanilang masabi." sambit ko na may ngiti sa labi.
"The day after tomorrow, you'll choose the wedding dress you want, 'kay? I'll hire the most paid wedding dress maker for you." Napanguso ako sa sinabi niya.
"Kahit ano naman p'wede na sa akin. Saka, baka sobrang mahal naman ng wedding dress, e isang beses lang naman tayo ikakasal." Kumunot ang noo niya sa akin.
"'Yon na nga. Isang beses lang tayong ikakasal, kaya pagkakagastusan ko na. What's the use of my money, kung titipirin ko ang kasal nating dalawa?" mataman niya akong tiningnan dahilan ng pagkatunaw ng aking puso sa titig niya. "I want our wedding to be memorable. I want to spoil you in everything. Kasi kung kaya ko naman ibigay, bakit hindi ko ibibigay sa 'yo, 'di ba? I will always court you, everyday." He kissed the tip of my nose and smiled.
"Thank you," iyon na lang ang nasabi ko dahil nawalan na ako ng salitang sasabihin sa kaniya.
He smiled again and kissed my lips this time. His tender and soft lips made its way to devour my lips and my mouth. Nang halos maubusan na kami ng hininga ay saka siya tumigil sa paghalik sa akin. Then he rested his forehead on mine while slightly panting.
"I love you," he said heartfelt.
"I love you, Cyrus."
Pagkatapos no'n ay kumain na kaming dalawa. Kaswal at masaya kaming nag-uusap sa pagitan ng aming pagkain. At doon pa lang, nakokontento na ako. Ang hangarin ko na lang ngayon ay sana wala nang maging hadlang pa, wala na sanang dumating na malaking dagok sa aming dalawa. Oo, hindi naman maiiwasan ang problema sa buhay, lalo na kapag nakabuo na ng pamilya, ngunit ang hangad ko lang ay sana sa relasyon naming dalawa ay wala nang humadlang pa.
BINABASA MO ANG
Luscious Man Series 2: Jian Cyrus Salazar
Romance𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. | 𝐂 𝐎 𝐌 𝐏 𝐋 𝐄 𝐓 𝐄 𝐃 | Date Published: March 27, 2022 Date Finished: January 1, 2023 ©𝐁𝐚𝐛𝐲𝐛𝐥𝐮𝐞𝐀𝐲𝐞