7

3.1K 76 20
                                    

Caelum Carrasco

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Caelum Carrasco

"Hello Caelum, kakaalis lang niya at naging successful naman yung pag terminate ng contract." Nagpasalamat ako bago patayin yung tawag. Kahit hindi ako kuntento sa ginawa ni Asteria ay wala ako sa lugar kung gagalaw ako.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko sa office ko sa kumpanya namin, ang Sirius Entertainment. Just like its name Sirius is the brightest company in the entertainment industry. Everyone wants to join our company but we only accept those who are outstanding and first-rate entertainers. This company is under our conglomerate, Carrasco Enterprises which has different companies in different sectors of the business field.

Sumakay ako sa kotse ko at dumiretso sa kumpanya nila Lucas dahil may ibibigay daw siya sakin bago ako umalis ng bansa.

Karating ko sa kumpanya nila ay umakyat na ako sa opisina niya at hindi naman ako pinigilan ng mga empleyado dahil alam na nila na andito ako lagi. Bago ko buksan ang pintuan ng opisina niya at narinig ko ang boses ni Lucas at ng isang babae kaya kumatok muna ako.

"Come in!" Rinig kong sigaw niya mula sa loob. Pumasok naman ako at nakita ko na nakaupo si Asteria. Tinanguan ko siya at umupo sa harapan niya.

"Caelum, wait lang pinakuha ko pa kay Gab yung papers." Sabi ni Lucas na nasa tabi ko. "Kilala niyo naman na ang isa't isa kaya di ko na kayo ipapakilala sa isa't isa."

"Hello Caelum." Bati ni Asteria at tumingin ulit sa telebisyon na nasa harap namin. Hindi ko namalayan na nakabukas ang TV dahil siguro nasa isang tao lang ang atensyon ko simula nung pagpasok ko.

"This is the press con for Endanger, right?" Tanong ko. "Yup, yan nga yun." Sagot naman ni Asteria.

"Bro, I remember diba nag offer sila sayo ng main role? Iba ka talaga pati hollywood ay naghahabol sayo." Nakita ko naman sa gilid ko na nagulat si Asteria at tumango lang ako sa sinabi ni Lucas.

"Bakit nga ba natin 'to pinapanood Ri?" Tanong ni Lucas.

"Wala lang makikita ko kase pangalan ko diyan mamaya." Kalmadong sabi ni Ria. I'm intrigued at what she said kaya di ko naiwasang magtanong.

"Did you act in the film?" I asked her. "No, but they did offer me a role. Pero ako yung kumanta ng Official Soundtrack nila." Uminom siya nung milktea na nasa harap niya bago siya magpatuloy sa pagsasalita.

"This is what I'm talking about Kuya. After terminating my contract, the next step is to show the world that I can still dominate the music industry, domestically and internationally." Kita ko sa mukha niya ang tuwa at saya habang nagsasalita siya kaya hindi ko rin mapigilan ang pag ngiti ko at mas lalo akong humanga sa kanya.

"I called my friend kanina and I told him na tapos na ako sa pagtatago kaya naman maya maya ay lalabas na lahat ng kanta na nasa under sakin, kasama na yung mga soundtracks for different international movies and series. Even the samples and songs I produced for other known artists." Hindi ko alam pero sobrang lumalambot ang puso ko tuwing nakikita ko siyang masaya sa ginagawa niya kaya ang alam ko lang ay suportahan siya kahit hindi niya alam. Ngumiti si Lucas at pinuri ang kapatid niya.

LowkeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon