60

2.6K 63 13
                                    


The filming for Asteria and Caelum's drama finished after 3 months of nonstop filming and also the editing is done. Both of them are busy with filming and if they're not filming they are holed up inside their respective company.

At the moment both of them are in South Korea for a holiday, and also for Caelum's birthday.

"It's so cold." They're inside a coffee shop para magpainit dahil ang lamig sa labas. Inabutan naman siya ng hand warmer ni Caelum.

"Balik na tayong Pinas." Sabi ni Caelum. Unang araw palang nila sa Seoul ay balak na atang umuwi ni Asteria dahil sa lamig.

"No! I can manage naman." She refused vehemently. "Madami akong nakaplano sa itinerary natin kaya titiisin natin yung lamig." She rambled. She continued telling Caelum what she had planned for their trip.

"Sayang lang na di ako makakapunta sa concert ng EXO. Bat ba kase ang bibilis ng mga kamay ne EXO-Ls! Ubos agad yung ticket." Pagrereklamo niya. Natawa si Caelum sa sinabi niya at tinapik tapik ang ulo nito.

"We can still have fun, my love."

"Of course! Ngayon nalang ulit tayo nakapag bakasyon and next week puro promotion na tayo kaya susulitin ko talaga 'to." She sipped her coffee and felt warmer when Caelum scooted closely next to her.

"Let's go have samgyupsal tonight for dinner then let's go back to our hotel?" She looked up to the man beside her and he nodded. They finished their coffee and looked for a nearby samgyupsal place.

Nung nakahanap na sila ay agad silang pumasok at ang nagwelcome sa kanila ay ang mabangong amoy ng grilled meat.

Caelum is the one who ordered since he can actually speak Korean, which surprised Asteria.

"Ooooohhh your Korean is good!" She commended him after he ordered. Caelum smugly smiled like saying 'it's nothing'

Natawa si Asteria kase minsan lang maging mayabang si Caelum.

Someone immediately brought their order and grilled the meat for them. They ate a lot and both left the restaurant with stuffed tummies.

When they arrived at the hotel Asteria opened her IG and did a live to greet her fans.

"Hello! Wait lang natin yung iba." Sabi niya at tumayo para kumuha ng tubig at ng chips para may malafang habang nakikipag chismisan sa mga fans niya.

"Oh dumami na kayo kaya simulan na natin. Hello mga beh! Sana happy kayo." Yan ang bungad niya kabalik niya sa harap ng phone niya.

"Bakit iba yung background ko? Wala po ako sa bahay." Dahil lagi siyang nag IG live ay nagtataka ang mga fans niya kung bakit nag-iba yung background.

"Nasa Seoul po ako ngayon hehehehe. Pang-malakasang bakasyon kase wala na akong pera katapos nito." Nararamdaman niya na iiyak yung wallet niya dahil sa mga merch at skincare na bibilhin niya.

"Sadly, di ako makakapunta sa concert ng EXO. Ihh ano ba wag niyo na paalala." May nagtanong kasi sa mga fans niya kung makakapunta siya kaya nalungkot na naman siya.

"Super late na kase natapos yung filming nun at nawala sa utak ko na ticket selling na, kaya ang ate niyo ay team bahay lang." Binuksan niya na yung chips at kumain.

Hindi niya napansin na lumabas ng kwarto si Caelum at si Caelum naman ay hindi alam na naka live siya. Ang nakita lang niya ay yung pagkain ni Asteria ng chips which is unhealthy dahil matutulog na sila.

"Love, why are you eating that?" Natahimik si Asteria pati ang mga fans niya ay napatigil at nakalimutan magcomment. Naunang nakapag react si Asteria at cinompose ang sarili niya, sumunod naman ang mga fans niya na nagwawala sa comment section ng live.

LowkeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon