8

2.7K 76 27
                                    

Asteria Gutierrez

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Asteria Gutierrez

"Sorry and thank you ulit Caelum." After buckling my seat belt Caelum started the car and drove out of the parking lot.

"Can I make kalikot sa car mo?" Sabay turo sa screen ng sasakyan niya para sana ilagay yung address ng restaurant sa GPS.

He nodded his head kaya tinype ko na. Natakot ako na baka di makasunod sila Kuya samin kaya tinext ko na sila parehas kung san kami kakain.

Nagwagi ang katahimikan sa loob ng sasakyan kase wala akong lakas ng loob para magpatugtog. Tumingin ako sa kanya at oo nga gwapo siya, hala ka Asteria. Dahil naguilty ako sa ginawa ko kaya tumingin nalang ako sa labas. Medyo traffic pero moving naman, hindi ko nga lang makita kung nakasunod samin sila Kuya.

I was shocked when You Are In Love by Taylor Swift played. I looked at him with my mouth opened and eyes wide.

"Are you a Swiftie?" Sabay turo sa kanya.

"I really can't call myself a Swiftie but I like her songs." Natawa ako dahil for sure hindi ito alam ng mga fans niya. Ang kanilang Golden Boy ay isang Swiftie.

"That's the same OMG! I really like her din to the point na nagpuyat ako para makabili ng ticket sa concert niya pero naubusan ako kainis." Hyper ako ngayon kase iba ang nabibigay na energy sakin ni Ms. Blonde.

You can hear it in the silence, silence, you

You can feel it on the way home, way home, you

You can see it with the lights out, lights out

You are in love, true love

I can hear him singing kahit na sobrang hina nito kaya di ko rin napigilan kumanta.

"Gosh ano nalang kaya sasabihin ng mga fans mo kapag nalaman nila na nakikinig ka kay Taylor Swift. Hmmm?" Sabi ko sa kanya.

Tiningnan naman niya ako bago sumagot. "What's wrong with listening to her music?"

"There's nothing wrong about it pero I thought you're the type of guy who would listen to Rock music kaya." I answered him while tapping my chin, making myself to look like a detective.

Hindi naman ito umimik kaya di na rin ako nagsalita. Sunod sunod na Taylor Swift songs ang tumunog sa radyo kaya okay lang kahit tahimik kami.

Nakarating na kami sa restaurant at agad na nakilala si Caelum kaya diniretso nila kami sa isang private room. Umupo na ako at inalis ang suot suot ko na shades.

"Should we order na ba or wait pa natin sila? Kuya texted me na stuck sila sa traffic ni Red, mga 30 minutes pa raw bago sila dumating."

"Do whatever you want." Sagot niya habang nakatutok sa phone niya. Umirap ako dahil di man lang niya ako matingnan.

"Whatever." Di nalang muna ako nag-order at kinuha ang phone ko.

Buong araw kong hindi tiningnan ang mga social media account ko kaya hindi ko alam kung nalabas na ang news na nag terminate ako ng contract.

"Trending ka sa twitter." Sabi ng lalaki na kasama ko.

Dali dali ko namang binuksan ang twitter ko at oo nga sakop ko ang top 6 sa trending list

Of the Stars

Asteria

Asteria Contract

Asteria Innocent

Dreamies

asteria comeback


Natuwa naman ako sa nakita. Nalabas na ang lahat maliban nga lang sa issue na sumira sa akin, pero di pa ito yung panahon para ilabas yon.

"Aren't you letting Louie go easily?" Matalin kong tiningnan si Caelum. "No." Maiksing sagot ko.

Wala naman itong sinabi na at patuloy sa pagkalikot sa phone niya.

Tumawag na ako ng waiter at nag-order para karating nila Kuya ay kakain nalang kami.

Habang naghihintay ay tumunog ang cellphone ko at tumatawag si Ate Thea.

"Hello Ri. Ang daming tumatawag at nag ooffer na sumali ka raw sa kumpanya nila pero ang sabi ko muna ay wala ka pang balak bumalik sa industriya." Yan ang bungad sa akin ni Ate Thea. Di naman ako nagtataka kung bakit maraming nag-ooffer.

Having me in their company would boost their international reputation.

"Ano yung mga companies na nag-offer?" Tanong ko. Nakita ko naman na binaba ni Caelum ang phone niya at tiningnan ako na para bang nakikinig siya.

"HFV, Kali, Damvi, at Sirius." Hindi ako nagulat sa tatlong unang kumpanya pero nagulat ako nung sinabi ni Ate na nag-offer ang Sirius.

Tiningnan ko ang lalaki na nasa harap ko at di naman nito iniwas ang paningin niya. I thanked Ate Thea and ended the call.

"Companies are calling you already?"

"Yup." Tumango ito at parang may tinype sa phone niya. Narinig ko na tumunog ang cellphone niya at ngumiti siya sa nakita niya sa phone. Siguro text ng jowa niya?

"Do you have plans na ba kung san ka pupunta?" The waiter arrived with our foods, napansin ko yung tingin ng waiter sa aming dalawa, siguro nakilala niya kami pero di ako mag-aalala dahil kilala ang restaurant na ito for their confidentiality kung sino ang mga kumakain. Hinintay ko lumabas si Kuyang Waiter bago ko sagutin ang tanong niya.

"Meron na. I plan to go to Sirius. Do you mind?" Tanong ko sa kanya. I'm kinda teasing him, well di ko rin alam kung teasing ba ang tawag sa ginagawa ko. Tinaas lang niya ang kilay niya sa sinabi ko.

"If they offered you then I do not have any say with that. For sure they see the potential you have." Sagot niya at kumuha na ng pagkain. I ordered wagyu, sushi, caesar salad, and carbonara.

"If konti yung food let's order nalang pagdating nila Kuya. Kain na tayo." Aya ko sa kanya. Inikot ko naman ang turntable para maharap sakin yung carbonara dahil fave ko ito.

"This is good." I hummed in delight because this carbonara is good. I forgot that I Caelum is here dahil sa sobrang tuwa.

"Can you please slow down? Walang kukuha ng pagkain mo Asteria." Suway nito sakin. Kita kong nakakunot ang noo niya at sinimangutan ko lang siya.

"Yhou jush edat." Nakapag salita tuloy ako ng puno ang bibig ko dahil sa kanya. Nawawala ang poise ko dahil sa kanya kainis.

"Don't talk when your mouth is full. Artista ka pa naman, ayusin mo sarili mo." Sabi niya at inabutan ako ng tissue. Masungit siya pero mukhang mabait. Pero di ko talaga alam pag kasama niya ako para bang ​​pinagsakluban siya ng langit at lupa.

LowkeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon