CHAPTER 11Kagising ko ay humilata lang ako sa kama dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Di ko alam kung gusto ko na bang kumain o aalis ba ako o ano. Wala akong gustong gawin.
I think di lang ako ang nakakaranas ng mga gantong moment na para bang pagod na pagod ka kaya ang gusto mo nalang gawin ay humiga.
Normal lang yan. Sa sobrang pag overwork mo sa sarili mo ay dasurv mo na magpahinga! Wag pagurin ang sarili. Pero ginusto ko to kaya paninindigan ko.
Konti nalang at tapos na ako sa mga kailangan kong gawin at kuntento na ako sa mga nagawa ko dahil napaghiganti ko na ang dating Asteria.
Nakahiga lang ako sa kama ko nang may tumawag sa akin. Tiningnan ko kung sino at si Ate Thea ito.
"Hello Ria!"
"Good morning ate."
"Good morning din bebe girl. Want ko lang itanong ano na ang next step mo?" Napaisip naman ako sa tanong niya. I think my next step is to sign with a company that will manage my career.
"Meron na po ako Ate. Either Sirius or Damvi po. Call their representatives and pasabi po na I'll check the contract and what they can offer to me. Kung san ako mas bagay dun nalang ako." Suminghap ito na parang gulat na gulat.
"Wise decision bebe girl. Sige tawagan ko na sila. At oo nga pala, ang dami nag iinvite sayo para interviewhin ka nila, meron din mga variety shows. Send ko nalang list sayo, icheck mo nalang." Bakas sa boses niya yung saya dahil siguro alam niya lahat ng nangyari sa akin.
"Thank you so much ate! Ikaw pa rin ang best manager para sakin."
"Hay nako bata ka. Deserve mo lahat ng mga nangyayari. Eto naman talaga ang para sa'yo at sorry dahil naging mahina ang loob ko kaya di kita agad napagtanggol." I sighed and shaked my head, even though she can't see it.
"Don't say sorry ate. I love you po so much Ate! Ngayon onti onti na gaganda ang buhay natin at promise ko sayo na eto na ang start ng pag-angat ko!" Masiglang sabi ko sa kanya.
"Tama! Eto na ang start kaya dapat ay makahanap na tayo ng kumpanya mo para mas mamanage ka nila. Tawagan nalang ulit kita mamaya, okay? Ang dami kase tumatawag sakin ngayon dahil sayo." Tumawa naman kaming dalawa at binaba na niya ang tawag.
I feel so good. Dahil nagkaroon ako bigla ng energy ay tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko at nag stretching.
Naalala ko na may balcony nga pala ako kaya pumunta ako dun para naman maarawan ako.
"It's a good day talaga." I squinted my eyes as I looked up at the sky.
"Good morning." Binaling ko ang tingin ko sa katabing balcony ko. Si Caelum ay umiinom ng kape habang nagbabasa ng newspaper.
"Good morning!" I said happily with matching wave ng hand. Dahil happy ako ay nginitian ko siya ng pagkalaki laki.
"Uhm." Yan lang ang sinabi niya at nagpatuloy sa pag-inom ng kape.
Bilang isang taong oversharer sa ibang tao ay magkkwento ako sa kanya.
"We're friends naman diba?" Binaba niya ang hawak niyang dyaryo at tinanguan ako.
"Okay since we're friends na, I want to ask for your opinion since mas marami kang alam kesa sa akin." Lumapit ako sa side ng balcony niya at sumandal sa railings.
"So I'm thinking about signing with Sirius." Yan muna ang sinabi ko at tiningnan ko ang ekspresyon niya pero wala naman nagbago. "I want to go to Sirius pero based sa research ko ay mas focus ng Sirius sa acting while ang Damvi naman ay mas focused sa pagkanta. So I'm contemplating whether to sign with Damvi or Sirius." Nakita ko na kumunot ang noo niya na para bang may iniisip na malalim.
BINABASA MO ANG
Lowkey
Romance𝗦𝗵𝗲'𝘀 𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝘁𝗼 𝗴𝗲𝘁 𝗵𝗲𝗿 𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲 𝗜𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗼𝘁 𝗯𝗲 𝗲𝗮𝘀𝘆 𝗯𝘂𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘄𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗶𝘁. When the world turned their backs against her He's always there to support her She do...