Binuksan ni Nicole ang pintuan at si Caelum ang bumungad sa kanya. Si Nicole ay may kamay sa bibig at nanlaki ang mata at si Caelum naman ay may halong pagtataka sa mga mata.
Si Asteria ay nakasandal sa pader at tinatawanan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan.
"Y-yes?" Utal na sabi ni Nicole. "Oh! You're here for Asteria, noh?" Nagkaroon ng realization sa utak ni Nicole kung bakit nandito si Caelum. Hindi nagsalita si Caelum pero tumango ito.
Nung narinig ni Asteria ang pangalan niya ay umalis na siya sa pagkakasandal sa pader at pumunta kung nasaan ang dalawa.
Ngumiti at nag-"hi" si Asteria kay Caelum at sinuklian naman siya ni Caelum ng isang ngiti.
Umalis si Nicole sa pagkakaharang sa kanilang dalawa at pumunta sa sala.
Ayoko po maging third wheel. Ayan ang naiisip niya kaya iniwan niya ang dalawa sa may pintuan.
"Hi." Bati ni Caelum kay Asteria at lumapit para yakapin ang babae.
Niyakap siya pabalik ni Asteria at tinapik-tapik ang likuran.
"I had a very busy today." Kwento ni Caelum habang nakabaon ang mukha sa leeg ni Asteria. "The photographer made me redo the whole one lay-out. It was so tiring."
"Are you that tired?" Tanong ni Asteria. Nilayo ni Caelum ang mukha niya sa leeg ni Asteria at tumango. "Then take a rest na. Pahinga ka na." Hinawakan ni Asteria ang mukha ni Caelum gamit ang dalawang kamay niya.
Napasinghap at bumilis ang tibok ng puso ni Caelum dahil hindi niya inakalang hahawakan siya ni Asteria. Hindi niya rin namalayan na pulang pula na ang mukha niya.
"But you're my pahinga, love. I don't feel tired when I'm with you." Hindi na lang si Caelum ang may mabilis na tibok ng puso at namumulang mukha, dahil pati si Asteria ay nararanasan na ito.
Nawala saglit sa wisyo si Asteria pero agad niyang inayos ang sarili. Wala siyang ibang masabi kaya pinalo nalang niya ang balikat ni Caelum. Kitang kita ni Caelum ang pamumula ng mukha ng babaeng minamahal niya kaya naman ay natawa siya at di napigilang yakapin ulit 'to.
"You're too adorable, mahal. I want to keep you in my pocket forever."
Habang nagyayakapan sila ay hindi naman sinasadyang marinig ni Nicole ang pag-uusap ang dalawa. Hindi niya rin mapigilang mamangha dahil kailanma'y hindi niya narinig na magsalita ng ganyan kalambot at puno ng pagmamahal si Caelum. Ngayon lang rin niya nakita si Asteria na umarte ng ganyan sa harap ng isang lalaki.
They're perfect for each other. She thought of that and went to the kitchen to drink water. After drinking, she still saw the two of them hugging on the doorstep. Napabuntong hininga siya at hindi mapigilang isipin ang katagang, nakakatanga ang pagmamahal.
Pinapasok na ni Asteria si Caelum sa loob ng kaniyang bahay at dumiretso sila sa kusina.
"Nicole! Let's eat." Tawag niya sa kaniyang matalik na kaibigan. Pinatay ni Nicole ang TV at umupo sa harap ni Asteria na katabi ni Caelum.
"Well, should we order some ulam?" Tanong ni Asteria dahil ang ulam lang nila ay itlog. Umiling si Caelum at nagsimulang lagyan ng pagkain ang plato ni Asteria.
Si Caelum naman ay nagsasalita sa kaniyang isip, Kahit ano ang iluto ni Asteria, kahit hindi masarap ay kakainin ko pa rin. Bawal kong sayangin ang pagkain na niluto niya.
Habang si Nicole ay inis na kinagat ang kutsara niya dahil third wheel siya sa dalawang 'to at parang kumakain siya ng asukal sa nakikita niya.
Habang kumakain sila ay nakikita ni Nicole kung paano tratuhin ni Caelum si Asteria dahil kulang nalang ay subuan na ni Caelum ang kaibigan niya. Hindi nagsasalita si Caelum at nakikinig lang sa usapan ng dalawa pero kapag ito ay tumitingin kay Asteria ay para bang siya lang ang nag-iisang tao sa mundo.
Natutuwa si Nicole sa nakikita niya dahil sa dinami-dami ng pinagdaanan ng kaibigan niya ay nararapat lang na mabiyayaan si Asteria ng isang lalaking magmamahal sa kaniya ng buong-buo. Si Nicole ay napangiti kung paano gumalaw ang dalawa sa isa't isa dahil makikita mong may pagmamahal sa dalawang taong nakaupo sa harap niya.
Katapos nilang kumain ay nagprisenta si Caelum na siya ang maghuhugas ng plato pero hindi pumayag si Asteria.
"No, go home. Magpahinga ka na, kaya na namin to, diba Nicole?" Tumingin si Asteria kay Nicole at sumenyas na um-oo ito.
"Yup, we can do that na." Sinegundahan ni Nicole ang sinabi ni Asteria pero di nagpatinag si Caelum.
"You're going to shoot tomorrow, you need to take a rest. What time are you leaving tomorrow?" Dumiretso sa lababo si Caelum at nagtanong kay Asteria.
"Susunduin ako ni Ate Thea bukas ng 7:00 dahil kailangan daw ay 8:30 nasa NAIA na kami." Sinundan ni Asteria si Caelum sa lababo at nilagay ang mga plato sa dishwasher.
Napaawang ang bibig ni Nicole, dahil bakit pa nag-aaway ang dalawang yun kung meron naman palang dishwasher? Napa-iling nalang ito at pumunta sa kaniyang kwarto.
"Pag-ibig nga naman talaga." Bulong niya sa sarili at pumasok na ng kwarto.
"Uwi na." Sabi ni Asteria kay Caelum.
"Uhm, thank you for the dinner." Hindi napigilang tumawa ni Asteria dahil kahit itlog ang ulam nila ay parang high-end ang ulam nila dahil puro pagpupuri ang sinasabi ni Caelum sa itlog na niluto niya.
"Magpahinga ka na. Maligo ka muna bago matulog." Paalala ni Asteria at naglakad na sila papunta sa pinto.
"Yes po, hug me." Caelum demanded and opened his arms when he opened the door of Asteria's unit.
‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿
𝗮𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿'𝘀 𝗻𝗼𝘁𝗲
𝘀𝘂𝗿𝗽𝗿𝗶𝘀𝗲! 𝗱𝗶 𝗸𝗼 𝗻𝗮𝗽𝗶𝗴𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘀𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗰𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝟯𝟬, 𝘀𝗮𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝘂𝘀𝘁𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗸𝗮𝗵𝗶𝘁 𝗺𝗮𝗶𝗸𝘀𝗶 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗲𝗵𝗲.
𝗳𝗶𝗿𝘀𝘁 𝘁𝗶𝗺𝗲 𝘂𝘀𝗶𝗻𝗴 𝟯𝗿𝗱 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻'𝘀 𝗽𝗼𝘃 𝗳𝗼𝗿 𝗮 𝘄𝗵𝗼𝗹𝗲 𝗰𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿, 𝗶 𝗵𝗼𝗽𝗲 𝗶 𝗱𝗶𝗱 𝘄𝗲𝗹𝗹.
𝗻𝗲𝘅𝘁 𝘂𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲 𝘄𝗼𝘂𝗹𝗱 𝗯𝗲 𝗼𝗻 𝗺𝗼𝗻𝗱𝗮𝘆! 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗶'𝗹𝗹 𝘁𝗿𝘆 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝘁𝗼 𝘂𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲 𝘁𝗼𝗺𝗼𝗿𝗿𝗼𝘄 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗻𝗼 𝗽𝗿𝗼𝗺𝗶𝘀𝗲𝘀 𝗵𝘂𝗵𝘂
𝘏𝘢𝘱𝘱𝘺 𝘳𝘦𝘢𝘥𝘪𝘯𝘨! 𝘗𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘭𝘦𝘢𝘷𝘦 𝘴𝘰𝘮𝘦 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘦𝘯𝘵𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘷𝘰𝘵𝘦! 𝘛𝘩𝘢𝘯𝘬 𝘺𝘰𝘶𝘶𝘶𝘶.
BINABASA MO ANG
Lowkey
Romance𝗦𝗵𝗲'𝘀 𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝘁𝗼 𝗴𝗲𝘁 𝗵𝗲𝗿 𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲 𝗜𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗼𝘁 𝗯𝗲 𝗲𝗮𝘀𝘆 𝗯𝘂𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘄𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗶𝘁. When the world turned their backs against her He's always there to support her She do...