Asteria Gutierrez
Kabalik namin sa condo ay dumiretso na ako sa unit ko. Habang binubuksan ko ang pinto ay hinawakan niya ang balikat ko.
"Asteria."
"Hmm." Hindi ko siya hinarap at bubuksan na dapat ang pintuan. "I'll do everything for you." Yan lang ang sinabi niya at pumasok na sa sarili niyang unit. Ako naman ang naiwang nakatayo sa harap ng unit ko.
Pumasok na ako sa loob katapos kong ikalma ang puso ko. Tinext ko muna si Ate Thea na naka-uwi na ako bago ako maghilamos.
• • • •
Lumipas ang mga araw at kinabukasan ay ang start ng Busker, busker. Nasa studio lang ako araw araw pero hindi na ako sinusundo ni Caelum dahil simula nung gabing sinabi niya na gagawin niya ang lahat para sa'kin ay hindi na siya nagparamdam.
Wala akong schedule at trabaho ngayong araw dahil inaayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko. Wala pa rin sinasabi kung saan ang aming unang destinasyon, basta domestic lang daw ang unang site namin. Ang sinabi lang samin ay 1 week kaming magshoshoot at bawal umuwi. Kaya naman ang unit ko ay parang dinaanan ng bagyo dahil hindi ko alam kung ano ang mga dadalhin kong damit.
Nakabukas din pala ang TV dahil nakikinig ako sa balita para malaman kung ano ang panahon bukas. Habang nasa walk-in closet ako at kumukuha ng pajama ay narinig ko ang pangalan ni Caelum sa balita.
"Is the Golden Boy, Caelum Carrasco, dating model Anastasia Lopez? Caelum and Anastasia were spotted yesterday having a date. As you can see in the picture both of them look cozy with each other. Although some fans said that you can see how far Caelum is from Anastasia. What do you think guys, are they dating or not? Still, there's no response from their agencies." Pinatay ko ang TV katapos kong marinig ang balita.
Kaya naman pala walang pakiramdam ay may iba na siyang kasama. Anong i'll do everything for you? Anong I'm never too busy for you? HAHHAHAHAHA mga kasinungalingan.
Kahit kumikirot ang puso ko ay hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa pag-aayos ko ng gamit. Mas importante ang career mo kesa sa pag-ibig, Asteria.
Narinig ko na nagriring ang cellphone ko pero hindi ko ito pinansin dahil alam ko naman na hindi manager ko ang tumatawag. May ibang ringtone si Ate Thea sa phone ko para alam ko kung may emergency.
Namatay ang tawag at habang nilalagay ko ang gamit ko sa maleta ay biglang nagring ulit 'to. Hindi ko pa rin tiningnan kung sino ang tumatawag at dumiretso sa CR para kunin ang toiletries at ang lozenges ko.
Namatay na ulit yung tawaag, finally, silence and peace. Katapos kong kunin ang toiletries ko ay kumuha na rin ako ng mga gamot at nilagay sa maleta. Bali dalawang maleta ang dala ko. Isa para sa mga damit at isa para sa mga toiletries, gamot, at sapatos.
Dahil medyo broken hearted ako, duh, gusto ko pa rin naman siya pero medyo nahurt tayo ay magpapatugtog nalang tayo. Kinuha ko ang portable mic ko na may bluetooth at kinonnect ang phone ko. Tinali ko rin ang buhok ko para walang sagabal habang kumakant ako.
BINABASA MO ANG
Lowkey
Romance𝗦𝗵𝗲'𝘀 𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝘁𝗼 𝗴𝗲𝘁 𝗵𝗲𝗿 𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲 𝗜𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗼𝘁 𝗯𝗲 𝗲𝗮𝘀𝘆 𝗯𝘂𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘄𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗶𝘁. When the world turned their backs against her He's always there to support her She do...