33

2.2K 57 3
                                    

Karating nila Asteria at Anthony sa Clark ay naglakad sila papunta sa Bayanihan Park at meron na ring mga fans na sumasabay sa kanila maglakad.

Habang naglalakad sila ay parang matagal na silang magkaibigan kaya naman napapahiyaw ang mga fans na kasama nila at mas lalo na ang mga fans na nanonood sa livestream.

Kung gaano kagaan ang nagaganap sa grupong ito ay yun naman ang kinabigat sa kabilang grupo.

Maagang nakarating sila Theresa, Jacky, at Rheign sa Clark at ang una nilang ginawa ay kumain sa isang medyo mamahalin na kainan. Kahit ayaw ni Theresa at Jacky, ay pinilit sila ni Rheign kaya wala na silang nagawa.

Ang nagpplano lang sa kanilang tatlo ay ang dalawang beteranong mang-aawit at si Rheign ay bored na bored na.

"Should we sing a collab?" Tanong nii Theresa at agad naman humindi si Rheign.

"Sa tingin ko po mas okay kung ako ang kakanta dahil mas kilala ako kesa sa inyo." Uminit ang ulo ng dalawang beterano pero pinigilan nila ito at ngumiti nalang sa sinabi ng mas nakababatang mang-aawit.

3 pm na pero wala pa rin silang maayos na plano dahil na rin sa pag iinarte ni Rheign.

[napaka-arte naman ni rheign hindi na nahiya sa mga kasama niya]

[kaya naman kaseng mag-inarte ni rheign kase may ibubuga naman siya]

[siguro mas naiisip ni ms. theresa at sir jacky na mas okay mag commute kesa kasama si rheign]

[kanina pa silang dalawa grrr pinapahirapan nila si rheign]

Habang ang tatlo ay nagpapahinga at busog na sa pagkain ang dalawa naman ay naghahanda na sa pagkanta.

Karating nila sa bayanihan park ay may nakahanda na mga upuan at ang isang direktor ay kasama na nila. Meron ding mga instrumento na kaya nilang gamitin.

Binitawan nila ang mga bag na dala nila at uminom ng tubig.

Katapos nilang uminom ay umupo na sila. Merong mga nanonood sa kanila at pati na rin ang mga dumadaan ay humihinto para panoorin sila.

"Good afternoon guys! I'm Asteria and I'm with Anthony to sing a song for you guys, any amount would be appreciated. Thank you!"

Anthony started to strum the guitar and a melodious sound of guitar filled the place. Asteria started to feel the groove and started singing

Mga gabing

Nakatingin

Sa salaming nagtatanong sa'kin

The audience screamed with excitement when Asteria started singing. When she heard the screams she opened her eyes and smiled at them.

After Asteria sang her lines, Anthony started his.

Kailan kaya

Makakamit

Pagsuyo na hindi binabalik

Ang lahat ng nanood offline at online ay natutuwa dahil napakaganda ng boses ng dalawa at bagay na bagay ang boses nila sa isa't isa.

Pasalubong naman

Sa'king nararamdaman

'Pag umamin sa'yo

Sana ay mapagbigyan

Nagkatinginan sila Asteria at Anthony at ngumiti sa isa't isa kaya naman nagwala ang mga tao. Sumabay sa kanta ang mga nanonood kaya mas lalong gumanda ang kanta.

The way Anthony strummed the guitar and his voice, partnered with Asteria's melodic voice, everything is perfect.

Aaminin ko na

Gusto kita

Asteria ended the song and she felt the lyrics. Caelum's face popped in her mind after singing the last line and how she still hasn't confessed her feelings to him. She went back to reality when Anthony finished strumming the guitar and the applause of the people started.

She thanked the crowd and clapped.

"Sana nagustuhan niyo ang kinanta namin ni Asteria, and gusti ko lang sabihin sa inyo dapat umamin na kayo sa mga gusto niyo." Sabi ni Anthony at uminom ng tubig.

"Tama ang sinabi ni Anthony." Tumawa ang mga nanonood at pati si Anthony ay natawa sa sinabi ng kasama niya. "Also, thank you po sa mga nagbigay ng pera. Kinausap kami ng crew kanina ang they said if we reached 1000 pesos in the donations they would just treat us to lunch and donate the money you have given us."

"And fortunately, lumagpas po sa 1k ang binigay niyo sa amin, and don't worry all of the money from today until the last shooting lahat yon ay mapupunta sa charity. Hindi lang sa grupo namin pero sa kabilang grupo na rin. Kaya nagpapasalamat po kami dahil nakatulong kayo sa mga nangangailangan at dahil sa inyo ay makakain kami. Salamat!" Nagpalakpakan naman ang lahat sa sinabi ni Asteria.

"Now, we'll eat our lunch na pero babalik din po kami dito mamayang 4pm. If kaya niyo pong makabalik ay sana makabalik kayo. Salamat po." Pagpapasalamat ni Anthony at tumayo na silang dalawa. Merong isang van na naghihintay sa kanila para dalhin sila sa kakainan nila at pati na rin sa tutulugan nila.

"Congrats!" Bati ni Asteria kay Anthony bago umakyat sa van.

Ngumiti si Anthony sa kanya at ginulo ang buhok ni Asteria. "Congrats din!" Sabi niya at inalalayan paakyat ng van si Asteria.


‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿

𝗮𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿'𝘀 𝗻𝗼𝘁𝗲

hi guys! kapag wala kayong nakikitang name sa taas bago magsimula ang chapter meaning 3rd

person's pov ang gamit ko. salamat!!

LowkeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon