Asteria Gutierrez
Nasa backstage ako at hinihintay ako na tawagin ako ni Sam.
"Good morning everyone! Today another successful and wonderful person would talk about how and what she did to stay positive when troubles are coming at her. She's a world famous lyricist, producer, and singer. She is known as Of the Stars. Let's all welcome Asteria." Narinig ko ang palakpakan ng mga tao. Narinig ko rin ang gulat nila. Dahil hindi inaannounce kung sino ang magiging guest sa show na ito.
Inayos ko ang buhok ko at nakangiting pumasok sa set. It's been a fucking long time since I stood in front of the cameras. Fuck you Louie. Nakaramdam ako ng inis sa kanya pero hindi ko to ipinakita.
Kumaway ako sa audience at nakipag kamay kay Sam.
"Welcome to Mornings with Sam, Asteria. You look so gorgeous." I thanked him at umupo sa one person sofa na nakahanda para sa akin.
"You look good as well, Sam. And thank you for inviting me to your show." I clasped my hands together as I smiled at him. I can see some people in the audience taking pictures of me so I smiled at them. I can hear them squealing.
"The audience is excited about you, Asteria!" Tumawa lang ako sa sinabi niya and nagwave sa audience. "It's been a long time since you've stood in front of the cameras, Asteria. So are you nervous?" He asked me.
"Of course I'm really nervous but I know that you would make me feel comfortable in no time." Sabi ko sa kanya at nag thumbs up ako.
"Oo naman. Ako pa ba? Sa gwapo kong 'to sino ang di magiging komportable sa akin?" Nagtawanan naman ang buong studio sa sinabi niya.
"So let's start, shall we?" Tumango ako at niready na ang sarili ko sa mga magiging tanong niya.
"Syempre ang pinaka importanteng tanong natin sa show ay kung morning person ka ba or hindi?" May dalawang placard sa table na nasa harapan ko, isang may check at isang may cross. Tinaas ko ang check.
"I've always been a morning person. Gusto kong naaarawan kapag umaga kaya naman talagang sinisikap ko na magising ng maaga."
"Dahil gumigising ka ng maaga, what if mag coffee date tayo?" Tinaas niya ang dalawang kilay kaya tumawa ako. Alam naman ng lahat na mahilig siyang magjoke sa mga guest niya.
"Why not diba?" Sam is a veteran host, he's already 32 years old kaya naman hindi ko sineseryoso ang sinasabi niya.
"Sabi mo yan ah. Eto na nga, seryoso na. How are you doing Asteria?" Inayos ko ang upo ko bago sumagot.
"I can say that I'm fine and resting well. Still adjusting sa body clock ko dahil kakauwi ko lang galing Amerika pero right now jobless at tambay lang ako sa bahay." Tumawa ang mga tao pati si Sam. "And I'm really really happy and at peace with my life." Dagdag ko. Nung sinabi ko ito ay tumahimik ang mga tao at ngumiti lang si Sam. Nagets siguro nila ang pinupunto ko sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Lowkey
Romance𝗦𝗵𝗲'𝘀 𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝘁𝗼 𝗴𝗲𝘁 𝗵𝗲𝗿 𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲 𝗜𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗼𝘁 𝗯𝗲 𝗲𝗮𝘀𝘆 𝗯𝘂𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘄𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗶𝘁. When the world turned their backs against her He's always there to support her She do...