Asteria Gutierrez
Mabilis kaming nakarating sa kakainan naming restaurant at syempre hindi nila kami basta papakainin lang.
Umupo na kaming dalawa ni Anthony at naghintay ng instructions ng staff.
"Now, you reached your goal but we didn't really specify what you will eat. For you to eat the most expensive and delicious set here, you need to sing for the guest. If he gives you a 90-100 score then, you'll get to eat it." He gave us a phone and made us call the only contact in the phone.
The receiver answered the call. "Hello." The voice is kinda familiar.
"Hello! We're Asteria and Anthony, I hope we're not taking much of your time. We'll be singing and please do rate our song. Thank you!" Sabi ko at tiningnan si Anthony at kumanta na.
Kinanta lang namin ulit yung pasalubong. Hindi namin natapos ang kanta dahil pinastop kami nung guest.
"Stop. 95 points." Malamig na sabi niya at pinatay agad ang tawag. Hindi ko magawang magtaka sa inakto nung guest dahil natuwa ako at makakakain kami ng masarap na lunch.
Kinuha ni direk ang cellphone at nilabas na ang pagkain. Walang nag-uusap saming dalawa ni Anthony dahil parehas kaming gutom na gutom.
Napakasarap ng kinain namin at gusto kong matulog dahil sa pagkabusog. Katapos naming kumain ay sumakay na ulit kami sa van at pumunta na sa isang bahay na nirentahan ng crew.
Nadatnan namin sa sala si Rheign na nanonood. Hindi niya ako pinansin pero dali dali siyang tumayo para batiin si Anthony.
Hindi ko nalang siya pinansin at umakyat na sa 2nd floor ng bahay. Hinanap ko ang pinto na may pangalan ko at nung nahanap ko na ay pumasok na ako agad at inayos ang mga gamit ko. Yung mga bagahe ko pala ay nandito na kaakyat ko kaya hindi ako nahirapang umakyat.
Nakita ko na may dalawang camera na nakalagay sa kwarto ko kaya naman pinatay ko na ang gopro na hawak ko.
Nilabas ko lang ang skincare na dala dala ko at nilagay sa vanity mirror. I also hung the clothes that can easily wrinkle. I also put the clothes inside the cabinet so I can access them easily. After arranging my things, I decided to take a shower so that I can sleep before going out again.
Dinala ko na rin ang damit na susuotin ko at sa cr na ako magbibihis.
• • • •
May sari-sariling channel ang kwarto ng mga casts kaya naman ay ang nanonood kanina sa main channel ay lumipat sa channel ni Asteria. At nakita nga nila ang mga nilalabas niyang mga damit ang gamit.
[yung skincare ni asteria ay pang-baon ko na sa tatlong taon ponyeta, nakita ko na may la prairie skin caviar nighttime oil at skin caviar eye lift serum na nasa 27,000 pesos ang presyo.]
[asteria alam kong di mo pinapamukha samin na mahirap kami pero shutangina lahat ng lumabas sa maleta mo ay branded.]
[guys don't touch me, may dala siyang gucci, prada, balenciaga, at fendi. laman ng isang maleta niya ay panghabang buhay ko na magagamit yung pera na pinambili niya.]
[pero shocks ang galing magdala ng damit ni asteria sa totoo lang]
[what if fake pala dala ni asteria, yuck. wala naman siyang pera ew]
[may kampon na naman ni satanas na naligaw ng channel]
• • • •
Pinatuyo ko lang ang buhok ko at nag-alarm katapos ay humiga na ako.
Nararamdaman ko na ang sakit ng paa ko dahil sa tagal ng nilakad namin. Pagod na pagod na ako kaya naman kahiga ko ay agad akong nakatulog.
Naririnig ko na tumutunog na ang alarm ko kaya naman ay tumayo na ako at nag toothbrush. Kinuha ko na rin ang bag ko at bumaba na.
Katingin ko sa orasan ay 3:30 na. Nakita ko kababa ko na kumakain ng tinapay si Anthony.
Kinawayan niya ako at ngumiti ako sa kanya. "Meryenda muna bago tayo umalis." Ginawan niya ako ng sandwich at tinaggap ko naman iyon. Habang kumakain kami ay napag-usapan namin na dalawang solo at dalawang duet ang gagawin namin.
Ang kakantahin ko mamaya ay when we were young ni Adele at Paubaya ni Moira, at si Anthony ay kakanta ng dalawang song niya. For the duet, we decided to sing Rewrite the Stars by Zac Efron and Zendaya, and the other song is Way Back Into Love.
After we finished discussing the songs we're going to sing we got inside the van and practiced the duet.
Wala pang 30 minutes ay nakarating na kami sa Bayanihan Park. Mas marami ang mga tao ngayon at kinawayan namin sila.
Nagpakilala at nagpasalamat lang kami bago magsimula si Anthony sa unang kanta niya. Habang kumakanta siya ay tumayo ako at tiningnan kung anong instrumento ang pwede kong gamitin. Dahil walang dalang keyboard ay nagsettle na lang ako sa acoustic guitar.
After Anthony finished both his songs, I also finished tuning the guitar I'm going to use.
"Hello po!" Bati ko sa kanila. Nagpalakpakan sila at pati na rin si Anthony. "I hope everyone enjoyed Anthony's voice and song! Now, I'll sing for you guys." I started strumming the guitar and the audience screamed.
"Everybody loves the things you do
From the way you talk
To the way you move
Everybody here is watching you
'Cause you feel like home
You're like a dream come true."
I like this feeling, the feeling of being able to be one with the song and performing in front of the audience. I can hear the audience singing along with me.
The energy and the hype that I've received when I started the first song, accompanied me till I finished the two songs.
Natapos ko ng kantahin ang dalawang kanta ko pati na rin ang dalawang duet namin ni Anthony. Kaninang nagsimula kami ay may araw at maliwanag pa at ngayong tapos na kami ay madilim at ang buwan na lang ang ilaw na kasama namin.
"Thank you guys for coming here, please be safe kapag uuwi na kayo. Mas okay if may kasabay kayong uuwi. Thank you ulit!" Nagpalakpakan at naghiyawan ulit ang mga tao at kami naman ni Anthony ay kumaway na sa kanila at tumayo na.
Hindi namin alam kung magkano ang nakuha namin dahil sa bahay nalang daw sasabihin para magkasama na kami nung isang group bago iannounce ang resulta.
BINABASA MO ANG
Lowkey
Romance𝗦𝗵𝗲'𝘀 𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝘁𝗼 𝗴𝗲𝘁 𝗵𝗲𝗿 𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲 𝗜𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗼𝘁 𝗯𝗲 𝗲𝗮𝘀𝘆 𝗯𝘂𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘄𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗶𝘁. When the world turned their backs against her He's always there to support her She do...