Caelum woke up first and saw thousands of notifs in his IG. He let out a chuckle seeing the messages his fans sent him. It's either them blessing their relationship or them being jealous of Asteria but they're happy for him.
He silently got out of bed and proceeded to go to the kitchen. He cooked breakfast for both of them since it would be a busy day for them.
Meron silang interview ngayong hapon at sa gabi naman ay movie premiere nila. It's their first public schedule as a couple. Noah even told him na pwede na silang hindi pumunta dahil nga sigurado magwawala ang fans pati na rin ang press. Pero napag-usapan nila ni Asteria na okay lang at nagpadagdag nalang sila ng security.
"Morning." Caelum greeted Asteria when he saw her going out of the room. Nakahanda na ang pagkain at nakaupo na rin si Caelum. Hinihintay nalang talaga niya na magising si Asteria.
Walang sinabi si Asteria at umupo lang sa hita ni Caelum. She snuggled her head in the crook of his neck.
"Is my baby still sleepy?" Caelum cajoled her and she nodded. "Did my baby stay up late last night? I told you to sleep early, my love." He rocked Asteria while patting her back.
"Natuwa lang ako magbasa ng mga comments dun sa post ko." Akmang tatayo na si Asteria pero hindi niya magawa dahil mahigpit siyang hawak ni Caelum.
"Don't go. I'll feed you. Just sit on my lap."
"Para naman akong baby sa ginagawa mo!" She whined.
"Well, you're not wrong. You're my baby. Open your mouth." Walang nagawa si Asteria kundi buksan ang bibig niya at nguyain ang sinubo na pagkain sa kaniya ni Caelum.
"Pano ka kakain?" Tanong ni Asteria kay Caelum. "Kapag natapos ka na." Sinubuan ni Caelum si Asteria hanggang maubos ang pagkain sa plato.
"You can go na. Maligo ka na dahil oras na." Pinunasan ni Caelum ang bibig ni Asteri at pinatayo na si Asteria. Sumunod naman si Asteria at naligo na dahil oras na nga. Si Caelum naman ang kumain at siya na rin ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan nila. Katapos niya ay pumunta na siya sa unit niya para maghanda na rin.
Hindi muna sila didiretso kung saan sila mag-iinterview kundi sa isang beauty parlour dahil aayusan pa sila. Nandun na rin ang mga damit nila kaya ang mga suot nila ay simple lang.
Bumalik si Caelum na naka white shirt at jeans. Suot suot din niya ang binigay na sapatos sa kaniya ni Asteria. Pumasok siya sa unit ni Asteria at kinatok ang kwarto niya bago pumasok
"Are you done na ba, love?" He opened the door and saw her wearing the same outfit, from the shirt to the shoes.
"Love! Parehas na naman tayo!" Natutuwang sabi ni Asteria. Dahil hindi naman nila pinag-usapan ang susuotin pero parehas pa rin sila. Kinuha na niya ang bag niya at lumabas na sila sa kwarto.
"We look good." Sabi ni Caelum at dumiretso na sila sa sasakyan ni Caelum. Iisang beauty parlour lang ang pupuntahan nila kaya nagsabay na sila.
Kaclose naman nila ang styling team nila parehas kaya diretso agad na sa trabaho at di na nagchismisan pa.
Since it's only an interview hindi na engrande ang sinuot nila. Nagpalit lang si Asteria ng damit at ang sinuot niya ay isang white na blouse at isang black skirt. Si Caelum naman white na polo shirt at jeans. Pinalitan ni Asteria ang sapatos niya sa isang heels habang si Caelum ay suot-suot pa rin yung rubber shoes.
Sinundo na sila ng kanilang mga manager at sumakay sa kaniya kaniyang van. Karating nila sa site kung san sila iinterviewhin ay maraming press ang naghihintay sa kanila sa labas ng building. Buti nalang ay nilagyan nila ng tali kaya hindi nakalapit ang mga press.
BINABASA MO ANG
Lowkey
Romance𝗦𝗵𝗲'𝘀 𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝘁𝗼 𝗴𝗲𝘁 𝗵𝗲𝗿 𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲 𝗜𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗼𝘁 𝗯𝗲 𝗲𝗮𝘀𝘆 𝗯𝘂𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘄𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗶𝘁. When the world turned their backs against her He's always there to support her She do...