14

2.8K 80 31
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Asteria Gutierrez

Nabilaukan ako sa kinakain ko kaya dali dali akong uminom. Nakalimutan ko na finollow at in-on notif ko siya sa dummy acc ko. Napaka out of place ng pinost na pizza ni Caelum sa timeline niya.

Hindi lang ako ang nagulat dahil pati ang mga fans niya

SIR??? NAHACK KA ATA??

wait lang omg naiiyak ako marunong pala magtweet anak ko TT kala ko puro rt lang alam niya, proud mom here!

gago ano pong special sa pizza na yan at umabot ka sa timeline ng bebe ko???

caelum selfie naman po diyan

sarap so much

Nilike ko ito at tiningnan kung trending siya at oo trending ang pangalan niya at Hawaiian pizza. Pinatay ko na ang phone ko at nagpatuloy sa panonood ng concert

"Just love me right! Just love me right! I just wanna make you love me." Sinabayan kong kumanta ang EXO at may pasigaw sigaw pa ako ng nalalaman. Gosh I love EXO po so much.

After 2 hours ay naubos ko na ang pizza ko at natapos ko na rin ang concert ng EXO. Naghilamos ako ulit at nagtoothbrush na. Habang nasa banyo ako ay narinig kong nagriring ang cellphone ko.

I quickly finished brushing my teeth and went out to get my phone.

"Hello Ate." Bati ko sa kanya.

"Good evening Asteria. Nakalimutan mo akong tawagan kung nasa bahay ka na. Nasa bahay ka na ba?"

"Opo opo nasa bahay na kanina pa. Alam ko naman di ka tatawag para lang kamustahin ako." Binuking ko siya at tumawa naman siya.

"Kilala mo na talaga ako. Well, may tatlong talk show ang want na mag-interview sayo. I narrowed it to one pero if you don't want to, okay lang naman. Pag-isipan mo hanggang bukas ng umaga. At may sinend ako sayo ng listahan ng mga variety shows na nag-iinvite rin sayo, as a guest and as a permanent cast. Pakibasa lahat at bukas mo rin sabihin sakin kung may gusto ka."

"Okay po, salamat Ate!" Nagpasalamat ako sa kanya at pinatay na ang tawag. Tiningnan ko naman ang mga sinend niyang files sakin.

I grabbed my iPad to see the files larger and so I can mark them. Una kong binuksan ang talk show na napili ni Ate.

"Mornings with Sam, is the leading morning talk show in the Philippines. Their time slot is perfect because it is the time when people are commuting to work or to their schools." Yan ang isinulat ni Ate Sam sa file. I opened my laptop and did some research about the talk show.

They have a good reputation and their host is respectful to know when to shift the topic when the guest is uncomfortable with the topic. I also saw that Caelum has already gone to this show three times already.

LowkeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon