Asteria Gutierrez
I thanked him for handing me the tissue. I wiped my mouth first and looked at the sushi with longing eyes.
"What are you looking at?" Masungit na tanong nito.
"I want that." Sabay turo sa sushi. Inikot naman niya yung turntable para nasa harap ko yung sushi.
"Edi kumain ka." Umiling naman ako sa sinabi niya.
"I cannot papatayin ako ni Ate Thea." Mangiyak ngiyak na sabi ko.
"Wala namang ibang tao na nandito. Hindi ko naman sasabihin sa manager mo kaya kumain ka na." It's tempting pero wag Asteria.
"No! Wag mo akong sabihan ng ganyan. Maguguilty lang ako, okay?" Narinig ko naman na sinabi niya ang whatever at syempre ano pang magagawa ko edi tingnan siya ng masama.
"Finally! Ang tagal nung traffic kainis." Sabay sabi ni Kuya kapasok nila ni red.
Dahil pabilog ang upuan namin at saktong apat lang yun ay umusog sakin si Caelum para makapasok yung dalawa.
Naconscious naman ako sa sarili ko dahil medyo maiksi yung suot ko na dress at tumaas pa ito lalo nung umupo ako. Hindi ako mapakali sa upuan ko kaya siguro napansin din ni Caelum.
"What?" Bulong nito sakin habang kunot noong nakatingin sa dalawang maingay na nag oorder.
"Wala." Sagot ko naman at umayos na ng upo at nakinig kila Kuya at Red.
"Miss isang bote ng Chateau De Latour Les Forts De Latour Pauillac 2013." Talaga namang sinusulit ni Red ang paglibre ko sa kanila dahil ang wine na yan ay 25k na!
"Dahan dahan lang po, wala na akong pera. Baka mamulubi na ako niyan." Di naman ako pinansin at nag-order pa sila ng ibang pagkain. Napabuntong hininga nalang ako at mukhang gagalaw ng malala ang bank account ko ngayon.
Kumain nalang ako ng salad habang nakatingin ng masama sa kanila. Naramdaman ko naman na may lumapat sa legs ko at nakita ko na may suit jacket na nakapatong.
Tiningnan ko ang katabi ko pero umaakto siyang walang nangyari. I mumbled a thank you and he just hummed meaning he heard me.
I continued eating pero punyeta parang may zoo sa stomach ko.
"Ria aalis na ako niyan mamaya, mamimiss mo ba ako?" Baliw ata si Red pero sanay naman na ako sa kanya. Nung mga bata kami laging sinasabi ng mga matatanda na kami raw ang magkakatuluyan pero nandidiri ako sa mga sinasabi nila.
"Yuck hindi." Sabay inom ng wine. Tumawa nalang si Red at si kuya naman binatukan siya. Yung katabi ko? Eto parang bato, di gumagalaw at di umiimik.
"Hala bat ganyan ka? Diba ang sabi mo papakasalan mo ako?" Nabulunan ako sa iniinom kong tubig sa sinabi niya. Nagulat ako sa katabi ko dahil binagsak niya ng malakas yung baso niya.
BINABASA MO ANG
Lowkey
Romance𝗦𝗵𝗲'𝘀 𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝘁𝗼 𝗴𝗲𝘁 𝗵𝗲𝗿 𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲 𝗜𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗼𝘁 𝗯𝗲 𝗲𝗮𝘀𝘆 𝗯𝘂𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘄𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗶𝘁. When the world turned their backs against her He's always there to support her She do...