Asteria Gutierrez
Nakaupo na ako sa van at nagbbyahe papuntang NAIA habang ang katabi ko na si Ate Thea ay tahimik pa rin habang hawak hawak ang isang thermos na may lamang sopas.
Ganto kase ang nangyari kaya tahimik at kung bakit siya may hawak na thermos.
• • • •
Gumising ako ng maaga para maligo at para makapag luto pa para makakain si Nicole kagising niya pero nagtext si Ate Thea na need naming umalis ng mas maaga dahil traffic daw.
Habang nag-aayos ako ng mukha ko sa kwarto ay may nagdoorbell. Binaba ko ang brush na hawak ko at binuksan ang pinto.
"Kumain ka na ba ng umagahan?" Tanong sakin ni Caelum at hinalikan ang noo ko. Umiling ako at pinapasok siya pero hindi ko siya maka-usap dahil nagmamadali na ako.
Umupo siya sa sala at binaba ang hawak na thermos. "Eat ka muna." Sabi niya at pinaupo ako sa tabi niya.
"Nooo. Hindi na pwede, dadating na si Ate Thea at di pa ako nakakapag-ayos." Sabay turo sa mukha kong hindi pa ayos at sa pambahay na suot ko. Anytime ay dadating na si Ate Thea.
He sighed. "Then just eat this in your van. Go do your thing. I'll open the door for your manager."
"No!" I exclaimed. Baka anong sabihin ni Ate Thea pag nakita niya si Caelum sa unit ko. Tumaas naman ang kilay ni Caelum sa sinabi ko.
"No? Are you ashamed of me?" Gago? Anong ashamed sinasabi nito, nahihiya lang ako baka tanungin siya ni Ate Thea kung ba't andito siya at kung ano pa sabihin niya.
"Hindi naman pero-" Hindi ko natapos ang sinasabi ko at nagsalita siya.
"No buts. Go do your thing." At binuksan ang tv. Mukhang wala na akong magagawa para baguhin ang desisyon niya.
Hindi ko pinaka grande ang make-up ko dahil malay ko ba san kami pupunta kaya naman nag sunblock, blush-on, at lipstick lang ako.
Nag-suot ako ng white na oversized shirt, white shorts, at white na rubber shoes para naman makagalaw ako ng maayos incase na may ipagawa samin. Habang inaayos ko na ang bag na dadalhin ko ay lumabas na ako at saktong dumating si Ate Thea.
"Tara na Aster... i a" Napahinto siya sa pagsasalita ng makita niya ang lalaking naka-upo at nanonood ng tv. Nung narinig ni Caelum ang boses ni Ate ay pinatay niya ang tv at tumayo para kunin ang mga bagahe ko.
Dali-daling lumapit sakin si Ate Thea at bumulong sakin.
"Tama ba ang nakikita ko? Si Caelum Carrasco ba yun?"
"Opo." Kinamot ko ang ulo ko at kinuha ang thermos na dala dala ni Caelum. Si Ate Thea naman ay nanigas sa kinakatayuan niya at hindi makapagsalita.
Lumapit si Caelum sa kanya habang dala dala ang bagahe.
"Please take care of Asteria." At inabot ang bagahe kay Ate Thea. Walang ibang nasabi si Ate at tumango lang ito.
Nung nakita ni Caelum na tumango si Ate ay lumapit na ito sakin para magpaalam.
"I have to go now. Take care of yourself. Call me if you need anything. I love you, ingat ka ha." Niyakap niya ako saglit at hinalikan ang ulo ko bago lumabas ng unit ko. Kumaway ako sa kanya bago magsara ang pinto at nginitian niya ako.
"Ate, tara na. Oras na." Hindi ko na napigilan at niyugyog si ate para maka-alis na kami.
"Asteria, boyfriend mo ba si Caelum?" Umiling ako at tumawa.
Pinalo naman niya ako. "Anong hindi boyfriend? Eh nag i love you sayo! Ikaw bata ka, kahit naman pinapayagan kitang mag jowa sana sabihin mo sakin para alam ko kung ano sasabihin ko kapag may lumabas na issue sa'yo." Pinalo palo niya ako at ako naman ay tumatawa lang.
Lumabas na kami at dumiretso sa van.
At hanggang kapasok namin ay tahimik pa rin si Ate at niyakap ang thermos na dala ko.
• • • •
"Ate pano ako makakakain kung hindi mo bibigay sakin yang thermos?" Pang-aasar ko sa kanya. Binigay niya sakit pero sinamaan niya ako ng tingin.
Tinawanan ko lang siya at binuksan ang thermos. Ang bango ng amoy at mainit pa ito.
Habang kinakain ko ito ay nagsalita si Ate. "Myghad beh! Iba ka talaga! Si Caelum Carrasco yun, josko po kapag lumabas ang balita na ito au di ko alam kung anong mangyayari sating dalawa."
"Okay lang 'yan ate. Wag ka mag-alala sasabihan naman kita pag kami na." Sabi ko sa kanya habang hinihipan ang sabaw.
"Kinabahan ako bigla pano pag may nangyari sa'yo? Josko po, baka mawalan ako ng trabaho ng wala sa oras." Nanginig ito sa sinabi niya at mahina akong tumawa.
Naubos ko ang sopas at nilagay sa likod ng van, sandali lang ay nakarating na kami sa NAIA.
Pumunta kami sa meeting place namin at nakita kong wala pang tao. May mga kamera sa harap ng upuan at nakita ko ang director na naka-upo.
"Hi Asteria, ikaw ang unang dumating, umupo ka muna diyan at hintayin natin ang iba mong kasama. Naka start na rin pala ang live stream."
Ngumiti ako sa camera at umupo na. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya naman nanahimik ako at naglabas na lang ng libro.
Wala rin akong phone dahil pinaiwan sa mga manager namin.
• • • •
Habang naka-upo si Asteria ay ang netizens sa internet ay nagsisipasukan na rin sa live stream
[napakaganda mo po asteria!]
[hala, naka-upo lang siya at nagbabasa pero ang ganda niya.]
[i like her outfit!!]
[agree ako kay commentor sa taas, kahit naka white shirt at shorts lang siya ay gandang tingnan sa kanya.]
[ASTERIA MAHAL NA MAHAL KITA!]
[omay andito na si rheign! may bloodbath ata ang dalawang to at mga fans nila dahil sa nangyari with CEO Louie.]
[Rheign AHHAHAHAHAH DI MO AKO BASHER PERO BAT GANYAN ANG SUOT MO??]
[dahell, nakakahiya ang suot ni rheign]
• • • •
Nakarinig ako ng yabag ng paa papalapit sakin. Tinaas ko ang paningin ko at nakita ko na may dalang apat na bagahe si Rheign at kumikinang na mini dress at nakasuot pa siya ng napakataas na takong.
Tumayo ako para igreet siya.
"Hello." Ako na ang naunang bumati pero hindi niya ako pinansin.
"Hmp." Nilagpasan niya lang ako.
Kumunot ang noo ko pero agad kong inalis ito at umupo na. Umupo siya sa kabilang dulo at pinagpatuloy ang pagbabasa ko.
[TF? napaka rude ni rheign]
[rheign alam ko one week lang ang shooting niyo at bakit may dala kang apat na maleta? di ka na ba uuwi?]
[rheign ang ganda mo!]
[rheign san ka sasayaw at magbabar HAHAHAAHHA]
‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿
𝗮𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿'𝘀 𝗻𝗼𝘁𝗲
𝘩𝘦𝘭𝘭𝘰 𝘩𝘦𝘩𝘦 𝘴𝘰𝘳𝘳𝘺 𝘱𝘰, 𝘴𝘶𝘱𝘦𝘳 𝘱𝘢𝘨𝘰𝘥 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘱𝘰𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘱𝘶𝘣𝘭𝘪𝘴𝘩 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘤𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 31 𝘩𝘶𝘩𝘶
BINABASA MO ANG
Lowkey
Romance𝗦𝗵𝗲'𝘀 𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝘁𝗼 𝗴𝗲𝘁 𝗵𝗲𝗿 𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲 𝗜𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗼𝘁 𝗯𝗲 𝗲𝗮𝘀𝘆 𝗯𝘂𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘄𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗶𝘁. When the world turned their backs against her He's always there to support her She do...