Asteria Gutierrez
I smiled fondly while caressing the note. My fatigue is gone because of this little note and food. It's a foreign feeling that someone is taking care of me. Since I signed with Louie, I became independent. I rarely go home and just bought this apartment. Medyo lumayo ang loob ko kila mommy at nanghihinayang ako na ginawa ko 'yon. Dahil nga gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa ay nakalimutan ko na may mga tao na nagmamahal at sumusuporta sa akin.
Binuksan ko na ang pinto at nilapag ang gamit ko sa sofa. Dinala ko naman sa balcony ang pagkain. It's already 12:15 and this would be my first proper meal of the day.
Umupo ako at tiningnan kung ano ang laman ng paper bag. I was assaulted by the smell of chicken. I let out a chuckle because all the foods in the bag are my favorite, Korean chicken and tteokbokki.
Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero I appreciate his efforts. Hindi ko alam kung ano ang intensyon niya sakin o talagang sadyang mabait at mapagbigay lang siya pero nakakataba ng puso ang mga ginagawa niya.
Nilabas ko ang phone ko para itext siya at magpasalamat.
Hindi siya nagreply, siguro ay nagtatrabaho siya. Kumuha muna ako ng tubig sa loob bago ko nilantakan ang pagkain ko.
Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang matuwa. Dahil kahit sobrang pagod ako ay iba yung feeling na nagtatrabaho ako at nagagawa ko ang pangarap ko. Yung pangarap ko na makapag pasaya ng ibang tao at makakanta sa harap nila, huminto man ako ng panandalian pero andito na ulit ako para magawa ang gusto ko, at nasa likod ko ang mga taong sumusuporta sa akin.
No more running and no more hiding. You've grown up Asteria and I'm proud of you. I can't help but reminisce how miserable I was in my first month in America.
• • • •
I was devastated and shocked because of what happened. Karating ko dun ay iniisip ko pano nagawa sakin 'yon ni Louie pero pinatawad ko rin siya agad dahil alam ko na hindi niya ako sasaktan at ang mga ginagawa niya ay para sa kabutihan ko.
Nalaman ko rin nung buwan na yon ay may vocal cord nodules ako. Ako lang ang mag-isa sa America, hindi ko kinontak ang pamilya ko dahil natatakot ako. Sobrang hirap ng mga buwan na 'yon. Pero naisip ko rin bakit kailangan kong magmukmok at magtago sa bagay na hindi ko ginawa.
BINABASA MO ANG
Lowkey
Romance𝗦𝗵𝗲'𝘀 𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝘁𝗼 𝗴𝗲𝘁 𝗵𝗲𝗿 𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲 𝗜𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗼𝘁 𝗯𝗲 𝗲𝗮𝘀𝘆 𝗯𝘂𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘄𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗶𝘁. When the world turned their backs against her He's always there to support her She do...