Asteria Gutierrez
I felt a surge of happiness after reading the note. A smile is plastered on my lips. Narinig kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito
Caelum
Eat well.
Nagreply ako ng thank you at kareply ko ay sumigaw ako. Omaygad hindi ko na kaya, kinilig ako ng very very slight.
Umupo ako sa stool sa may kitchen area ko at nilantakan ang sushi. I took a pic of it and posted it in my IG story.
Nakita ko naman na nagreply si Ate Thea. Ooops..
Nireplyan ko nalang siya na hindi ko naman lahat uubusin at titikman ko lang. Hindi na siya nagreply, siguro busy. After ko maubos yung pagkain at saktong naghuhugas ako ng pinggan ay pumasok si Ate Thea.
"Let's go."
"Where?"
"Sa studio mo bebe." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko inakala na sobrang bilis at nahanapan na nila ako ng studio. Tinapos ko na ang hinuhugasan ko at nagbihis na.
Dinala ko rin ang laptop at hard drive ko na ang laman ay puro mga kanta ko. Finally, I'll be able to work now. I'm not jobless anymore HAHAAHHAHAHAHA.
Sumakay ako sa van at nakita ko na may driver na kami ngayon. Nagpakilala ito at ang pangalan daw niya ay Kuya Ronnie.
"Naglunch na kayo?" Tanong ko sa kanila habang inaayos ang seatbelt ko.
"Hindi pa. Mamaya nalang." Sagot ni Ate Thea habang may kinakalikot sa phone niya. "Sa studio mo nalang. Malapit lang naman 'yon, mga nasa 10 minutes lang." Tumingin ako sa labas at hindi tumagal ay nakarating na kami sa harap ng isang building.
Bumaba na ako at tinanong si Ate Thea kung anong floor. Sumagot ito at sinabing nasa 4th floor daw. Ang buong floor daw ang studio ko.
"Wag na ka na sumama Ate. Kumain na muna kayo ni Kuya Ronnie. At wag mo na ako balikan dito. Papasundo nalang ako kay Kuya. Ayusin ko muna yung studio."
"Ayan ka na naman. Ikaw bata ka, kapag nagsimula ka na magtrabaho ay nakakalimutan mo na ang oras. Bahala ka. Basta tawagan mo ako kapag may kailangan ka ah. Alis na kami." Nagbabye ako at pumasok na sa building.
I'm feeling giddy today because of the sushi, now I'm ecstatic. Binigyan ako ni Ate Thea ng card dahil hindi ko raw maaaccess paakyat sa studio kapag wala ito.
Nang bumukas ang elevator ay namangha ako sa nakita ko. Hindi ito malaki at hindi rin ito maliit, just what I like. I dropped my laptop bag on the sofa and looked around. There is an open space kung saan nandoon ang mga instrument, meron ding kitchen, at lounge area. Meron itong tatlong kwarto.
Ang unang kwarto ay tulugan, merong isang malaking kama na merong cr at meron ding maliit na walk-in closet. Ang pangalawang kwarto na katabi lang ng bedroom ay parang library or office. At ang huling kwarto ay ang pinakamalaki sa lahat, nandito ang control room at studio, may isang maliit na iso booth. Namangha ako sa mga nakita ko dahil mas malaki pa ang studio na ito kesa sa mga studio na napuntahan ko sa America.
BINABASA MO ANG
Lowkey
Romance𝗦𝗵𝗲'𝘀 𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝘁𝗼 𝗴𝗲𝘁 𝗵𝗲𝗿 𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲 𝗜𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗼𝘁 𝗯𝗲 𝗲𝗮𝘀𝘆 𝗯𝘂𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘄𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗶𝘁. When the world turned their backs against her He's always there to support her She do...