Asteria Gutierrez
Nagising kami dahil sa malakas na alarm na pinatunog ng crew. Nasa sala kami ngayon at mga nakapajama at mga walang hilamos. Hindi ko nga alam kung may muta pa ako sa mata ko. Humikab ako at nakita ko na nasa likod si Caelum.
Aba buti pa siya bagong ligo dahil basa pa ang buhok niya.
"Umay, sarap ng tulog ko tas nagulat ako nung tumunog yung alarm." Sabi ni Anthony na katabi ko at sinusuklay ang buhok niya. Natawa ako dahil ganon rin ang nangyari sakin.
"Good morning everyone! For today ay hindi related sa pagkanta ang gagawin natin, we're going to an Aeta Tribe in Mt. Pinatubo. You have to gain their favor, it's up to you kung anong gagawin niyo. Dahil sa bago tayo umalis doon ay magbobotohan sila at mamimili sa dalawang grupo. Mag-ayos na kayo at magdala kayo ng mga kailangan na gamit niyo." Katapos niyang magsalita ay dumiretso ako sa kusina para magluto habang ang iba ay umakyat na sa kanilang mga kwarto.
Nilabas ko ang hotdog, itlog, at spam. Narinig ko na may upuan na gumalaw at nung tiningnan ko ito ay si Caelum pala.
"Gutom ka na ba?" Tanong ko.
Umiling ito at nilabas ang phone niya. Dahil nakabukas na ang mga mic namin ay naging maingat kaming dalawa.
Natapos ko nang lutuin ang hotdo at spam nung narinig ko ang boses ni Rheign.
"Hindi ka pa tapos? Gutom na ako." Maarteng sabi niya. Hindi ko maiwasang iikot ang mata ko sa sinabi niya. Ano ako, maid niya? Ako na nga ang nagmagandang loob para magluto para sa kaniya tas ganyan siya umarte. What the fuck.
Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy ang pagluluto.
"I'm asking you Asteria." Nung sinabi niya ito ay biglang may bumagsak sa table.
"Shut your mouth." Narinig kong sabi ni Caelum. Hindi na ulit umimik si Rheign.
"Ako na diyan." Nagulat ako dahil nasa tabi ko na siya. Umiling ako at pinagpatuloy ang pagpprito ng itlog.
"Maligo ka na at mag-ayos ng gamit." Kinuha na niya ang spatula na hawak ko kaya wala na akong magawa kundi umusog at bigyan siya ng space para magluto.
Nagpasalamat ako sa kanya at aakyat na nung nakita ko na ang sama ng tingin ni Rheign sakin.
"What?" Tanong ko sa kanya nung dumaan ako sa sakanya. Wala siyang nasabi at naglakad padabog palabas ng kusina.
I raised a brow at her attitude and behavior. Para siyang batang di nabilhan ng laruan. Sabi ko sa sarili ko na di dapat ako pumapatol sa mga bata kaya kumalma ang utak ko at umakyat na sa kwarto.
Naligo ako at nagsuot ng long sleeves at jeans. Kinuha ko ang isang maliit na backpack ko at naglagay doon ng sunblock, wallet, at pamunas. Yung mga phone namin ay binalik na namin sa crew.
Kababa ko ay nandun na sila sa mesa lahat at tapos na magluto si Caelum. Nilibot ko ang mata ko para sa bakanteng upuan pero ang natira nalang ay sa tabi ni Caelum.
Kaupo ko ay nagsimula na kaming kumain.
Kumuha ako ng itlog at hotdog pati na rin kanimn. Nakita ko na may kape sa harap ko at nakita ko rin na nakatingin sakin si Caelum. Nginitian ko siya at nagpasalamat para sa kape.
"Uhm." Maiksing sabi niya.
Tahimik kaming kumain at ang natokang maghugas ng plato ay si Rheign at Anthony. Mukhang aangal pa si Rheign pero hindi dahil si Direk na mismo ang nagsabi.
Habang hinihintay namin sila ay nasa sala lang kami. Nilabas ko ang sunblock at naglagay sa mukha ko. Inabot ko rin kay Caelum ang bote ng sunblock para di siya umitim.
He shaked his head but I stared at him pointedly. Wala na siyang magawa kundi kunin ito.
Oh diba ang dali lang naman pasunurin ni Caelum.
Binalik niya sakin ang bote at natawa ako sa nakita. Hindi niya binlend masyado ang sunblock kaya naman may puti puti sa mukha niya.
Nakalimutan ko na may camera na nakatutok samin dahil ako dapat ang magbblend ng sublock sa mukha niya pero agad ko rin binaba ang kamay ko.
Gago Asteria, muntik na yon! Baka katayin tayo ng fans ni Caelum.
"Sorry hehe di ko alam bat bigla gumalaw ang kamay ko." Sabi ko sa kanya at pinalo ang kamay ko. "You should blend the sunblock properly." I told him and pointed at his face.
He didn't do anything but pushed his face nearer to me. "I can't see. Do it for me."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
CAELUM MASYADO NA TAYONG HALATA!
‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿‿
𝗮𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿'𝘀 𝗻𝗼𝘁𝗲
𝗰𝗮𝗲𝗹𝘂𝗺 𝗱𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗱𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗺𝗮𝘀𝘆𝗮𝗱𝗼 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻. 𝗮𝗻𝘆𝘄𝗮𝘆, 𝗴𝗼𝗼𝗱 𝗻𝗶𝗴𝗵𝘁!
𝘁𝗵𝗮𝗻𝗸 𝘆𝗼𝘂 𝗳𝗼𝗿 𝗿𝗲𝗮𝗱𝗶𝗻𝗴, 𝗽𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲 𝗹𝗲𝗮𝘃𝗲 𝘀𝗼𝗺𝗲 𝗰𝗼𝗺𝗺𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝘃𝗼𝘁𝗲! 𝗴𝗼𝗼𝗱 𝗻𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗲𝗯𝗲 𝗺𝘄𝗮 𝗺𝘄𝗮 𝘀𝗮𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗰𝗮𝗲𝗹𝘂𝗺.
BINABASA MO ANG
Lowkey
Romance𝗦𝗵𝗲'𝘀 𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝘁𝗼 𝗴𝗲𝘁 𝗵𝗲𝗿 𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲 𝗜𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗼𝘁 𝗯𝗲 𝗲𝗮𝘀𝘆 𝗯𝘂𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘄𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗶𝘁. When the world turned their backs against her He's always there to support her She do...