21

2.5K 84 47
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Asteria Gutierrez

"Ma, alis na kami. Late na masyado." Paalam ko sa kanya bago tawagin si Caelum.

Bumaba ako sa game room at nakita ko na naglalaro sila ng NBA 2k.

"Caelum, are you ready to go home?" Binaba niya ang console na hawak niya at tumayo agad. Narinig ko naman na binulyawan siya ni kuya. "Hoy! Caelum tapusin na natin 'to!" Hindi siya pinansin ni Caelum at nagpatuloy lang siya sa paglalakad papunta sakin.

"Uhm, let's go home." Sabi niya sakin at hinawakan ang baba ng likod ko at nagsimulang naglakad paakyat.

Nangilabot ako nung lumatay ang kamay niya sa likod ko. May nagwawalang zoo sa tiyan ko.

Tumalikod ako ng bahagya at tumigil sa paglalakad. "Bye Kuya! See you soon, libre mo akong kape bago ako magfilm."

"Oo, tawagan mo lang ako! Ingat kayo!" Sigaw niya. Habang umaakyat kami sa hagdan ay nasa likod ko pa rin ang kamay niya.

Kaakyat namin sa sala ay nandun na si daddy at mommy pati na rin yung mga paper bag na sandamakmak. Nauna akong naglakad papunta kila mommy kesa kay Caelum kaya naalis yung kamay niya sa likod ko.

Nahiya ako dahil sa naalala ko ang sinabi ni mommy tungkol sa tingin sakin ni Caelum.

Hinug ko ang magulang ko bago magpaalam na aalis na kami.

"Uwi na kami Ma, Pa. I'll call you nalang po before ako magfilm, then let's have dinner together. My treat. Bye po. I love you." At kiniss ko ang cheeks nila.

"Thank you po for the dinner and I'll give the document to Mom po. Alis na po kami." Paalam ni Caelum.

Tinawag ko si Philip para mapalagay sa kotse yung mga paper bag.

"Okay, ingat kayong dalawa. Drive safely. Call us Asteria." Tumango ako at hinug ulit sila bago lumabas ng bahay.

"Thank you Philip. I'll visit again soon. Babye." I waved at him and went inside the car. I noticed that Caelum is holding the car door. I remember since I'm with Caelum, hindi na ako ang nag oopen ng pinto.

Once he got inside the car, he drove out of the driveway.

"Why was your hair wet kanina?" I asked him. Kanina ko pa gustong itanong pero di ko siya matanong.

"I washed my hair so I can get rid of the hair spray. Does it still smell?" Tiningnan niya ako saglit bago ibalik ang tingin sa daan.

"No, wala na yung amoy." Sagot ko sa kanya.

"Good, cause Lucas said that his shampoo is expensive and it would get rid of the smell and if you can still smell it I'm going to beat his ass. I paid him 500 pesos so I can wash my hair." Natawa ako sa sinabi niya.

"Bat naman nagbayad ka? Dapat sakin mo nalang sinabi." Natatawang sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin pero yung labi niya ay nakangiti.

"When will the filming start?" Pag-iiba niya ng topic. OMG? Nahihiya ba siya HHAHAHAHHAHA

LowkeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon