Asteria Gutierrez
Hindi nagtagal ay dumating na rin si Ms. Theresa kaya naman ay tumayo ako at sinalubong siya. Niyakap niya ako at bineso at umupo sa tabi ko.
"Nako, ang anak ko gustong sumama para makita ka!" Sabi niya sakin at tumawa kaming dalawa.
"Gusto ko rin po siyang makita! Di bale po sabihin niyo lang po at pupuntahan ko siya." Nag-usap lang kami at hinintay na dumating ang dalawang lalaking kasama namin.
[Ang qt naman ni Ms. Theresa at Asteria, parang mag ate lang.]
[what's with rheign? senior niya si ms. theresa pero hindi man lang niya binati or kahit iacknowledge lang.]
[pls bat kailangan batiin ni rheign ang laos na singer???]
[sa nagcomment sa taas wala kang kwenta]
[asteria mahal na kita dahil sa attitude mo sa idol ko huhu]
[it's so refreshing to see theresa smiling and talking to asteria, i love them both.]
Nung dumating si Sir Jacky at Anthony ay tumayo na kami at hinintay ang instructions ni Direk.
"Good morning everyone and now we're going to start our journey!" Pumalakpak kami sa sinabi ni Direk at nakinig ulit.
"Alam naman nating lahat na hanggang matapos ang week na ito ay nakalive stream tayo. So our first destination is Clark! One group would ride a plane to go there and one group would commute papuntang clark.
For your first mission, listen carefully.
All of the casts would be grouped into two, we're going to do a random game to finalize the group. Once we reached Clark kayo na ang bahala sa sarili niyo, we'll give you 1000 pesos for your expenses today.
You have to find a place to busk, and kung sino ang may pinaka madaming malikom na pera ay yun ang magkakaroon ng magarbong dinner mamayang gabi at ang natalo ay hindi makakakain.
Also, a guest would arrive later and would help a group for a day. So pick a spoon in the bucket, and the two people who picked the spoons with a mark would be a group and those who picked a spoon without a mark would be a group. "
Katapos niyang magsalita ay inabot niya sakin ang bucket. Nagsimula ako sa kabilang dulo, ang unang kumuha ay si Sir Jacky, si Anthony, si Rheign, si Ms. Theresa, tapos kinuha ko ang natitira.
Tinakpan muna namin at nung sinabi na tingnan na namin ay nakakuha ako nung may mark. Tiningnan ko ang mga kasamahan ko at nakatingin sakin si Anthony at tinaas ang kutsarang may marka rin.
Napangiwi ako sa utak ko dahil for sure nagwawala na ang barrage sa live stream niyan.
[OMG OMG OMG ANG AKING SHIP OMAYGAD]
[HOY PONYETA EXCITED NA PO AKO KAY ANTHONY AT ASTERIA HUHU]
[hala gagi ang sama ng mukha ni rheign]
"Ngayong naka group na kayo, we'll play rock paper scissors to know kung sino ang magcocommute at kung sino ang mageeroplano papuntang Clark. It would be beneficial for you na makarating ng una sa Clark para makapag set-up na at less hassle rin."
Lumapit sakin si Anthony at kinamayan niya ako.
"Sinong maglalaro sating dalawa?" Tanong niya sa akin. "Ikaw na lang siguro, kahit naman magcommute or hindi, okay lang sakin." Sagot ko.
Ngumiti ito at tumango. Pumunta siya sa gitna at ang kalaban niya ay si Sir Jacky... at natalo siya.
Naglakad ito papunta sa pwesto ko habang kinakamot ang ulo.
"Hehehe, sorry." At nag peace sign siya. Ngumiti lang ako at sinabing okay lang.
Binigyan kami ni Direk ng Gopro for a self cam. Isa ang binigay samin at si Anthony ang naghawak.
"Ngayong may nanalo at natalo na, tara na, eto na ang pera niyo." Inabot niya ang 1000 at nagsimula na kaming kunin ang mga gamit namin.
"Ako na. Ikaw na maghawak nitong camera." Sabi ni Anthony at siya na ang naghila ng mga bagahe namin habang ako ang dala ko lang ang handbag ko at camera. In-on ko ang camera at tinutok saming dalawa.
Hindi lang naman kaming dalawa ang magcocommute at may kasama kaming dalawang cameraman.
Lumabas kami at pumila sa terminal kung saan may P2P bus na from NAIA to SM Clark. Habang nasa terminal kami ay walang nagsasalita at hindi dapat magkaroon ng dead air kaya nagsalita na ako.
"Uhm do you play instruments?" Tanong ko sa kanya at tinutok ang camera sa kanya.
"Yup, I play guitar. Ikaw ba?" Tanong niya sakin at tinutok ang camera sa akin.
"It's too malapit." Inusog ko ang camera sakin at nagtawanan kami. "Yup, guitar, violin, piano, tas drums din."
"Wow, galing galing. So dahil wala pa ang bus natin ay magsstart na po tayo sa quick interview with Asteria." Bigla niyang sabi at tinutok ulit ulit sakin na malapit ang camera.
"Please say your questions, Mr. Reporter." Pagsakay ko sa trip niya. Nilayo niya ang camera at tinutok saming dalawa.
"Ano po ang favorite color niyo." Kinuha niya ang tubigan sa backpack niya at kunwaring ginawang mic.
"Violet po." Seryosong sagot ko.
"Ano sa tingin mo po ang dapat kantahin natin para madaming magbigay ng pera sa atin?"
"Kung ano po ang gusto ng partner ko." Sabay turo sa kanya. Kunwaring nag-isip ito at sinabi na. "Paano ba yan, susunod lang din ako sa gusto ng partner ko." Tumawa na naman kaming dalawa. Umusog na ang pila at nakasakay kami sa bus.
Nilagay niya ang mga bagahe namin sa may bus at sumakay na kami sa likod. Pinatay ko na ang gopro at tumingin sa orasan.
9:00 am at mga before 11 ay nasa Clark na kami.
Ang dalawang cameraman ay umupo sa harap namin at tinutok ang tig-isang camera saming dalawa.
"Bago tayo matulog ay magplano muna tayo." Sabi niya at naglabas ng ballpen at notebook galing sa backpack niya.
"Venue??" Tanong ko at sinulat naman niya. "I think we can go to the park near SM Clark. Para na rin hindi tayo malayo at para maraming tao." Sabi ko at tumango siya.
"Is that Bayanihan Park?" Sabi niya habang hawak ang isang tablet na binigay ng crew sa amin. Tumango ako at nag-isip kung ano ang pwede naming kantahin.
"Karating ba natin kakanta na tayo?" Tanong niya sakin.
"I think we have to. We only have 300 pesos left." Nagbayad kami ng 700 para sa pamasahe namin at kailangan pa namin maglunch.
"Hm. Okay. Then what song?" Naghanap siya sa tablet na hawak niya at ako naman ay naisip if pasalubong by Ben and Ben.
"What if Pasalubong by Ben and Ben?"
"Okay okayyy. After natin mag busk, eat na ng lunch then pahinga muna tapos busk ulit ng mga 4pm." Sabi niya at sinulat niya ang itinerary namin.
I agreed with him when he showed me his notes. When we're done talking we decided to rest and sleep muna.
[ang qt naman po nila]
[ang bilis nila magdesisyon HAHAHAHAHHA kawawa ang isang group]
[ang matulog ni asteria huhu]
[kahit po matulog si asteria ang ganda pa rin, nasan ang hustisya?]
[HOY GAGI NAKITA NIYO BA YON?? PINATUNGAN NI ANTHONY NG JACKET YUNG PAA NI ASTERIA HUHU]
[HALA KINILIG PO AKO ANTHONY]
[i think dahil naka shorts si asteria at medyo malamig sa bus kaya ginawa niya 'yon, what a gentleman AHHHHHH LOVE U ANTHONY!]
BINABASA MO ANG
Lowkey
Romance𝗦𝗵𝗲'𝘀 𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝘁𝗼 𝗴𝗲𝘁 𝗵𝗲𝗿 𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲 𝗜𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗼𝘁 𝗯𝗲 𝗲𝗮𝘀𝘆 𝗯𝘂𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘄𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗶𝘁. When the world turned their backs against her He's always there to support her She do...