44

2.5K 87 9
                                    

Asteria Gutierrez

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Asteria Gutierrez

Maaga akong nagising at nakita ko na nag uumagahan ang pamilya ko.

"Good morning daddy, mommy, and kuya." At sabay halik sa kanilang mga pisngi. Katapos ay umupo na ako sa tabi ni Kuya.

"Good morning baby, why are you awake already? Nakauwi ka na ng madaling araw, dapat ay natutulog ka pa." Sabi ni mommy at nilagyan ako ng pagkain sa plato ko.

"Thank you po. I have a trip to Paris today." Sagot ko at kumain na. Tumango si Mommy at nagtanong kung may pera ba raw ako.

"May pera ka ba? Gamitin mo na ang card na binigay ni Kuya at ni Daddy mo, sayang lang kung hindi nagagamit."

"Kaya nga Sis, it's been 7 years since I've given you that card pero wala pa rin bawas." Pagsang-ayon ni Kuya sa sinabi ni mommy. Nakita ko rin si daddy na tumatango.

Napakamot nalang ako ng ulo dahil hindi ko naman kailangan gamitin ang pera nila dahil may pera naman ako.

"Hindi na po, may pera po ako dito. Tsaka baka hindi naman po ako gumastos 'dun." Knowing Caelum ko man malalabas ang wallet ko kapag kasama ko siya.

"What if sumama ako sis?" Kuya Lucas nudged my shoulder and asked.

Sinimangutan ko siya at sumagot. "No, it's my rest time and I don't want you with me. Daddy kuya is busy diba?" I fluttered my eyes at my dad, alam ko naman na ako ang kakampihan niya.

"Have you finished the contracts I sent you, Lucas? And don't bother your sister. She deserves to take a break." I winked at my brother and smile at him. He frowned at me because he knows he won't win against me.

We ate our breakfast happily and noisily. Hindi uso ang tahimik pag kumakain sa pamilya namin kaya naman kung ano ano na ang napag-uusapan namin.

"Asteria, your Tita Mia is asking me kung kelan ka free? She wants to go shopping with you."

"I'll call her nalang mamaya mommy." Tumayo na ako sa upuan ko para makapag ayos na ako ng gamit. "I'll go upstairs na po, ingat kayo paalis." Dahil diretso trabaho na sila katapos nilang kumain.

My mom and dad hugged me before I went upstairs.

Yung ginamit ko na maleta ay yung ginamit ko rin sa shooting. Hindi na ako nagdala ng madaming damit dahil dun nalang ako bibili kung magkulang. 9:30 na at ang flight ko ay 1:00. Habang nag-aayos ako ng gamit ay tumawag si Caelum.

Anong ginagawa niya at hindi pa siya tulog? 3:30 AM palang sa kanya.

Sinagot ko ang tawag niya at niloud speaker para makagalaw pa rin ako kahit kausap siya.

"Hey, why are you not sleeping?" Tanong ko nung sinagot ko yung tawag.

"I just got back sa hotel. Natagalan sa pagshoot dahil wala yung isang actor." Sabi niya at rinig ko ang pagod sa boses niya. Napagbuntong hininga ako at lumapit sa phone at inalis ito sa pagkaloud speaker.

LowkeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon