41

2.5K 74 8
                                    

• • • •

"Hay, I love you so much Ri." Sabi ni Caelum at inalis ang pagkakayakap kay Asteria.

"Let's go." At hinila ang tulalang Asteria. Naglakad na sila pabalik sa pwesto nila at saktong karating nila ay nandun na rin ang grupo ni Anthony.

"Congratulations, everyone for your hardwork!" Sabi ni Direk at nagpalakpakan ang lahat. Pumunta sa harap ang chief ng tribo at nagsalita.

"Maraming salamat sa pagpunta sa aming tribo. Nandito na sa akin ang resulta kung sinong nanalo." Kinabahan ang dalawang grupo nung nakita nila na binuksan na ni Chief ang envelope.

Ang nasa isip ni Rheign ay sila ang mananalo dahil madami ang sumama sa kanila sa pagsasaya at sa pagkanta. Naisip niya rin na dahil maganda siya ay marami ang boboto para sa kanya. Pero nagkakamali siya.

"Ang nanalo ay ang grupo nina Asteria!" Nung binanggit yon ng chief ay agad na niyakap ni Asteria si Ms. Theresa at nagtatalon talon.

Si Caelum naman ay hindi makikita sa malayuan pero kapag malapit ka sa kanya ay makikita mo ang mata niya na punong puno ng pagmamahal habang nakatingin kay Asteria.

Habang nagsasaya ang grupo ni Asteria ay iba ang nararamdaman ng kabilang grupo.

"Hay, okay lang yan at least napasaya natin sila." Sabi ni Mr. Jacky bilang pinakamatanda sa kanila. Sumang-ayon naman si Anthony kaya walang ibang nagawa si Rheign kundi itikom ang bibig niya.

'Si Asteria na naman nanalo? Tapos ang saya saya niya pa. Hmp. Wag siyang masyadong masaya.' She thought and sneered at Asteria.

The night went on and they played around the bonfire with the Aetas.

• • • •

Asteria Gutierrez

Katapos naming magsaya kasama ng mga Aetas ay bumaba na kami ng bundok. Mas okay ang pababa kaya naman hindi na ako nagsuka. Dahil hindi pa kami nag dinner ay didiretso daw kami sa isang restaurant. Kaming nanalo ay makakain ng isang sumptuous feast while ang kabilang grupo ay kanin at side dish lang.

Dahil sa pagod ay wala na nagsalita samin sa van, habang nakatingin ako sa harapan at tulala ay naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa katabi ko at napakagaling, kala mo wala siyang ginawa. Tinry kong alisin ang pagkakahawak niya pero nako, napakahigpit ng hawak, kaya pinabayaan ko nalang. Hindi kita dahil nakapatong ang kumot sa akin.

After 30 minutes ay dumating na kami sa restaurant at agad na kumain.

Habang kumakain ay nagsalita si Direk.

"I hope everyone had a good time today, and again, thank you for coming here Caelum. Unfortunately our guest have to say goodbye to us tomorrow, as he have a prior work that cannot be moved. So this is the last night that Caelum would be here. Any words Caelum?" Pinunasan ni Caelum ang bibig niya bago magsalita.

"Ah, thank you for inviting me and letting me see new places and new memories. I hope I'll be invited again." Nakita ko naman na nagkamot ng ulo ang direktor.

Umupo na ulit si Caelum at nakita ko na tapos na siya kumain. Saktong kakatapos ko lang kumain nung nakita ko siyang tumayo narinig kong paalam niya ay mag cr siya. Tumayo rin ako para makapag hugas ng kamay.

Habang naghuhugas ako ng kamay ay sumandal siya sa pader malapit sakin.

Tinanong ko kung ano ang bumabagabag sa akin. "They didn't invite you noh?" Tanong ko habang pinupunasan ang kamay ko.

"Uhm. I invited myself, they didn't reject it and they were happy." Sabi niya at umalis sa pagkakasandal sa pader. "I'll leave later, I have to go to Paris for two weeks. I'll call you everyday." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Pero isang mabilis na yakap lang.

LowkeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon