23

2.6K 74 6
                                    

Asteria Gutierrez

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Asteria Gutierrez

Kapasok namin sa loob ng grocery store ay konti lang ang tao dahil magtatanghali na at may mga pasok ang mga tao. Pinagtitinginan kami ng mga nagtatrabaho pero hindi namin ito pinansin.

Kumuha ng cart si Caelum at sinundan ako. Kumuha ako ng mga biscuit at chichirya. Kumuha ako ng paboritong kong junk food at mga lima ang kinuha ko kaya naman napatingin sakin siya sakin.

"What?" Sumimangot lang ito at hindi nagsalita. Lagay lang ako ng lagay sa cart ko, kung gusto ko yung pagkain ay diretso sa cart. Kumuha na rin ako ng mga condiments at mga gulay. I also got meat and fish. Caelum is following me silently while pushing the cart.

"Ang dami mong kinuhang chichirya Asteria." Sabi niya habang nasa aisle kami ng mga chocolates. Hawak hawak ko ang isang pack ng chocolate at akmang ilalagay ko sa cart nung nagsalita siya.

"Hindi naman masama ang kumain ng chichirya at chocolates kaso may sakit ka pa." Malumanay na sabi niya. Hindi naman dapat ako maguilty pero binalik ko ang tsokalate sa stante.

"Hindi ko naman kakainin ngayon eh." Paliwanag ko sa kanya. "Sinabi mo yan ah Asteria." Pagkasabi niya ay siya na mismo ang naglagay ng mga chocolates sa cart.

Napangiti ako sa ginawa niya. Nauna siyang naglakad habang tulak tulak ang cart, what if jowain ko si Caelum? Eme. I clenched my fist before walking beside him. We walked towards the first aid aisle and he started putting different OTC medicines.

"Ang dami naman niyan Caelum!" Pagsaway ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng masama pero di nagpatinag. Naglagay siya ng sandamakmak na biogesic, bioflu, at iba iba pang gamot. Pati na rin mga gauze, band aid, at mga antiseptic.

"Magdala ka ng mga gamot kapag magfifilm ka." Humarap siya at tinuro ang mga gamot na kailangan kong dalhin. Naglakad lakad siya at parang may tinitingnan pero mukhang wala siyang nakita kaya bumalik siya kung san ako nakatayo.

"There's no throat lozenges here, I'll order some and give it to you tomorrow." Nilabas niya ang phone niya at mukhang may tatawagan kung hindi ko lang siya pinigilan.

"Meron ako sa bahay Caelum." Hinawakan ko ang kamay niya at kinuha ang phone para patayin ito. "It's not enough." Akmang aalisin niya ang kamay ko pero hinigpitan ko ang hawak.

"Marami akong stocks sa bahay, okay? Hindi mo na kailangan mag-order tsaka bilisan na natin. Nagugutom na ako." When he heaard that I'm hungry, he looked at me worriedly.

"May masakit ba? Tara na kain na tayo." Umiling ako sa tanong niya. "Where do you want to eat?" Tanong nito sakin.

"Lugaw." Sagot ko sa kanya at tumawa siya sa sagot ko. Tinapik niya ang ulo ko bago kunin ang cart at itulak ito.

"Let's go Asteria." Sabi niya kaya sinundan ko siya. Walang pila kaya naman ay dirediretso lang kami.

"Eight thousand pesos po." Kanina ko pa nilabas ang card ko kaya ibibigay ko nalang, pero hinawakan ni Caelum ang kamay ko at binigay sa kahera ang card niya.

LowkeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon