CHAPTER 100 : So it's You?!

5 1 6
                                    

Nagchi-chill lang si Sean at JC sa kanilang Roof Deck / Rooftop Terrace. as usual random topics na napaguusapan bigla and may bardagulan din ofcourse. hindi rin maiiwasan na mapagusapan din nila ang mga nangyari sa kanila noon, hindi nila lubos maisip na andami na pala nilang pinagdaan at hanggang ngayon eh nananatili parin silang matatag.

Una ang mga napaguusapan nila ang ay mga nakakatawang pangyayari sa kanilang buhay, sumunod dyan ang mga nakakalungkot, isa na dyan ang pagkamatay ng matalik na kaibigan ni JC na si Monserrat, hindi maiwasan ni JC na maluha dahil antagal na rin pala simula nung mawala ito.

Nakamit nga nito ang hustisya ngunit walang araw na hindi nya ito naiisip, nagdadasal nga sya bawat gabi na sana ay makakwentuhan nya ito kahit sa panaginip manlang dahil nagaalala sya sa kung anong kalagayan nito ngayon.

Hanggang sa napagusapan nilang muli ang kanilang panaginip, 'yung panaginip na may mga tao at 'yung mga tao na yun ay sinabi sa kanila na, magkikita pa silang muli sa hinaharap.

" may weird feeling na naman ako " ani JC

" what is it naman? " tanong ni Sean

" remember my dream that i told you? 'yung guy sa dream ko? " tanong naman ni JC

" yes, ano naman kinalaman nito sa weid feeling mo? " tanong muli ni Sean

" parang feeling ko eh nangyari na? " tugon ni JC

" Nameet mo na sya? " ani Sean

Tumango lamang si JC, napaisip sya kahit hindi nya makita ang mukha nito ay tandang tanda nya ang physical structure nito at kung papaano ito manamit , kung gaano ito katangkad at kalinis tignan.

Ganun din ang nasa panaginip ni Sean noon, may mahabang buhok ito na kulay brown, may halo itong blonde sa ibabang bahagi, siguro ay nakuha sa magulang , maayos din ito manamit at malinis tignan, may katangkaran din ito.

Ang personality naman nila ay, kaugali rin nila mismo, si Sean na masipag sa pagaaral non at masipag sa buhay ngayon, mapagmahal sa pamilya, sa kaibigan , mabait at matalino. ayan ang personality ng lalaking nasa panaginip ni JC. Ang babaeng nasa panaginip naman ni Sean ay kagaya ng personality ni JC. Sweet, Caring, Honest, Kind, Smart eto ang mga personality nung babae na iyon, ang weird nga lang dahil hindi nila masyadong makita ang mga mukha nila, hindi tuloy nila malaman kung anong ekspresyon o emosyon ang ipinapakita nito.

" nagtatry na rin ako magjoke nun eh, sumagi ka sa isip ko one day na what if ikaw pala 'yung taong mamemeet ko in the future ? " paliwanag ni JC

" buti na lang din kamo hindi ako nagdedecide ng basta basta, nanghihingi muna ako kay God ng sign " dagdag pa nito

" coincidence ba talaga? ginawa ko rin yan eh " saad ni Sean

" baka magkakonekta utak natin? " saad ni JC

" baka nga pero sa tingin mo? nameet na natin 'yung mga tao sa dream natin? " tanong ni Sean

" i am not sure , pero alam mo what's funny? " tanong ni JC

" ano yun? " tanong naman ni Sean

" when i ask God for signs about the guy in my dreams , lagi kang sumusulpot , don't tell me magkaparehas na naman tayo? " ani JC

Napatango na lamang si Sean sa gulat, ultimo si JC ay nagulat din sa sobrang daming coincidence na nangyari sa kanila.  Hindi talaga nila inexpect 'to at all.

" Magmula nung umuwi ako dito galing States nanghingi ulit ako ng Sign na if mameet ko man in person 'yung guy sa Dream ko eh papakasalan ko, sya yung nakasama ko mula paglaki  "  Ani JC

" ako naman kung mameet ko man 'yung babae sa dream ko in person, nakasama ko sya sa paglaki at magcoconfess din sya sa akin na ako 'yung gusto nyang pakasalan " ani Sean

Nakangiti lamang sila habang nakatingin sa malayo, hanggang sa narealize na nila ang kanilang mga sinabi, ang tinutukoy nilang mga tao sa kanilang panaginip ay sila mismo. doon lamang nila napagtanto na nakilala na nila ang isa't isa at natupad na ang mga sign na kanilang hiniling.

dahan dahan silang nagkatinginan, kita ang gulat sa kanilang mga mukha, napatakip naman si JC sa kaniyang bibig, tinanggal nya rin ito. Si Sean naman ay gulat na gulat.

" Are You the Person in My Dream?! " sabay nilang tanong

" The Sign that I Wish Came True " sabay muli nilang Saad

" So it's You?! " sabay nilang saad sa huling pagkakataon.

Finally at nalaman na nila ang kasagutan kung sino nga ba ang nasa panaginip nilang dalawa, talaga nga naman na kapag itinadhana kayo sa isa't isa eh pagku-krusin ang inyong mga landas.

Ito ang pangyayaring hinding, hinding , hinding , hinding , hindi makakalimutan ni JC at Sean dahil sobrang tagal din silang nabagabag ng dahil dito.

Pero sa wakas ay nakilala na rin nila, napangalanan na rin nila ang mga misteryosong tao sa kanilang panaginip noon. Masasabing, makakahinga na din sila ng maluwag.

Author EM ♡

PS: There is a surprise in the 2nd Bonus chapter.

I Just wanted to thank all of my readers especially my Bestie who reads this story from the beginning up to the end.

Fact is that this story is dedicated for him, it is not planned actually, this story just came into my mind and i told him that i can make it as a story and he agreed.

Another thank you for him because he gaves me ideas and also he made the story book cover here as you can see he is very talented.

that's it for tonight's chapter even if its 12 am already. see you in the 2 bonus chapters!! ♡♡♡

Nice to Meet You Again, My Universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon