CHAPTER 48 : BAD SIGN

5 2 0
                                    

Matapos Ang kasal ni Dylan, he and Herrah flew back to Paris France for their honeymoon, dito na nga sa pinas ikinasal, syempre dapat meron din sa country nung asawa. Sumunod din Doon Ang parents ni Herrah at Dylan, syempre para makapag relax and enjoy na rin.

Sila Sean at Ang iba pa nilang family members Ang naiwan dito sa pinas. Hindi muna sila pupwedeng magbibiyahe dahil buntis muli si JC, baka mapano pa ito, takot sya na baka madisappoint si Amari sa kaniya. Kahit ganun, priority nya parin Ang mga anak nya. Hindi pa rin alam nang kanilang pamilya na buntis muli si JC.

~ GARDEN ~

Naglalakad lang sa garden si JC, nasa loob naman ng kanilang Bahay si Sean, Amari, ibang katulong at mga pinsan nya, hindi na sya nagpasama dahil magpapahangin lang naman sya.

" Iha, buntis ka? " tanong nang Isang Boses

Napalingon naman si JC sa kaniyang likuran, hinahanap kung saan ito nanggaling. Ilang lingon pa ay natagpuan nya rin ito, nakikita nya Mula sa kaniyang kinatatayuan Ang Isang matandang babae, maayos Ang kasuotan, malinis, walang bahid nang kahit anong sugat.

" Sino po kayo? " takang tanong ni JC
May high security sila kaya imposibleng makapasok o makapuslit Ang matanda sa kanilang Hardin, natatakot si JC na baka Isa itong mamamatay tao o magnanakaw

" Huwag kang mag alala iha, hindi ako gaya nang iniisip mo " sadd nito habang nakatingin Kay JC. Dinig Ang Boses nito dahil silang Dalawa lamang Ang nasa Hardin.

" Sino ka ba talaga? " tanong ni JC sa kaniyang isipan, gulat naman sya dahil sinagot nang matanda Ang kaniyang tanong, ipinagtataka nya pa dahil sa isipan nya lamang ito tinanong

" Huwag kang magtaka, oo, nababasa ko kung ano Ang nasa isipan mo, mga tanong, problema at kung ano pa, at hindi ko maaaring sabihin sa iyo kung sino ako, andito lamang ako upang magbigay nang babala sa iyo " paliwanag nito

" Babala? Ano pong babala? " tanong ni JC

Seryoso naman nakatingin Ang matanda sa kaniya, ganoon din sya dahil gusto nya rin malaman kung anong babala ba Ang ilalahad nito. Pero nagsisisi syang malaman Ang dahilan.

" iha, kahit anong ingat mo, may mangyayaring masama sa mga anak mo, hindi sa mga anak mong babae kung hindi sa mga anak mong lalaki, hindi ko Alam kung anong dahilan ngunit kahit anong pagiingat mo sa mga ito, nanganganib sila " paliwanag nang matanda

Naalis naman Ang atensyon ni JC dito dahil gulat sya, papaano nyang nalaman na buntis si JC? At mga lalaki pa Ang mga magiging anak nya, at papaanong nasa panganib Ang mga ito? Naguguluhan na ngayon si JC, dapat lamang ay magpapahangin sya ngayon pero napalitan ito nang problema.

Magtatanong pa sana sya ngunit pag lingon nya wala na Ang matanda, hinanap nya ito sa kahit saang sulok pero bigo sya, naglaho ito na parang bula, iniwan nya si JC na gulat, Puno Ng tanong, may takot.

" ano po ibig nyong sabihin? " tanong ni JC

" Hala, nasaan na kaya si Lola? " tanong muli nito sa hangin

Hindi na nagtagal si JC sa kanilang Hardin dahil iba na rin Ang kaniyang kutob, talagang delikado, hindi nya alam kung papano nya ito sasabihin Kay Sean dahil alam nyang pati ito ay mamomroblema.

Bago pa sya tuluyang Maka alis, may narinig syang pabulong na tinig, nung kaniya itong marinig, she felt.... Safe, sa salita pa lamang nang tinig, alam nyang hindi sya mapapahamak

Siguro......

Baka.....

Oo?.....

Hindi...

" Babantayan kita, hanggat kaya ko "

Ramdam nyang safe sya pero kinilabutan parin, syempre, sino kaya iyong matanda na bigla na lamang susulpot sa Hardin nila at magbibigay nang babala? At alam Ang mga detalye tungkol sa kaniya.

Pero, may mangyayari kayang masama sa mga anak nya? Kung meron man ano ito? Papano nya ito mapoprotektahan kahit sinabi na nang matanda na kahit anong ingat o pagprotekta nya ay malalagay parin ito sa panganib, naiiyak sya na nagagalit.

Sa kabila ng iyon, mas pinili nya parin Ang kapakanan ng mga anak nya, lalong lalo na Ang kalusugan nya, sakaniya nakasalalay kung mabubuhay Ang mga ito o hindi.

~ MASTERS BEDROOM ~

Mabilis na nakatulog si JC, hindi parin nya maiwasan na isipin Ang nangyari kanina, kada maiisip nya ay lalo syang kinikilabutan, lalo syang natatakot.

Habang natutulog, nakarinig muli sya nang tinig. Tinig na hindi nya malilimutan kahit kailan

" Sino ako? ako Ang bantay mo "

Nice to Meet You Again, My Universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon