CHAPTER 66 : CONFRONTATION

4 1 0
                                    

Sobrang gusto na itanong ni Kia at Amari Ang totoo sa grandparents nila, kung bakit may ganoon sa Bahay nila, kung bakit may secret, kung bakit itinago sa kanila ito.

~ AT THE GARDEN ~

“ ate? Are you sure about this? Mukhang ikaw naman itong magpapadalos Dalos ah ” Saad ni Amari

“ just shush Amari, syempre hindi agad agad, hahanap muna ako ng tiyempo upang maconfront sila ” tugon naman ni Kia

“ if you say so, atat na din kasi ako malaman eh sa totoo lang ” wari ni Amari

“ atat ka na? Oh mag antay ka, ikaw na mismo nagsabi 'wag magpadalos Dalos ” Saad ni Kia dito

“ pero may plan ka na ba? ” biglaang tanong ni Amari

“ wala pa, but I'll think about it rin ” tugon ni Kia

“ this is insane ate, para talaga tayong mga detective ” wari ni Amari

“ aba sinabi mo pa, and sa totoo lang, madalang sa pamilya 'yung may mga ganitong scenario ” Saad ni Kia

“ sabagay, kasi 'yung iba eh Ang gagaling talaga itago eh, nakakamangha ” komento ni Amari

“ basta I won't stop hanggat hindi nagkukwento si Grandmom ” wari ni Kia

“ me too! Sobrang curious ko na tuloy ” dagdag ni Amari

~ TIME SKIP ~

Nasa Sala naman Ang lahat, si Kia at Amari ay Hindi nagpapahalatang may gustong malaman, silang Dalawa pa lang kasi Ang nakakaalam tungkol sa sikreto, syempre baka kung ano isipin Ng iba nilang kamag anak, baka sabihin ay kung ano anong tinuturo ni JC, o kaya'y wala na sa tamang pagiisip Ang Dalawa.

Nasa bandang gitna Ng Sala Ang kanilang grandparents, nagiisip na si Kia kung papaano nya makakausap in private Ang mga ito at lalo na't kung papaano nya ito makokompronta.

Nagtatago naman si Kia at Amari sa Isang pintuan, ngunit kita nito Ang buong Sala, Isa ata ito sa secret room sa Bahay nila kung hindi ako nagkakamali.

“ Ate, ano na? ” bulong na tanong ni Amari

“ shush Amari, nagiisip pa ako ” tugon ni Kia habang focused sa pagiisip, may naiisip naman syang paraan ngunit kapag gagawin nya na eh ayun nawawala rin.

Si Amari naman na katabi nya'y naiinip na rin, Hindi sa pagbabantay sa kanilang grandparents kundi sa pagiintay Kay Kia na makaisip nang paraan upang makompronta nila Ang kanilang grandparents.

“ argh! Ate! Matagal pa ba 'yan?! ” pasigaw na tanong ni Amari

Mabuti na lamang at soundproof Ang kwartong pinagtataguan nila kundi ay baka nahuli na sila ngayon.

“ Alam mo Amari, kapag hindi ka pa tumigil sasampalin na talaga kita ” wari nj Kia

Walang nagawa si Amari kundi Ang tumahimik at magtiis, alam nya namang Hindi nagpapadalos Dalos si Kia sa kaniyang mga desisyon, sobrang magkaiba silang Dalawa.

Maya Maya pa ay napansin na nilang umonti na Ang mga Kasama Ng kanilang grandparents sa sala. Kaya't lumabas na silang Dalawa, dumaan sila sa harap Ng mga ito, at sumenyas na gusto nilang makausap Ang mga ito in private.

Nagtungo na Ang Dalawa sa Isang private room, pero bago pa man sila makarating ay narinig nilang Saad nang kanilang Grandmom “ if you'll excuse us, gusto kaming makausap nang mga apo namin ”.

@ The Private Room
Nakaupo lang si Kia at Amari sa sofa, inaantay nila ang kanilang grandparents, and they're not disappointed kasi dumating din Ang mga ito.

Pinaupo muna Ng Dalawa Ang mga ito, at Saka nagantay nang ilang minuto bago magsalita o bago nila iopen Ang tungkol sa kanilang nalaman.

“ what's wrong with the both of you? ” seryosong tanong nang kanilang granddad

“ yes, your actions are very unusual to be honest ” dagdag nang kanilang Grandmom

“ well, ate should tell you about it ” Saad ni Amari. Tumingin naman ito sa kaniyang ate na kanina pa seryoso Ang ekspresyon

Kia cleared her throat before speaking, and she can tell that her grandparents were very intrigued on what she will say.

“ as Amari said I should be the one telling you about this, to be honest it's so random yet so weird that we found this out ourselves but both of us weren't convinced on what we found, we need more answers to our questions because we have many ” paliwanag ni Kia

“ okay, we're listening ” Saad nang kanilang Grandmom

“ Grandmom, do we have any family secrets that you don't tell us? Perhaps clues that you've hidden in different areas, rooms or places in the house? ” seryosong tanong ni Kia

Nakita nya naman na medyo kinabahan ito, at nagulat, sa isip isip nya'y imposible naman na magtanong Ang mga ito kung hindi nila nahanap Ang mga clues. Imposible din na macurious sila about dito.

“ what are you talking about Kia dear? ” tanong nito Kay Kia

“ about the Family's Secret ” simpleng tugon ni Kia

“ we don't have any secrets dear ” sabay naman ng kanilang Granddad

Ngunit hindi parin nagpatinag si Kia, alam nyang mayroon silang tinatago na hindi nila alam, kutob nya na need nilang malaman kung ano iyon dahil kung hindi, patuloy silang babangungutin nito.

“ come on Granddad, Grandmom, stop playing games with us ” seryosong Saad ni Kia

“ Well, let me ask how did you know about the clues? ” tanong nang Grandmom nya

“ it's complicated to tell you ” tugon ni Kia

“ How did you became curious about this? ”

“ what's your reason why you want to know? ”

“ who told you about this? ”

“ do you have any proof that WE DO have a family secret? ”

Sunod sunod na tanong nang kanilang Grandmom

Magtatanong pa sana ito upang guluhin Ang isipan ni Kia ngunit mautak si Kia.

“ Grandmom stop na po please, I'm not the one answering questions, You Are. ” Ani ni Kia

“ wait, what's this all about anyways? ” tanong nang kanilang granddad

“ Well to know the family secret ” Saad ni Amari

“ and to confront you ” dagdag ni Kia

Kinabahan naman Ang kanilang grandparents, Hindi nga sila nagkakamali Ng hinala, alam na nga ni Kia at Amari na may family secret sila, at nahanap nito Ang mga clue, kahit na ikinatago tago nila ito, Hindi lang Ang mga clue sa library kung hindi Ang sikreto mismo na ikinatago tago nila Ng sobrang tagal sa kanilang pamilya.

Kaya hindi na sila magtataka na may makatuklas nito at may gustong umalam man lang, may makapag konekonekta sa mga clues, mga image, mga sulat, mga drawing at kung ano ano pang may kinalaman sa past na konektado sa kanilang pamilya.

Hindi na makatatakas Ang kanilang grandparents, huli na Ang lahat, siguro nga'y ito na Ang tamang panahon upang malaman nila Ang katotohanan, wala narin naman silang magagawa, Hindi na sila makakapag palusot pa dahil Ultimo nga mga clues ay nahanap na nila Kia.

Siguro si Kia at Amari lang muna Ang makaka alam nito, Hindi pa nila kayang sabihin Kay Sean at JC lalo na sa kanilang mga balae. Hindi naman nila pupwedeng biglain Ang mga ito dahil hindi naman nila alam kung ano Ang kanilang magiging reaksyon.

Lalo na Kila Kia at Amari, kailangan pagisipan muna nila bago nila ikwento, himay himayin na lamang siguro nila Ang bawat bahagi upang maintindihan naman ni Kia at Amari Ang sagot na matagal na nilang hinahanap.

Author EM ( Choi Eon )







Nice to Meet You Again, My Universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon