Chapter 1 MONTECARLOS
"Gianna!" nilingon ko ang pamilyar na boses ng babae.
Ngumiti ako kay Trish Regan Monteverdi— my best friend. She's with one of our knights: si Damon Griffin Villazanta. Nakangiti sila sa akin at yumakap.
"Grabe ka-miss ka, huh! Kwento ka naman sa kaganapan na buhay mo sa New York!" Ngisi ni Trish. Ngumiti din ako sa kanila.
"Kayo na bahala sa kapatid ko." Walang emosyong sabi ni Lucian. Ngumiti at tumango si Trish.
Bumaling sa akin ni Lucian at matamis na ngumiti.
"I'll go now. Behave, huh?" Ngumiti din ako at tumango. Hinalikan n'ya ang noo ko bago umalis.
"Grabe, sana ako din." Sabi ni Trish na ngayon ay nakatingin sa likod ng aking kapatid.
"So, ano? Nung bakasyon ay di kami nagtravel. Ang boring tuloy. Buti ka pa." Bumaling s'ya sakin at kumapit sa braso ko. Tumabi naman si Damon sa akin at nakapamulsang naglalakad.
"Uhh... Pumasyal lang naman kami. Boring din kung iisipin pero marami din kasing pwedeng puntahan kaya nakakaaliw din." Ngumiti ako at tumango.
Ngumisi din s'ya.
"By the way, Damon, kilala mo yun?" Bumaling s'ya kay Damon na nilingon naman s'ya.
"Alin? Sino?" Nangunot ang noo n'ya.
Malaki ang katawan ni Damon katulad ng iba pa naming kaibigang lalaki kumpara sa ibang boys sa batch namin. Maihahalintulad ang katawan n'ya sa seniors namin dahil matangkad din s'ya.
Gwapo si Damon. Mukhang mature na ang mukha pero hindi masagwang tingnan. He's friendly and... Playboy.
"Yung transferee daw dito? Yung kaklase natin?" Nag isip sandali ni Damon bago pinitik ang daliri.
"Ahh! Yung Henderson!" Kumunot ang noo namin ni Damon.
"Bakit?" Tanong n'ya kay Trish.
"Gwapo daw kasi..." Bumungisngis si Trish na agad sinabunutan ni Damon.
"Aray ko, Damon!" Tinampal nito ang kamay ni Damon na hinihila ang ibang strands ng buhok n'ya.
"Ako lang ang maraming chiks sa grupo, Trish. H'wag mo nang pangarapin ang dayuhan na yun kung ayaw mong magwala si Castor." Si Castor ay isa sa kaibigan namin na boyfriend ngayon ni Trish.
Ngumiwi lang si Trish at umirap.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa umupo sa upuan na parang hagdanan sa loob ng classroom.
Medyo maaga pa kaya iilan pa lang sa prof ang nandito.
Hindi rin naman nagtagal ay tumunog na ang bell at pumasok na lahat ng studyante sa kanikanilang classroom.
Halos napuno na din ang mga upuan pwera sa bandang likod sa taas ko na empty.
Si Damon ay nanatili sa tabi ko at ganon din si Trish.
"Good morning, students." Isang matangkad na katamtaman ang payat na lalaki ang nagsulat ng kanyang pangalan sa white board.
"Professor Joey Almazan." Basa ko sa nakasulat. Pagkatapos ay binalingan n'ya kami at saktong bumukas ang pintuan.
Natahimik ang lahat sa tatlong lalaking pumasok. Patay kung tumingin ang mga mata ng nauna. Ang ikalawa ay walang emosyon ang ikatlo ay opposite ng dalawa.
Nagtama ang paningin namin ng nauna ng dumaan sila sa row namin para maupo sa likod namin.
"Who are they?" Halos 'di na marinig ang boses ko.
Humilig sa'kin si Trish.
"Si Henderson ang isa d'yan, promise." Ipit itong tumili.
Ilang sandali ay tinawag ng professor ang tatlo sa likod para magpakilala. Nagtilian ang lahat lalo na dahil ngumiti ang kaninang ikatlong pumasok sa kanila.
"Hi, good morning! My name is Cloudeon Ian Romualdo." Pakilala n'ya at ngumiti.
Sumunod ang ikalawa.
"Pantaleon Lazarus Salvatore." Wala pa ding emosyon ang mga mata n'ya.
Huli naman ang nauna.
"Kalvin Henderson." Umigting ang bagang n'ya na parang ikinagagalit n'ya ang humarap sa amin. Nagtama ulit ang paningin namin at tinaasan n'ya ako ng kilay. Bapabaling ang ilan sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Nangilabot ako sa lalim ng boses n'ya at sa paraan ng pagtingin n'ya.
Tinawag din ako ni Sir para magpakilala dahil hindi naman ako dito nag aral nung grade nine ako.
Tumahimik ang mga kaklase namin ng nakarating ako sa unahan. Nginitian ako ng prof kaya nginitian ko din s'ya.
"Uhmm... I'm Gianna Ellia Montecarlos." Kinagat ko ang labi ko ng nagsinghapan ang mga kaklase ko at nagbulungan.
Mariin akong pumikit.
YOU ARE READING
Cold Beast [COMPLETED]
Action"Sana... maliwanagan ka na din. dahil hindi na kita mapapaliwanagan." tiningnan ko ang sunrise. mataas na ito. "Dahil pag balik ko..." binalingan ko sya at nakitang nakakunot ang noo nya. ang dalawa ay nakatingin sa kanya. "Hindi mo na ako makikita...