Chapter 46

137 4 0
                                    

Chapter 46

Tumaas ang kilay nya sa nakita sa hapag.

"I learned about cooking this. Nahirapan ako kahit madali lang dahil gusto ko perfect ang pagkakagawa ko." I said. It is a heart shaped leche flan. Ngumisi sya at umupo.

"It's my favorite." Kumuha sya ng kutsara at tinikman iyon.

"I know. Nalaman ko nung highschool tayo." Kinagat ko ang daliri ko habang naghihintay sa sasabihin nya.

"It's..." Napangiwi ako.

"Kelan ka nag aral magluto nito?"

"N-nung nasa London ako." Ngumisi sya.

"Kahit pala galit ka sakin ginawa mo pa din? Mahal mo talaga ako, 'no?"

"A-ang kapal mo naman!" Humagalpak sya sa tawa at hinapit ang bewang ko.

"It's good. Pwede ka na magluto para sa akin mula ngayon."

"Duh? Marunong ako magluto! Dyan lang ako di confident dahil..."

"Dahil paborito ko ito? At natatakot kang hindi ko magustuhan?" Ngumuso ako at umupo sa lap nya.

"Yep." Nahihiya kong sabi. Ramdam ko ang paninitig nya sa akin. Mas lalo akong nahiya.

"Ang isang kinatatakutan na mafia Queen, nahihiya sa harap ng isang katulad ko." Sinamaan ko sya ng tingin at inirapan.

Mahina syang tumawa at hinalikan ang pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ko. I never recall him doing that to me.

"Nahalikan mo na ba si Erica?"

"Why?"

"Yan ba sagot mo?"

"Why?"

"Nevermind!"

Tinulak ko sya at tumayo na.

"Where are you going?"

"Uhm... May usapan kami ni Blake." Hinawi ko ang buhok ko. Ramdam ko ang nanunusok nyang tingin pero di ako lumingon.

"San kayo pupunta?"

"Di ko alam sa kanya."

"Sasama ako-"

"Wag na!" Gusto kong matawa sa reaksyon nya. Para syang offended.

"Gianna, remember that you're my fiance!" Mariing sabi nya habang nagdudugtong ang kilay.

"And so?"

"And so?!" Tumayo sya. "Are you gonna date that motherfucker?!"

"Bakit hindi?"  Natigilan sya ng makita ang ngiti ko.

"You're pranking me?" Umiling ako agad.

"No. Sa salon kami pupunta. Magpapapedi din sya." Tumaas ang kilay sya.

"Hmmm?" Sinabit ko ang kamay ko sa balikat nya.

"Blake is gay."

"Lalaki pa din 'yon! I don't trust him!"

"Because he's man?"

"Yes. Men don't trust men because we know what a man can do."

"Sumama ka." I played his hair with my fingers.  He crouched a bit so that his lips would touch mine.

"Let's take a bath."

"Sige, mauna ako."

"Sabay na tayo para makatipid." Agad ko syang hinampas sa braso dahil sa sinabi at tumakbo paakyat sa hagdan. Tumawa sya at hinabol ako.

"Baby, open the door!" He said teasingly. Ngumiti ako at umirap.

"Bahala ka dyan!" I shouted. Mabilisang ligo lang ang ginawa.

Cold Beast [COMPLETED]Where stories live. Discover now