Chapter 5

169 10 0
                                    

Chapter 5

Mabilis nagdaan ang mga araw at patapos na ang first sem.

Marami na din akong kilala pero halatang umiiwas ang iba dahil Montecarlos ako.

Pero meron din namang nakikipag kaibigan kahit papaano.

"Hi!" Nag angat ako ng tingin sa lalaking umupo sa harap ko sa tabi ni Trish.

"Hello." Trish replied friendly.

"I've been watching you for so long. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin 'to." Nanatili ang mga mata ko sa libro pero nakikinig ako sa dalawa.

Naghiyawan ang mga ibang tao sa library kahit hindi pwede ang maiingay.

"I like you, Trish. I like you a lot." Mataman na sabi ng lalaki.

Malaki din ang katawan pero walang wala kumpara kay Castor.

"Can I court you?" Binalingan ko na sila.

Tinaas ni Trish ang kilay.

"I have a boyfriend." Masungit n'yang sabi.

"But I like you, Trish."

"I don't care! And I don't even know you!" Umirap s'ya at lumipat sa tabi ko.

Dumilim ang tingin ng lalaki.

"I'm Dylan... Cheat with me, Trish." I tilted my head.

Hindi mapagkakatiwalaan ang isang to.

Nagbasa si Trish.

"No, thanks! I'm fine with my man!"

Dismayadong sumigaw ang mga kaibigan.

"Pinahiya mo ako sa harap ng mga kaibigan ko Trish..." Mariin n'yang sabi.

"Ikaw ang nagpahiya sarili mo, Dylan. Ikaw ang lumapit." Irap muli ni Trish.

Umalis si Dylan at diretsong lumabas. Sumunod naman ang mga kaibigan.

"Ang pakipot mo naman, Trish!"

"Oo nga! Ang gwapo kaya ni Dylan!-"

"Eh, kung gusto n'yo, kayo na lang!! I'm fine with Castor." Nginiwian n'ya ang mga ito.

"Si Castor Craven ang boyfriend mo?!" Gulat nilang tanong.

"Ay hindi!" Hinila na n'ya ako palabas.

Cold Beast [COMPLETED]Where stories live. Discover now