Chapter 24
"hi daddy!" niyakap ko sya mula likod.
"princess." he smiled
"how's your vacation."
"uhmm ayos lang po." ngumisi sya at nilahad sa akin ang upuan.
nilingon ko si Frost at tinaasan nya ako ng kilay bago lumapit.
"I'm glad that you enjoyed." tumango ako at umupo.
si Frost ay umupo na din sa tabi ko. kaharap ko si mommy at kaharap ni Frost si ate.
"dad! pagsabihan nyo nga po si mommy!" ngumuso ako pero nag ngiting aso lang si mommy.
"why princess?" sinulyapan nya si mom.
"hinahanapan ako ng apo." natigilan si daddy bago humagikhik. mas lalo akong ngumuso.
"oh? Wala pa ba?" tumawa sya at tinapik ang balikat ko.
"akala ko naman ay meron na." kumunot ang noo ko.
seryoso ba ito?! talagang pinagkakanulo na nila ang dyamante ko?
"Kay ate kayo humingi." sumubo ako ng cabbage.
"eh yun nga, hija. Kaya hinahanapan ka na din namin."
*coughs*
"mama! buntis si ate?!" nanlaki ang mga mata ko at naubo ulit.
natawa si Frost at binigyan ako ng tubig. agad ko iyong ininom.
"oo, Gia." nalaglag ang panga ko.
"oh... my... GOSH!" napatili ako nang magsink in sa akin ang nangyayari.
"Hindi ba at gusto ni Lucian ng pamangkin o kapatid?!" natigilan ako at napakurap kurap.
"Wife, where is Lucian by the way?" tanong ni Frost at uminom ng tubig.
nakatuon ang atensyon nila sa akin ngayon.
tumikhim ako at ngumiti.
"Hindi namin sya kasamang umuwi." I said with a mark of finality.
tumango sya at kumain ulit.
sinulyapan ko sila at kita kong nakangiti sila ng malungkot. I tried to smile too.
Hindi ko pa kayang sabihin na wala na ang kapatid ko.
*
"ingat ka." ngumiti sya sa akin at pinatakan ako ng halik.
napangiti ako at kinawayan sya.
hinatid ko sya ng tingin bago pumasok.
wagas ang ngiti ni Daddy nang makita ko sya.
"thank you, daddy!" hinalikan ko sya sa pinsgi at niyakap ng mahigpit.
"anything for you, my princess." hinalikan nya ang ulo ko.
pinag usapan namin ni daddy ang tungkol sa mga nangyari sa Palawan at natutuwa daw sya na masaya ako dun.
Natulog ako pagkatapos ng dinner at maagang nagising kinabukasan para sa school.
"Hey!" niyakap ko si Damon.
"Good morning, monmon!" tumawa sya at ginulo ang buhok ko.
"naaalala mo pa pala ang tawag mo sa akin nung bata pa tayo?" ngumisi lang ako at naglakad na papasok sa classroom.
nakita ko sa labas ng classroom si Erica kasama si Kathy. si Erica ay umiiyak habang nakatingin ng masama sakin si Kathy.
"Erica..." kinabahan ako ng magtama ang paningin namin.
niyakap nya ako at humagulgol.
"E-erica, what's wrong?" umiling sya at humigpit ang yakap.
"hiniwalayan ako ni Frost." nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
bakit naman hihiwalayan ni Frost si Erica? Hindi ba't sabi nya'y mahal na mahal nya ito?
"huh? bakit? hindi ba maayos naman kayo nung nasa Palawan?"
"Yun nga, Gianne. hiniwalayan nya ako kinabukasan nun." nangunot ang noo ko.
Kaya ba walang Erica ang nagpakita nung mga araw na masaya kami?
"please Gianne! Hindi ba't malapit kayo ni Frost? please sabihin mo naman sa kanya oh... sabihin mo na mag usap kami, please?" humagulgol ulit sya.
"Bakit ka nya hiniwalayan? diba mahal ka nya?"
"Hindi ko alam, Gianne." sinulyapan ko si Kathy. she's glaring at me.
what the fuck? Kung ako si Gianne, baka binasag ko na yang bungo mo.
hinila na ako ni Damon paalis dun.
"Ano kayang nangyari?" inakbayan nya ako.
"wag ka ng makisali dun. problema nila yun." Hindi ako umimik at umupo na sa upuan.
alam kong mali pero para akong nabunutan ng tinik sa nabalitaan ko.
sa hapon ay nakita ko si Frost.
nakangiti sya sa akin at naglahad ng kamay para sa yakap.
naroon kami sa shed katapat ng pinangyarihan ng insidente noon.
naiimagine kong nakakunot noong si Lucian habang nakatingin sa amin.
I'm sorry bro, pero mahal ko sya.
YOU ARE READING
Cold Beast [COMPLETED]
Action"Sana... maliwanagan ka na din. dahil hindi na kita mapapaliwanagan." tiningnan ko ang sunrise. mataas na ito. "Dahil pag balik ko..." binalingan ko sya at nakitang nakakunot ang noo nya. ang dalawa ay nakatingin sa kanya. "Hindi mo na ako makikita...