Chapter 33
"Naglaslas yata. Ang daming dugo sa pulsuhan. Maputla na din."
Para akong biglang lumutang dahil sa balitang narinig.
Damnit!
"Galit na galit si Kaizer, bra. Kulang na lang ipagiba n'ya ang buong school." Umiling s'ya.
Tahimik ako buong araw.
It's because of Erica. Damnit! Kung hindi n'ya iyon pinagkalat, hindi mabubully si Gianna. Hindi aabot sa ganito.
"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo sa asawa ko?!" Mariin kong tanong kay Erica hapon sa araw na iyon.
Mangiyakngiyak s'ya dahil sa higpit ng hawak ko sa kanya.
"B-Babe, nasasaktan ako-"
"Kasalanan mo ang lahat ng ito! Kung hindi ka nakisali sa away naming mag asawa, hindi s'ya mapapahamak!" Tuluyan ng tumulo ang luha n'ya pero binalewala ko iyon.
"Frost, ako ang mahal mo hindi ba? Bakit sinasaktan mo ako dahil sa kanya?" Humagulgol s'ya sa harap ko.
"Hindi ako magmamahal ulit ng katulad mo!" Binitawan ko s'ya at nakita kong unti unti s'yang nagpadausdos sa pader.
"Mahal lang naman kita kaya ko iyon nagawa!" Natigilan ako.
Ganyan din ang sinabi n'ya sa akin. Fuck! What the hell?!
"At dahil sa pagmamahal mo, may napahamak!"
"Kasalanan n'ya iyon dahil nakisali s'ya sa relasyon natin! Inagaw ka n'ya sa akin!"
"Kasal kami, Erica. Tayo, hindi." Tinalikuran ko s'ya at pinaharurot ang sasakyan papuntang eksklusiv.
Matapos ang araw na iyon ay hindi ko na nakita si Gianna. Fuck! Akala ko ba mahal n'ya ako!
"Sabi sayo, pare eh. Lahat ng tao may kanya kanyang paraan ng pagmamahal. Pero halos magkakapareho ng dahilan sa pagkakatahimik. Una, pagod na. Ikalawa, narealize n'ya na mali kaya titigil na. Ikatlo, sawa o suko na. Kaya ngayon, Frost. H'wag mo akong gagawing tissue dahil may date pa ako mamaya." Sinamaan ko lang ng tingin si Leon.
"Fuck you!"
"Patransgender ka muna." Agad n'yang pinag ekis ang braso nya ng akmang susuntukin ko s'ya.
"Oh! Joke lang!" Tawa n'ya.
Tinapik ako ni Cloud kaya binalingan ko s'ya.
Nginuso n'ya sa akin ang bukana ng rooftop kaya napatingin ako dun.
Kumunot ang noo ko.
Nakablack hoodie jacket s'ya at jeans. Nakalugay ang buhok at nakafacemask.
She's welcoming the sunrise's rays.
Sa nakalipas na mga araw bakit ngayon lang sya nagpakita? Hindi ba at sabi n'ya na mahal n'ya ako? Bakit hindi s'ya nagparamdam kung ganon?
Pagod na ba s'ya? Suko na ba s'ya?
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng magtama ang paningin namin.
Ahe laughed a bit.
"Bawal bang pumunta dito? Bakit, Henderson? Sa'yo ba ito?" She playfully asked with her cold voice.
The way she called me Henderson has a hint of disgust. Fuck!
"Uh, this is his favorite place, Gianna." Nag aalinlangang sagot ni Cloud.
"Well, mister, find another because I own your favorite place." Kinunutan ko s'ya ng noo pero tumaas lang ang kilay n'ya.
"Oh! I almost forgot. H'wag na pala. Ako na ang maga-adjust." Nanliit ang mga mata n'ya dahil sa ngisi.
"But before anything else, I want to say sorry, again." Bumuga ako ng hangin at nag iwas ng tingin.
Sorry? Para saan? Dahil hindi mo mapanindigan ang sinabi mong mahal mo ako? Hell!
"Hindi na ako magpapaliwanag kasi hindi ka naman makikinig." Humalukipkip s'ya.
Ang dalawa sa tabi ko ay tumitikhim kada limang segundo.
"Buti alam mo." Malamig kong sabi na tinanguan n'ya lang na para bang alam na n'ya na magiging malamig ako sa kanya.
"Sana maliwanagan ka na din. Dahil hindi na kita mapapaliwanagan." Tinanaw n'ya ang araw na s'yang nagbibigay ng liwanag sa mukha n'yang dumidilim.
"Dahil pag balik ko." Binalingan n'ya ako.
Pag balik? Bakit? Aalis s'ya? Fuck!
"Hindi mo na ako makikita. Ako, bilang Gianna Ellia Montecarlos. Ang babaeng naging desperada para makuha ka." Umiling s'ya na parang dismayado sa sarili.
"Nakakahiya." Fuck! Nakakahiya ang alin? Na minahal mo ako?
Tinapik ako ng dalawa ng umalis si Gianna.
"Pare, wala, lumamig na s'ya." Umiling s'ya at tinanaw ang baba.
"Nakakahiya daw. Ibig sabihin, narealize n'ya na kung ano ang ginawa n'ya. Fuck! Hindi ako ikaw pero ba't parang ako yung nasasaktan?" Pagak na tumawa si Leon at tinapik ako.
"Sumuko na s'ya sayo, bra!"
YOU ARE READING
Cold Beast [COMPLETED]
Action"Sana... maliwanagan ka na din. dahil hindi na kita mapapaliwanagan." tiningnan ko ang sunrise. mataas na ito. "Dahil pag balik ko..." binalingan ko sya at nakitang nakakunot ang noo nya. ang dalawa ay nakatingin sa kanya. "Hindi mo na ako makikita...