Chapter 19

115 6 0
                                    

Chapter 19 

Sa miniloc kami tumungo para sa honeymoon kuno namin.

Walang mangyayari.

Pagkatapos ng halos isa't kalahating oras na paglipad ay naapakan ko ang kagandahan ng El Nido.

Magbo-boat riding pa kami papunta sa miniloc.

Naiwan si Luis kasama ang ibang gamit dahil tatlo lang kasya sa bangka.

Nalaglag ang panga ko ng makita ang crystal clear blue na tubig.

Ayon sa bangkero ay madalang daw ang malakas na internet connection dito. Kung may smart wifi ay pwede na. Mahina pero pwede na.

Sa 'di kalayuan ay natanaw ko sa likuran namin ang isang bangka at nakikita ko ang tatlong sakay nito.

Mukhang si Luis ang isa at ang bangkero ay sa unahan.
Hindi ko nakita kung sino ang isa pa pero ipinagkibit balikat ko na lang iyon.

Nang natanaw ko ang buhangin ay unang sumalubong sakin ay ang nakangising si Lucian. Napapikit ako ng mariin. Nililibot namin ang mundo noon.

"You okay?" Napakurap kurap ako para pigilan ang nagbabadyang luha ko.

"Yup." I just missed my brother. Tumango s'ya at bumaba na para alalayan ako.

Naglalaglagan ang mga panga ng mga tao ng nakita si Frost. Sa kisig ba naman kasi nito, eh, subukan mong umiwas kung kaya mo.

Binuksan ko ang sliding door sa cottage namin at pumasok na si Frost dala ang mga gamit namin.

May naramdaman akong presensya sa likod ko kaya patalon akong humarap sa kanya. Seryoso s'ya nung una pero napailing din.

"Dito ka din, Luis?" Tanong ko.

"Nope! Babalik ako sa Manila." Ngumisi s'ya.

"Tutal may magbabantay naman na sayo." Nilukot ko ang noo ko pero ngumisi lang s'ya.

Naguguluhan man ay tumango ako.

Umalis din s'ya at nang nilingon ko si Frost ay nakita kong nakakagat labi s'ya at nakangisi sa cellphone n'ya.

Natigilan ako.

I know it's her. Really, Frost? Pati ngayon?

Lumunok ako.

Nilingon n'ya ako at tumikhim kasabay ng pagbaba n'ya sa cellphone.

Ngumisi lang ako.

"You're cheating?" Tuluyan ko na s'yang hinarap.

"Huh?"

"We just got married... Are you cheating?" Umigting ang bagang n'ya.

"It's okay, Frost. I won't tell them." Matabang kong sabi at iniwan s'ya.

Naglakad lakad ako at tinanaw ang mga taong abala sa pagpipicture at paglalangoy.

"You wanna swim?" Nilingon ko s'ya.

Ngumisi ako. You didn't even denied it.

"Yup. But I'm tired."

Tumango s'ya.

"Me and Erica are together." Panimula n'ya. Tumango ako.

"I've seen her post." Nilingon n'ya ako at nangunot ang noo.

"Frost... You betrayed me." Tumawa ako at umiling. Nanlaki ang mga mata n'ya.

"G-Gianna." Hinarap n'ya ako.

"Kinuntsaba mo pa sina... Oh, well... Of course! They're your friends." Tumangu-tango ako at tumingin sa malayo. Tinitigan n'ya ako.

"It's just that... You should be at my side... As my husband... Specially that day..." Nilingon ko s'ya at nakitang seryoso s'yang nakatingin sakin.

"I mean... It's our... Day." Umiling ako.

"I can't imagine myself being in that situation again." Ngumisi ako.

"I'll hate boys, for sure." Umigting ang bagang n'ya.

"I understand that you don't liked it... Pero sana naman... Next time, magsabi ka ng totoo, ah?" Nginitian ko s'ya.

Siguro kung si Erica ang nasa posisyon ko noong gabing iyon... Magkabuwagan ka kayong magkakaibigan pero hindi mo ako iiwan.

Hindi s'ya nagsalita.

Umiling ako at humikab kunwari.

"Matutulog muna ako, ah?" Hindi s'ya sumagot kaya pumanhik na ako sa cottage.

Nakita kong saktong umilaw ang cellphone n'ya.

Erica:

I'm in miniloc, babe. Where are you?

Ngumisi ako ng parang baliw para matakpan ang sakit.

I get it.

Umiling ako at itinulog ang nararamdaman.

Lilipas din 'to.

Siguro infatuation lang ito.

Humanda ang mundo 'pag nakabangon ako dito.

Cold Beast [COMPLETED]Where stories live. Discover now