Chapter 18
Wala akong gana sa paglabas sa pinto. Naririnig ko ang tawanan nila sa sala. Isang fitted grey long sleeve at pants ang suot ko.
Nang naaninag ko si Frost ay natigilan ako. Nagbara agad sa lalamunan ko ang emosyon ko.
It's okay, Gianne. You married him. Sayo s'ya... Asawa mo s'ya...
Pero 'di ko hawak ang puso at isip n'ya.
Binuntong hininga ko na lang ang nararamdaman ko at nginisihan sila.
"You're ready?" Ngumisi si mommy.
"As if we're going to do something, mom." Umirap ako at ngumisi.
Umiling si ate at niyakap ako.
"Behave ka do'n, ah?" Tumango ako sa kanya.
Yumakap din si mommy.
"Ang prinsesa ko... Kinasal na." Napangiwi ako.
"Na! This... This isn't true..." Nag iwas ako ng tingin.
"Tsaka na kayo umiyak kapag... Nasa altar na ako." Ngumisi ako sa kanya ng tiningnan ko ulit s'ya.
"Loko kasi ang daddy mo, eh! Ayan at binigay mo yung first kiss mo sa... no offense, hijo, sa taong di mo naman mahal!" Ngumuso ako.
Opo, mom. Mahal na mahal. Nag iwas ako ng tingin.
"Alis na po kami..." Hinagkan ko silang muli at nagkagat labi.
Si Luis ang nagmaneho. Sa gitna umupo si Frost. I don't wanna be transparent to him... And I'm also not cool of what just happened.
I know! Alright! Nagsisimula na ang karma ko. Kahit asawa ko s'ya, kay Erica pa din s'ya.
Damn! I've seen this coming but reality hits so fucking hard!
Naupo ako sa front seat. Naramdaman ko ang paninitig ni Frost.
I love you Frost. But from all the pain I've been through... Long ago... Life taught me to love myself too...
"Why don't you seat beside your husband, queen?" Seryosong tanong ni Luis.
Luis see me as his lil sister... He's protective as Lucian kaya gusto ko din s'yang palaging nand'yan. Pero mas komportable lang talaga ako kay Kaizer.
"I just don't like... I mean... It's... Awkward."
Hindi s'ya sumagot.
"Err... We're friends, alright?" Nilingon ko si Frost na nakapikit na ngayon.
"Just in the different path..." Mahina kong dugtong.
Tumango na lang s'ya.
Sa likod namin ay may nakita akong kotse.
"Kaninong kotse 'yan?" Kinuha ko ang baril sa dashboard. Natawa si Luis.
"Easy... That's your- uhm... Basta." Pinaharurot n'ya ang sasakyan at nakita kong humarurot din ang takbo ng nasa likod.
"Damn it!" Sa lakas ng pagmumura ko ay napamulat si Frost pero hindi ko s'ya pinansin.
Nilingon ko si Luis.
"Sinusundan tayo!" Kinasa ko ang baril kaya humalakhak s'ya.
"Of course! Ikaw ang pakay n'yan!" Tawa n'ya.
"WHAT?!"
"Sino yun, Luis?!" Iritang tanong ni Frost. Naging ngisi ang tawa ni Luis.
"It's her thing, husband." Mariing sagot ni Luis.
Napalunok ako at nakita kong nag igting ang bagang ni Frost.
"Thing that you shouldn't know... So better to not ask." Lumamig iyon.
Kumunot ang noo ko.
"Luis! You're talking to my husband!" Nag igting ang bagang n'ya.
"Oh, yeah?!" Napaatras ako ng bumaba ang salamin na pumagitan samin ni Frost.
"What the..."
"Your fucking husband who cheated on you on your special day? Really?" Pumula ang mga mata n'ya.
"A guy like him will never earn my respect." Mariing sabi n'ya.
"Specially when he don't have respect for a fragile woman like you..." Natahimik ako.
"Enough..." Nabasag ang boses ko.
He whispered a curse and remained silent on the whole ride.
YOU ARE READING
Cold Beast [COMPLETED]
Action"Sana... maliwanagan ka na din. dahil hindi na kita mapapaliwanagan." tiningnan ko ang sunrise. mataas na ito. "Dahil pag balik ko..." binalingan ko sya at nakitang nakakunot ang noo nya. ang dalawa ay nakatingin sa kanya. "Hindi mo na ako makikita...