Chapter 3
Sabay sabay kaming nag-recess at agad namang nakuha ng tatlo ang loob nina Ashton, Zhy at Castor. Nag-uusap sila tungkol sa kung ano.
Si Damon ay mukhang walang pakielaman sa presensya ng tatlo at nanatili lang sa tabi namin ni Trish.
"Baka naman, Damon?" Sumimsim si Trish sa juice n'ya.
"What?" Kumagat s'ya sa fries na hawak ko pagkatapos ko iyong kagatan.
Nalaglag ang panga ni Trish sa nasaksihan.
Wala lang naman iyon sakin dahil close talaga kami ni Damon.
"Si-" Hindi natapos ni Trish ang gustong sabihin.
Huminga s'ya ng malalim at uminom ulit ng juice.
"May babae na bang nagwawander d'yan sa puso mo?" Ngumisi si Trish.
"Meron." Bilingon ako ni Damon. Ngumiti ako sa kanya at ganon din s'ya.
"What the fuck, Lucian?!!" Napatayo si Trish dahilan ng pagkagulat naming lahat.
"What is it, Trish?!" Iritadong tanong ni Lucian. Nanlalaki ang mga mata ni Trish at palipat-lipat ang tingin n'ya samin ni Damon.
"Trish, may problema ba?" Naguguluhan na tanong ko.
"You two! Bawal yan! Hindi kayo pwede! For Pete's sake, magkaibigan tayo dito!" Hysterical n'yang sabi. Kinagat ko ang labi ko.
Natigilan ang lahat pero mas lalong pinalaki ni Castor.
"Babe? Anong bawal? Hayaan mo nga 'yang dalawang 'yan. Pinagbawalan ba nila tayo? Hindi naman 'di ba?" Sinaksak ng tingin ni Trish ang boyfriend.
"Oo nga naman, Trish, what's wrong?" Pilyong ngumisi si Damon.
"Damon." Seryosong tawag ni Lucian na tinawanan ni Damon.
"Dude, she's my princess, I don't have intentions like that to her." Tumawa s'ya.
"Uhm... Trish, kung iniisip mo na ako yung nagugustuhan ni Damon ay nagkakamali ka." Mahinahong sabi ko.
Umiling s'ya.
"Pero nilingon ka n'ya nung sumagot s'ya ahh!" Umupo ulit s'ya at naningkit ang mga mata.
"It's because she knows who it is." Natatawa si Damon at uminom sa juice ko. Tinuro agad s'ya ni Trish.
"Yan! Damon! Kanina kumagat ka sa fries na nakagatan na n'ya, ngayon naman umiinom ka sa nainuman na n'ya! What the heck?!"
"Damn, babe, lower your voice!" Agap ni Castor.
"Hayst!" Umayos ng upo si Damon.
"We've been like this even before you came. Don't give it malice, Trish. We were so close even before." Paliwanag n'ya.
"Lucian knows about it at wala naman s'yang reklamo. Ba't ikaw?" Umirap ito at natahimik naman si Trish.
Ngumuso s'ya at tinusok sa akin ang paningin.
"Ikaw, Gianna? Ba't wala ka pang boyfriend hanggang ngayon? Wala ding crush!" Tinaasan n'ya ako ng kilay.
"Go and try to introduce someone to her, Trish, I'll fracture that guy's bones." Malamig na saad ni Lucian. Nginiwian lang s'ya ni Trish.
"Hay na'ko Lucian. Hindi habang buhay ay itatago mo na lang 'yan si Gianna. At least give her an experience, 'no, para naman alam na n'ya ang gagawin sa susunod." Umirap ito at uminom ng juice.
"And what kind of experience is that, Trish?" Nangunot ang noo n'ya.
"God, Lucian! This isn't 90's!" Irap nito.
"Trish, stop pushing what you want. It's her life, not yours. Stop dictating her what to do." Seryosong saad ni Ashton sa kapatid.
"Whatever, kuya, I'm not dictating her." Lumihis na kaagad ang usapang pagboboyfriend at bumalik na sa aming mga classrooms.
YOU ARE READING
Cold Beast [COMPLETED]
Action"Sana... maliwanagan ka na din. dahil hindi na kita mapapaliwanagan." tiningnan ko ang sunrise. mataas na ito. "Dahil pag balik ko..." binalingan ko sya at nakitang nakakunot ang noo nya. ang dalawa ay nakatingin sa kanya. "Hindi mo na ako makikita...