Chapter 50
"Yes. Prob?" Namula sya at nag iwas ng tingin. Sinulyapan ko si Zhy at nakita kong kumuyom ang kamao nya at umigting ang panga.
Kinalabit ako ni Damon.
"Isa yan sa naghahabol kay Frost." Ngumiwi ako.
"Dapat nandon ka din, ahh? What's your name?" Naupo si Zhy.
"Ahm... I'm Jessabelle." Naglahad sya ng kamay. Ngumiti ako at tinanggap iyon.
Sa knights, si Damon lang ang walang dalang babae. Si Castor... May nakita akong mukhang inosenteng babae. She's paper white, chubby cheeks. Nakapout ang labi at nakakapit sa braso ni Castor.
I smiled at her. Namula ang pisngi nya at ngumuso bago ngumiti.
Nilingon ko ulit ang table na kinaroroonan ni Frost at nakitang nakaupo na ang waitress na kanina ay nakatayo naman.
"Uhmmm... Mauuna na ako." Niyakap ko ulit sila isa isa bago taas noong naglakad papalapit kay Frost.
"Oh really? Hahaha you're so funny, sir!" Nakita kong akmang hahampasin ng babae si Frost pero syempre, ako lang ang pwedeng gumawa niyon kaya pinigilan ko.
Nagulat sya. Si Frost parang expected na na susulpot ako anytime. Tss.
Ngumiti ako sa babae at binaba ang kamay nya.
"Sya ba ang magsi-serve sa atin, baby?" Tinaasan ako ng kilay ni Frost. Hindi sya sumagot.
"I'm hungry miss, nasan ang menu?" Kumurap kurap sya at tumayo.
"Ahm... Kukunin ko lang po, m-ma'am." And she stormed out of my sight.
"Tapos ka na?" Hindi ko sya sinagot. Inayos ko ang upuan ko at bahagyang nilayo sa kanya.
"Mrs Henderson, I'm asking you." Inirapan ko sya
"Hindi na ako magpapakasal sayo." Natigilan sya.
"What?"
"Nakahanap na ako ng bago. Don't call me Mrs Henderson. Ang baduy." Umirap ulit ako.
Bahala ka dyan.
Nanatili syang nakatingin sa akin hanggang sa mag order. Dinoble na lang nya ang niorder ko at iyon ang kinain. Ni hindi nya napangalahatian.
"CR muna ako. Hmmp!" Inirapan ko sya at dumiretso sa powder room. Nag ayos ako bago lumabas. Natanaw ko syang may kausap sa cellphone. Nang nakita ako ay agad na syang nagpaalam.
Hindi na nya ako hinintay. Nang maibigay sa kanya ang card ay tumayo na sya at umalis. I stopped.
"Buti nga sayo." Nilingon ko ang waitress.
"Waitress, May sinasabi ka?" Matapang nya akong hinarap na nagpataas ng kilay ko.
"Kung makaasta kayo parang iyong iyo si sir! If I know napilitan lang iyong idate ka."
"Eleanor!" May babaeng lumapit. Mukhang sya ang manager.
"Pasensya na po ma'am." Hinging tawad ng manager.
"Pakisabihan naman ang babaeng ito na wag manghimasok sa relasyon ng may relasyon. And to inform you, girl, I am Gianne Montecarlos, his fiance!" Gigil kong saad. Nanlaki ang mga mata ng Eleanor na ito at yumuko.
"Ikaw kung makaasta ka parang mapapasayo sya. Anong ipinaglalaban mo? Nag usap lang kayo saglit sa tingin mo iyo na? Anong ipinagmamalaki mo sa akin, hija?" Nganga ang manager habang nanatiling nakayuko ang waitress. Tss. Ewan ko sayo.
"Excuse me."
Nakarating ako sa parking lot at nakita ko ang kotse ni Frost. Nasa hood sya naninigarilyo. Nang nakita ako ay hindi na naalis ang tingin nya sa akin.
I need to say sorry to him. Sineryoso nya ata ang sinabi ko. Hmp!
Lumapit ako sa kanya ng tinapon na sya ang sigarilyo. I hugged him so tight.
"I'm sorry, Frost." He hugged me too.
"For what?" His voice is shaking.
"For what I said. I didn't meant that. I was just pissed off." Tumingala ako sa kanya at nakita kong umiigting ang panga nya.
"Sorry." Tumango sya.
"I already cancelled our wedding." Napanganga ako.
"W-what? Why? You don't wanna marry me?" Kinalas nya ang yakap ko sa kanya. Oh no.
"I want. But you don't."
"I told you I didn't meant what i've said!" Tinuro ko ang singsing sa kamay ko. Tumango lang sya.
I pouted.
"You don't love me." He whispered a cuss.
Lumayo ako sa kanya at umiling.
"Ipagpapalit mo na ako kay Eleanor?!"
"Who is Eleanor?"
"Kunwari ka pa! Magsama kayo!" I tried to take off my ring pero hindi ko matanggal. Hindi naman iyon mahigpit.
"Argh!" He chuckled and hugged me.
"Stay away from me! I hate you!" I cried. Damn tears!
"Shh. I'm sorry." Umiling ako.
"I hate you..." Humigpit ang yakap nya sa akin.
May narinig akong yapak na parang tumatakbo.
"M-ma'am Gianne." Nilingon ko ang pinanggagalingan ng basag na boses na 'yon.
Humihikbi syang lumuhod sa harap ko.
"What are you doing?"
"Sorry po."
"It's alright. Bumalik ka na don." Tumango sya at yumuko bago tumalikod.
"What was that?" Umiling lang ako at pumasok na sa kotse.
Akala ko ay uuwi na kami sa condo pero ibang daan ang tinahak nya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Hindi nya ako sinagot. Hinalikan nya lang ang kamay ko.
Nganga ako ng makarating kami sa isang mansyon. Mas malaki ito sa bahay namin.
"Welcome home wife." He whispered and kissed my cheeks.
"We're not married yet. Why are you calling me wife?"
"Ayaw mo ng Mrs Henderson, right?" Ngumuso ako.
"Frost!" Tinig ng babae ang nagpalingon sa akin sa bungad. Napanganga ako. It's his mom! With his dad. Nakangiti si Mrs Henderson at si Mr Henderson naman ay seryoso lang. Nagbeso ako sa dalawa.
"Hija, nice to see you again." Iba ang tingin sa akin ng daddy ni Frost. Parang may atraso ako sa kanya. Nagulat lang ako ng inakbayan nya ako.
"Finally." Humalakhak sya. Sumimangot si Frost.
"Dad, she's mine." Tumawa din si Mrs Henderson. Mapayapa ang tawa nya na parang may mahirap na laro silang ipinanalo.
We had dinner at the pool side. Nagkatuwaan kami at nag-celebrate ng pagbabalikan namin ni Frost.
'Mama' was so happy when Frost told her we're getting married soon.
This is the day I can finally say this. I am happy and contented. I found my happiness in the cold beast named Frost Kalvin Henderson. And in the past years without him, i have realized that a life without him is meaningless.
YOU ARE READING
Cold Beast [COMPLETED]
Action"Sana... maliwanagan ka na din. dahil hindi na kita mapapaliwanagan." tiningnan ko ang sunrise. mataas na ito. "Dahil pag balik ko..." binalingan ko sya at nakitang nakakunot ang noo nya. ang dalawa ay nakatingin sa kanya. "Hindi mo na ako makikita...