Chapter 2 FRIENDS
"Oh, my gosh!" Anang isa.
"Did she just said, Montecarlos?!" Ipit na sigaw ng isa.
"She's the daughter of-"
"Enough class! Y-You may take your seat, Miss M-Montecarlos." Tumango ako at mabilis na naglakad patungo sa upuan ko.
Naibsan ang kaba ko dahil sinalubong ako ni Damon ng ngiti nang tumayo s'ya para padaanin ako. I sighed and plaster a sweet smile.
I'm somehow thankful kasi may mga kaibigan ako. I'm Montecarlos, the youngest daughter of a dangerous Mafia leader, but I can't dictate people on who they should consider as a friend. I can't order them to be friends with me just because I'm a Montecarlos... I want them to entertain me not because I'm a Montecarlos, but because they want to really be friends with me.
Hinawakan ni Damon ang siko ko paupo. Nginitian ko s'ya at ganon din s'ya. Hindi agarang discussion ang nangyari dahil first day.
Sa susunod na subject ay ganon din ang ginawa. Introduction and little discussion.
Sa break ay nagkasabay kaming buong barkada. Si Castor ay agad niyakap si Trish at naglandian sa loob ng cafeteria.
Si Zhy John Cruz ay isa din sa kaibigan namin. Ashton Drake Monteverdi, kuya ni Trish ay kaibigan din namin. Of course, Lucian is on our circle para bantayan ako.
Nakahilig ako sa balikat n'ya ng may tumapik sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Henderson ito kasama ang mga kaibigan n'ya.
"Oh! Dre, ikaw pala!" Tumayo si Lucian at nakipag high five sa tatlo. Ngumiti si Castor sakin ng binalingan ko s'ya.
"How's your first day?" Tanong n'ya. Nangalumbaba s'ya sa harap ko.
Ngumuso ako.
"Ayon, pinagtsismisan ako." Gumuhit ang ngiti sa labi n'ya.
"Why? Naaattract ba sila sa ganda mo? Don't worry, papatayin namin silang lahat ni Lucian, Damon, Ashton at Zhy kapag pinaiyak ka." Mas lalo akong ngumuso at tumawa sila ni Damon.
"It's not about that, Dra. She's a Montecarlos." Si Damon na parang ang tanga ni Castor dahil kailangan pa n'yang ipaintindi ang sitwasyon sa kanya.
"Oh!" Yun lang ang nasabi n'ya at nginitian ako bago nakipag usap kay Trish.
"Oo, buti nga at pumayag si Tito." Halakhak ng kung sino kaya napabaling ako dun. S'ya yung Romualdo. Napatingin s'ya sa banda ko at kumaway at ngumiti. Napaawang ang labi ko.
Nilingon ako ni Lucian dahil sa ginawa n'ya.
Inanyayahan niya ang tatlo at lumapit sa table namin saktong dumating ang order naming snacks na dala ni Zhy John at ni Damon na di ko man lang namalayan na umalis din pala. S'ya ang may dala sa snacks ko.
"Thanks." Ngumiti lang s'ya.
"Guys." Napalingon ako kay Lucian na nagtawag ng atensyon namin pero sakin lang naman nakatingin.
"These are my friends from New York." Bumaling s'ya sa tatlo sa likod n'ya.
"This is Pantaleon Lazarus Salvatore, Cloudeon Ian Romualdo and Frost Kalvin Henderson." Ngumiti si Cloudeon sa amin at nanatili sakin.
"We met in New York." Dugtong n'ya.
Naglahad si Ian sakin ng kamay na agad nabaunan ng bala galing sa mata ni Lucian.
"Hi! You're one of my classmates, right?" Nakangiti s'ya at nakatuon ang buong atensyon sa akin.
"Uh..." Pinasadahan ko ng tingin si Lucian na blangkong nakatingin sa mga kaibigan at kumuha ng monoblock chair.
Kinamayan ko ang lalaki sa harap ko at awkward na ngumiti.
"Yes." Tumango s'ya at walang pasabing umupo sa tabi ko. Sakin pa din ang buong atensyon n'ya hanggang sa inakbayan ako ni Damon at sinubuan ang chips.
Kunot noong nakatingin si Ian sa braso ni Damon ng tiningnan ko s'ya.
Parang gustong magwala base sa tingin n'ya kaya umiwas ako ng tingin.
YOU ARE READING
Cold Beast [COMPLETED]
Action"Sana... maliwanagan ka na din. dahil hindi na kita mapapaliwanagan." tiningnan ko ang sunrise. mataas na ito. "Dahil pag balik ko..." binalingan ko sya at nakitang nakakunot ang noo nya. ang dalawa ay nakatingin sa kanya. "Hindi mo na ako makikita...