Chapter 22
"Reyna, please?" Nginusuan ko lang si Brandon.
"Sorry na, Gianna." Si Dwayne at hinawakan ang braso ko.
"Reyna..." Nagsusumamong tawag ni Brandon.
Hindi ko s'ya tiningnan.
"Gianna! Sorry! Nagkatuwaan lang..." Ani Kaizer.
"I'm not a fucking toy." Seryosong saad ko kahit na natatawa na sa kaloob looban.
"Gianna! Your mouth." Kunot noong saway ni Kai.
Umirap ako.
"Please, Reyna, hindi ko kakayaning mabuhay kung galit ka sakin..." Hinarap ko si Brandon.
"E 'di mamatay ka!" Simpleng sabi ko na ikinakalas ng panga n'ya.
"W-What the..." Si Dwayne.
"Reyna- Aww!" Sinampal ko s'ya.
"Lumapit ka dito Dwayne!" Kunot noong utos ko. Nagkagat labi s'ya at lumunok.
"Lapit!" Dahan dahan s'yang lumapit sa akin kaya sinampal ko din.
Napapikit s'ya.
Feeling ko nagalit.
Hinarap n'ya ako ng mapupungay ang mata.
"Sorry, Gianna..." Marahan n'yang sabi.
Binalingan ko si Kaizer na nakatingin sa mga ulap at sumisipol.
Binalingan din s'ya ng dalawa at binatukan.
"Aray! Put-" Napatingin s'ya sakin.
Hinigit ko ang dalawa.
"Sila lang bati ko. Layas!" Bahagya ko s'yang sinipa. Nalaglag ang panga n'ya nang niyakap ako ng dalawa at nag boo sa kanya.
Lumapit agad s'ya at nagmura.
"Minumura mo ba ako?!" Nanlaki ang mga mata nya.
"Fuck! I mean... Shit! f- damn! I... ugh!" Sinabunutan n'ya ang sarili n'ya.
Napangisi ako.
"I-I'm sorry, honey." Naglahad ako ng kamay sa kanya at huminga s'ya ng malalim. Parang nawala ang nakadagan sa kanya.
Niyakap n'ya ako ng mahigpit.
"At ngayon..." Pumagitan s'ya sa dalawang nakangisi.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Tinakot mo kami kanina." Panimula ni Brandon ng nakapamewang sa gilid ni Kaizer.
"You acted dead." Si Dwayne na nakataas ang kilay.
"Ang dapat sa isang makulit na bata..." Nilingon ni Kaizer ang dalawa.
"Pinapalo..." Nakalas ang panga ko ng ngumisi sila.
"D-Damn!" Nagsimula na akong tumakbo at hinabol nila ako.
"WAAAAAAHHHH!!!" Si Brandon na muntik na akong maabutan.
"Ahh!" Nakailag ako sa panghahawak ni Dwayne pero nang patakbo na ulit ay umangat ako.
Nagtawanan sila ng tumili ako.
"May kiliti s'ya sa tagiliran!" Malademonyong sabi ni Kaizer na s'yang may yakap sakin.
"AAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!" Hiyaw ko nang kilitiin nila ako sa bewang.
Naalala ko si Lucian. Pinagtutulungan namin s'ya ni ate noon dahil may kiliti din s'ya sa tagiliran.
"HAHAHAHA" Tawanan nila at nakisali pa ang mga tao samin.
YOU ARE READING
Cold Beast [COMPLETED]
Action"Sana... maliwanagan ka na din. dahil hindi na kita mapapaliwanagan." tiningnan ko ang sunrise. mataas na ito. "Dahil pag balik ko..." binalingan ko sya at nakitang nakakunot ang noo nya. ang dalawa ay nakatingin sa kanya. "Hindi mo na ako makikita...