Chapter 6

169 9 0
                                    

Chapter 6 

Sa classroom ay nakahilig ako sa balikat ni Damon at pinaglalaruan naman n'ya ang buhok ko sa likod ng upuan ko.

Hindi kinuwento ni Trish sa boyfriend n'ya ang nangyari dahil baka magkagulo lang daw.

I said, hindi na mangungulit ang lalaking 'yon kapag alam ng knights pero ayaw n'ya talagang sabihin kaya 'di ko na lang pinansin.

"Bye!" Kumaway ako sa kanila bago pumasok sa SUV.

Yumakap ako kaagad kay Lucian at pumikit.

Tahimik naman n'yang hinahaplos ang buhok ko. At dahil sa haplos n'ya ay nakatulog ako.

Nagising ako ng tumigil ang sasakyan.

"Mom!" Salubong ko sa kanya at nagmano.

Agad n'yang kinuha ang plastic ng pinamili ko.

Nakangiti n'ya itong binuksan.

"Alam n'yo po, mommy, nakita ako ng mga studyante na bumibili nito kaya dinagsa din nila ang nagtitinda." Nagulat si mommy at ngumuya.

"Trend maker, huh?" Tumawa ako at hinagilap si daddy. Napansin ata iyon ni mommy kaya sinagot iyon habang nagmamano si Lucian.

"Nasa Cebu. May kung anong project ata." Anya at nag-iwas ng tingin. Tumango na lang ako at nagpaalam na.

I opened my Skype and looked for Trish to check on her. Nasagot n'ya iyon.

"Mmmph!!!" Kisame ang nakikita ko at buhok n'ya.

Natawa ako.

"Loko ka talaga Trish-" Naputol ang linya dahil nahulog ang cellphone kaya mas lalo akong natawa.

Naligo ako at nakatulog na agad matapos i-confirm ang friend request ni Ian.

"Good morning, Gianna. Have you seen Trish?" Bungad sakin ni Castor na halatang kanina pa naghihintay.

"Good morning. Hindi ko pa s'ya nakikita." Tumango s'ya at umupo ulit sa upuan.

"Mauna na ako." Tumango s'ya at ngumiti kaya dumiretso na ako sa classroom.

"Good morning, Gianna!" Binati ko pabalik ang mga kaklase kong bumati sa akin bago umupo sa upuan na walang bakas ng dalawa kong kaibigan.

Nang nag-ring ang bell ay pumasok si Damon at umupo sa tabi ko.

"Si Trish?" Magkasabay naming tanong.

Pareho kaming ngumiti at umiling.

"Hindi ko din alam eh. Magulo yung video call namin kagabi. Nakikipagharutan ata sa kapatid. Nalaglag pa nga yung cellphone eh." Tumawa kami pareho pero agad iyong napawi nung pumasok si Asher na mapupula ang mata.

"Gianna, let's talk. Please." Naguguluhan akong tumango at sumunod sa kanya nang lumabas s'ya. Mukhang wala s'yang tulog. Bakit kaya?

Baka activities na naman.

"Si Trish, kuya?" Paunang tanong ko.

Kunot noo n'ya akong binalingan.

Napahilamos s'ya.

"Hindi s'ya umuwi kagabi, akala ko kasama mo. Ang sabi ni Castor, e, 'di mo daw alam." Nanlaki ang mga mata ko.

With that, I knew something's not right.

"Ano, kuya?!" Kinabahan ako ng todo.
Hindi gawain ni Trish iyon!

Sunod sunod ang malalalim kong hininga.

"Mauuna na ako, Gianna. Salamat. Maghahanap kami."

"I'll try daddy's men, kuya."

"Thanks." Dali dali na s'yang nag jog palabas ng campus.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Trish. Out of coverage.

"Gianna, what's wrong?" Nag aalalang mukha ni Damon ang nakita ko na mas nagpakaba sa akin.

This is really happening!

"Nawawala daw si Trish..." Nabasag ang boses ko dahil may nagbabara sa lalamunan ko.

"Hush..." Niyakap n'ya ako.

Wala ako sa sarili buong araw at pagkauwi ay yun ang pinag usapan namin nila mommy. I even called daddy for help at nagpadala s'ya ng maraming tauhan.

Day two of searching for Trish, wala pa ding balita until...

Day three...

"Princess, nandito sila Castor. Kakausapin ka." Lumabas ako dahil sa tawag ni Lucian.

Namumugto ang mga mata ko dahil kagabi pa ako umiiyak sa pag aalala.

"Si Trish" namumula ang mga mata ni Castor at balisa si Damon.

"Su-Sumama ka samin, Gianna." Sumakay kami sa SUV nila at katabi ko si Lucian at Damon.

Tulala ako hanggang sa nakarating kami sa hospital.

May mga pulis at iilang tauhan ni Daddy.

"What's this?" Pakiramdam ko ay nagbara sa lalamunan ko ang puso ko.

Hindi sila sumagot at bumaba. Inalalayan nila ako at dumiretso sa...

Morgue.

Nanghina ako.

"What's happening?!" hysterical kong tanong tuluyan nang umiyak ang isa sa knights... Asher.

Napaluhod si Castor sa tabi ng nababalutan ng puting kumot.

Lumapit ako.

"Kuya Asher, what's wrong?" I said, almost a whisper.

Umiling lang s'ya sakin at umatras.

I slowly reached for the blanket.

Nanginig ako.

"T-trish?"

Cold Beast [COMPLETED]Where stories live. Discover now