Chapter 28

118 6 0
                                    

Chapter 28 

Nakatulala ako sa loob ng hospital room ko.

Winasak ni Damon, Luis, at Kaizer ang pinto kaya ako nakuha.

Mabuti na lang daw ay naagapan.

"Fuck it! Bakit mo iyon ginawa?!" Bungad ni Castor kasama si Zhy John at kuya Asher.

"Gianna! Delikado iyon! Paano kung nasapul yung pulso mo? Paano kung hindi naagapan?" Hinampas ni kuya Asher ang ding ding.

"I'm sorry."

"Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ba nagkakaganyan ka?" Kunot noong tanong ni Kaizer. Si Brandon ay tahimik lang katabi  si Dwayne.

"Nasaan na ba si Gianne Montecarlos?" Seryosong tanong n'ya.

Hindi ako umimik.

"Hindi ganyan umasta ang mafia Queen, Gianna." Hinawakan nya ang kamay ko.

"Ipakita mo sa akin ang kaya mo. Dahil tatalikuran kita kapag nagpakawalang kwenta ka."

"Kaizer." Saway si Brandon pero hindi naman ito natinag.

"Magagawa mo iyon sa akin, Kai?" Nagtiim bagang s'ya at yumuko.

"Gianna... I want to see how you were before you declared your love for Frost. I want to meet Gianne Montecarlos in person, again."

Lahat sila ay nakatingin lang sa amin ni Kaizer.

"Kaizer... Magagawa mo ba akong talikuran?" Seryosong tanong ko. Mabilis s'yang umiling.

"No, Gianna." Malumanay na aniya.

"Now tell me. Where is Gianne Montecarlos?"

I swallowed hard before answering his question.

"She's..." Naghintay s'ya ng sagot.

Binalingan ko ang mga taong nasa paligid ko.

They're always there for me. I shouldn't lose myself for others while my friends are losing themselves for me.

They are still gripping on their hope.

"She's sleeping..." Suminghap sila.

"Then wake her up. She has left thousand of  unfinished battles." Umiling ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"I can't, Kaizer."

"You must wake her up." Kumbinsi n'ya sa akin. Umiling ulit ako. He held my hand.

"Wake your own beast up, Gianna. S'ya lang ang maaasahan mo sa sitwasyon na ganito. Your beast  is the only one that will save you." Yumuko ako.

"Kaizer, you know I'm trying my hardest best to conceal my anger. Kapag pinakawalan ko iyon..."

"Let it be, Gianna. Kailangan n'yang tapusin ang nasimulan n'ya." Hindi ako umimik.

"Alalahanin mo kung bakit ka galit, Gianna." Napakurap kurap ako.

I promised Lucian that his soul will be at peace. But where the fuck am I now? Doing my own thing! Damn it!

Nakatulog ako sa pag iisip ng kung ano ano.

I'm sorry bro.  Because of that shit I messed up.

Akala ko kaya kong magmahal. I tried. But fuck! Maybe love isn't for me.

Natapos ang first semester nang gano'n ang sinapit ko. Pero nawakasan iyon ng sabihin ni Damon na ako ang may ari ng paaralan na iyon na s'yang totoo.

Pumunta din dun si daddy para kausapin ang mga magulang ng nang bully sa akin.

Mabuti na lang at hindi nila alam na ako ay isang Mafia queen. I know my schoolmates know something about the underground society pero hindi sila maniniwala in case na may mag sabi na kabilang ako do'n.

Bukas ay semestral break na. Ngayon ay nandito ako sa rooftop kung saan nangyari ang pangdadown sa akin ng mga tao. At kung saan ako pinagsalitaan ng masama ng pinakamamahal kong lalaki na kaya kong ipaglaban kahit kanino.

I will never forget that I was humiliated and degraded to this extent. I will never forget how I lost myself for someone who's unworthy of my love.

Daddy said, hindi dapat babae ang lumalaban para sa isang relasyon. Dapat lalaki, dahil sila ang malakas at responsable. Mas kaya nilang tanggapin ang sakit sa pagsasakripisyo. Dahil ang babae, s'yang dapat iniingatan. S'yang dapat nagpapatibay, pero hindi ang nagsasakripisyo... Dahil pag nagsakripisyo ang isang babae at natalo... Nauubos ang lahat sa kanya.

Nakarinig ako ng yapak ng mga tao.

Inayos ko ang facemask ko at nilingon iyon.

Frost, Cloudeon, Pantaleon.

Binalik ko ang tingin sa campus kung saan maraming studyante ang nagkalat.

Natigilan sila ng makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Galit na tanong ni Frost.

Natawa ako ng mahina.

"Bawal bang pumunta dito? Bakit, Henderson? Sa'yo ba ito?" Malamig kong tanong.

"Uh, this is his favorite place, Gianna." Ani Cloud. Tila naliligo din s'ya kung bakit n'ya iyon sinabi.

Favorite place? Bakit? Dahil dito n'ya ako dinurog?

"Well, mister, find another because I own your favorite place." Nagtiim bagang s'ya.

I stared coldly into his eyes. Those eyes. Ang tanging naaalala ko lamang ay ang tagpong puno ng pagkamuhi ang mga mata n'ya para sa akin. I have never saw love and devotion in his eyes.

"Oh! I almost forgot. H'wag na pala. Ako na ang maga-adjust." Tinaasan ko sila ng kilay.

"But before anything else, I want to say sorry, again." Bumuga s'ya ng hangin na parang walang pakielam sa sasabihin ko.

"Hindi na ako magpapaliwanag kasi hindi ka naman makikinig."

"Buti alam mo." Tumango ako sa sinabi n'ya.

"Sana maliwanagan ka na din. Dahil hindi na kita mapapaliwanagan." Tiningnan ko ang sunrise. Mataas na ito pero hindi pa naman masakit sa balat.

"Dahil pag balik ko," binalingan ko s'ya at nakitang nakakunot ang noo n'ya. Ang dalawa ay nakatingin sa kanya.

"Hindi mo na ako makikita. Ako, bilang Gianna Ellia Montecarlos. Ang babaeng naging desperada para makuha ka." Umiling ako.

"Nakakahiya." Tumawa ako at nilagpasan na sila.

Cold Beast [COMPLETED]Where stories live. Discover now