Chapter 15
Kinabukasan ay malapit sa akin si Frost. I don't know if it's because of dad or what.
Kinabahan ako sa kung ano ang ginawa ni Dad.
"Alam mo na ba ang plano ng mga daddy natin?" Tanong n'ya ng nasa bench kami sa field. Hinihintay ang iba.
"Huh? Anong plano?" May pakiramdam na ako sa ibig n'yang sabihin pero hindi ako sigurado.
"Sa ating dalawa." Kinunot ko ang noo ko.
"Ikakasal nila tayo for some reason... I don't know." Seryoso n'yang sabi at humilig sa upuan. Pinagmamasdan ako.
"What? A-Are you kidding me, Frost?" Hindi nagtagal ang tingin ko sa kanya at binalingan ang shake na hawak ko.
"I'm not, Gianna." He's freaking serious.
"Can you do something about it? Nanliligaw kasi ako kay Erica, eh." Napaawang ang labi ko.
Erica is the transferee beautiful girl.
Mabait s'ya sa akin mula pa lang.
Nakakasama din namin s'ya sa circle namin kapag lunch o recess.
"I... I'll try." Nag iwas ako ng tingin sa kanya at sakto naman na dumating ang iba naming kaibigan.
Si Pantaleon ay natuto na rin ngumiti kaya sinalubong n'ya ako ng ngiti at binalingan si Frost na tahimik lang naman.
Just like the normal days, nakikisali ako sa biro ng knight. Nagi-space out nga lang paminsan minsan dahil sa nalaman ko.
Kinausap ko si daddy pagkauwi.
Ang sabi n'ya ay tungkol sa pagtatayo nila ng building at kasama magi-invest si daddy sa kompanya ng mga Henderson.
Nasabi ko din kay Daddy na may nililigawan si Frost pero ang sabi ay wala na daw s'yang magagawa dun.
Six months lang naman daw iyong bisa kaya pwede na naman iyon.
Pwede din naman na mag-file ng divorce kaya mas maayos.
Tsaka sa aming lahat ay ako lang ang may dual citizenship. Mayroon ako sa birthplace ko at dito sa pilipinas.
In case na gusto ko na, pwede akong mag file ng annulment abroad.
Naiisip ko si Frost at Erica.
I'm the villain of their perfect love story.
Nagmukmok ako sa gabing iyon dahil sa konsensya.
This is my first time doing such a thing for my own happiness.
Niyakap ko ang teddy bear na bigay sa akin ni Lucian dati nung nag birthday ako.
"I wish you're here..." Nakatulog din ako kaagad dahil sa pagod sa utak.
YOU ARE READING
Cold Beast [COMPLETED]
Action"Sana... maliwanagan ka na din. dahil hindi na kita mapapaliwanagan." tiningnan ko ang sunrise. mataas na ito. "Dahil pag balik ko..." binalingan ko sya at nakitang nakakunot ang noo nya. ang dalawa ay nakatingin sa kanya. "Hindi mo na ako makikita...